Journey 019

16 1 0
                                    

Nagising ako na tulog pa ang iba. Napatingin ako sa katabi kong mahimbing parin ang tulog. He looks so at peace while sleeping, like he's so innocent even he's a demon.

Tumayo ako saka lumabas sa tent na ginawa ni Raffy para samin. Di pa sumisikat ang araw at madilim pa ang buong paligid. Nagmamasid ako sa paligid ng mapansin ang pag-galaw sa bandang kaliwa ng masukal na kagubatan.

Walang pag-aalinlangan ko itong nilapitan. Nang tuluyan ko na itong nalapitan, nagulat ako ng makita ang isang matandang ginang. Gulat itong napatingin sa akin. Nakahawak pa ang kanyang kamay sa kanyang dibdib, tila nagulat din sa biglaaang pagsulpot ko. Bumuntong hininga ito saka binaba ang kamay.

"Ginulat mo ako doon hija." sabi nito sakin saka malawak na ngumiti. Itim na itim ang buhok nito. Di narin sya ganon makalakad dahil may tungkod ito.

"Oh sya, mauuna na ako, pasensya na kung nagulat kita." mahina akong tumango. Nagsimula itong maglakad pero di pa man sya nakakadalawang hakbang ay bigla itong napaupo sa lupa. Agad akong napalapit sa kanya at hinawakan ang magkabilang braso nito para tulungang makatayo.

"San po ba ang punta nyo?" tanong ko dito. Agapan naman ang pag-iling nito.

"Ay hindi na hija, kaya ko naman ang sarili ko hehe." pagtanggi nito. Wala akong sinabing ihahatid ko sya pero dahil yun ang naisip nito ay pababayaan ko na.

"I insist, madame." magalang na tugon ko dito.

"hays, sige na nga hija, salamat ng marami ah." mahina na lang akong tumango dito. Nakaalalay ako lang dito habang mas mabagal pa itong naglalakad sa pagong. Pasikat na ang araw ng makarating kami sa isang tulay. Kahoy at tali lang ang nagdudugdong sa dalawang magkahiwalay na lupa.

Sinimulan naming tahakin ang daan ng tulay na iyon. Nagpapagewang-gewang pa ito. I don't know kung ito lang ba ang tanging daan. Madaling balansehin kung mag-isa lang ako. Pero mahirap kung ganitong may kasama ako. And the fact that I have to balance myself and hers suck me up.

Naglalakad kami sa kahoy nito na mukhang konting bigat na lang ay bibigay na. Kung madadagdagan pa siguro kami ng isa ay mahuhulog kami sa mabilis na agos ng tubig na nasa ibaba.

"Sigurado po kayong walang ibang daan?" tanong ko dito. Mahina syang tumawa sa sinabi ko.

"Pasensya na hija, ngunit ito lang ang tanginga daan. Pagkatapos ng tulay na ito ay ang aking tahanan." tumango na lang ako sa sinabi nito.

Nang sa wakas ay malagpasan namin ang tulay ay tama nga ang sinabi nito. Narating namin ang isang maliit na kubo.

"Mauuna na po ako." pamamaalam ko sa kanya. Sigurado akong gising na ang mga kasamahan ko. At alam kong hinahanap na nila ako.

"Tumuloy ka muna hija, pasasalamat man lang sa paghahatid mo sa akin dito." tatanggi na sana ako ng hawakan nito ang pulsuhan ko saka iginaya ako papasok.

Di na lang ako tumanggi sa kagustuhan nito. Wala namang masama kung aalukin nga nya ako. Tumatanggap din ako ng pasasalamat.

Pagpasok namin ay sumalubong sakin ang napakaliit na espasyo ng loob nito. Ibang iba sa kinalakihan ko. Kung saan nakatira ako sa pinakamalaking palasyo. Nakakakita ng mga bagay na di normal sa pagkaraniwalang tao sa bayan. Pinagsisilbihan. Lumaki ako sa isang marangyang buhay. And now, while seeing this things in front of me. Makes me feel like I should be thankful. Ngunit sa lahat ng araw na iyon, nakapaloob ako sa isang sumpa. But now, I appreciate everything on me.

"Pasensya ka na at masyadong masikip dito. Ako lang din naman mag-isa kaya di ko na kailangan ng malaking bahay. Pasensya na rin kung ito lang ang mabibigay ko sayo." sabi ng ale. She handed me a cup of water. Di ko man lang naramdaman ang pag-alis nito upang kumuha ng tubig na diko rin alam kung saan galing. It looks cleam naman. I've drunk river waters. Pinapa-initan pa ito ni Raffy para sa akin to make sure it's clean.

Cursed Amaris (✓)Where stories live. Discover now