Journey 007

26 3 0
                                    

Naglalakad na kami palapit sa malaking gate ng bayan ng pigilan kami ng isang matandang lalaki.

"Sino kayo? at bakit kayo nandito?" tanong nito saka isa-isa kaming sinuri ng tingin. Natigil ang tingin nito kay Theon ng sumulpot sa likod nya ang isang ginang.

"Hindi mo sinabing meron pala tayong panauhin. Sino sila?" tanong nito sa amin. Magsasalita na sana ako ng nauna ng magsalita si Theon.

"We're travelers, and my wife here is pregnant, can we stay for the night here?" tumingin ito sa akin at pinag-taasan ko lang sya ng kilay. I rolled my eyes on him, I also heard Raffy tsked.

"Ganon ba, o sya pumasok kayo, pagpasensyhan nyo na itong asawa ko, sya ang nagbabantay dito at gusto nyang siguraduhin na walang masasamang nilalang na maaring makapasok." mahabang lintaya nito habang tinutukoy ang lalaking asawa pala nito.

Pumasok kami gaya ng sinabi nito. Naiwan naman yung lalaking asawa ng ginang. Lahat ay nagmamadaling pumasok sa kanilang bahay at sinarado ang lahat ng maaring maging lagusan papasok sa bahay nila ng tuluyan kaming makapasok.

"Hayaan nyo na sila, ganyan ang mga tao dito, natatakot sila sa dilim ng gabi." sabi ng ginang ng mapansin ang tingin namin sa mga tao. May mga bata pang umiiyak dahil di mahanap ang kanilang tahanan. Nilapitan ko ang isang bata foon na patuloy lang sa pag-iyak pero agad namang dumating ang isang babae saka hinila palayo ang bata.

Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad, nang huminto ang ginang sa isang malaking bahay.

"Tuloy kayo." ginawa namin ang sinabi nito. "Dyan lang muna kayo at maghahanda ako ng makakain." sabi nito saka iniwan kami sa sala. Tahimik lang kami na nakaupo ng tumayo si Theon, I stopped him and grabbed his wrist.

"Where're you goin'?" I asked him. A smirk formed on his lips.

"Don't miss me so much babe, I'm just gonna check outside." I rolled my eyes and release his wrist.

Nang makaalis ito ay sya namang pag-balik ng ginang. Nagtakha ito ng makitang dalawa na lang kami ni Raffy.

"Saan na yung may pulang buhok na kasama nyo?" saka luminga-linga.

"Nag-pahangin po." tumango na lang ang ginang sa sinabi ko. Habang kumakain kami ay tinatanong naman ako ng ginang tungkol sa mga bagay na diko naman alam. Like what she asked, ano daw ang pinaglilihian ko? like the heck? That Theon is at fault for all of this.

"Kayo po ba? Nagkaanak na kayo?" I diverted the topic. Malungkot itong napabuntong hininga.

"She died, last month. She fell on a cliff. Wala syang kaibigan at madalas syang binubully ng ibang bata. Hanggang sa naglalaro sya malapit sa bangin, alam kong wala syang gagawing ikakapahamak nya. Pero may mga taong nagpunta sa bahay namin at sinabing nahulog ang anak ko. Wala akong nagawa para iligtas sya. Sinisisi ko ang sarili ko dahil don." kwento nito habang naglalandas na ang luha sa kanyang mga pisngi.

"It's not your fault." Napabaling ang tingin ko kay Raffy, umiiyak narin ito. What a cry baby.

"Di na natagpuan ang bangkay nito, hanggang ngayon ay patuloy parin namin syang hinahanap, pero may mga taong sumuko narin sa paghahanap sa kanya. K-kung hindi ko lang sya pinayagang maglaro doon, edi sana nandito pa sya." patuloy nito sa pag-kukwento. Inalo ko na lang ito. Sinamahan ko pa sya sa silid nya para makapag-pahinga na. Pinagpilitan pa nitong sya ihahatid nya kami sa silid namin pero pinigilan ko na sya. Kaya tinuro na lang nito ang daan papunta doon. Iba ang kwarto ko at katapat nito ay ang silid ni Raffy.

Nakahiga ako at nakatingin lang sa kisame. Sinubukan kong ipikit ang aking mga mata. Di ako nakakaramdam ng antok pero ayaw din dumilat ng mga mata ko. Sa isang madilim na silid ay naaninag ko ang isang anino ng batang babae. Nakaupo ito sa isang gilid at umiiyak. The sound of her cries are echoing all over this dark room.

Cursed Amaris (✓)Where stories live. Discover now