Donna's POV
"Hello babe?" Tugon ko agad nung sinagot niya ang tawag ko
"May problema ba babe?" Tanong niya
"Ah wala naman. Namiss lang kita. By the way inaway nanaman niya ko." Sumbong ko
"Hayaan mo na muna bae konting tiis nalang at makakaganti narin ako sakanya. Sa ngayon, steady ka lang ah? I love you babe..."
"I love you too Kayle"
*toot toot
Ang sama kong tao. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba kasi si kayle pa ang minahal ko? Sinasaktan lang naman namin si Cassie eh. Naaawa ako sakanya.
Pero kailangan kong sundin ang mga utos ni kayle. Yun lang ang nakikita kong paraan para mahalin din niya ko.
Alam kong ang sama sama kong tao. Pati nga ako galit sa sarili ko eh.
Di ko na kinayang makipagsagutan pa kay Cassie kanina. Naaalala ko lang kasi ang kasamaang ginawa ko para maging miserable ang buhay niya. Kaya umuwi nalang ako.
Gusto ko nang aminin kay Cassie na niloloko lang siya ni kayle hanggang ngayon. Pero pano?
Masyado akong selfish kaya alam kong di ko yun sasabihin sakanya. Pero naaawa na talaga ako. Lalo na alam ko at nararamdaman ko na mahal niya parin si kayle kahit na nandiyan na si Jherald...
---------------
Cassie's POV
"Antakaw niyo naman!" Pano ba naman kasi ang dami nilang inorder! Eh diba ako manlilibre? Anong ibabayad ko neto e wala pakong ipon kakasimula lang ng klase tsk
"Don't worry Cassie. I will pay for our bills." Sabay kindat ng demonyo kong ex.
"Walang bawian yan ah!" Dahil aa narinig ko, nag order din ako ng marami. Libre eh!
"Cassie ayaw mo bang sumali sa theater club? Masaya run!" Paghihikayat ni jherald.
"Hmm. Ewan." Sagot ko
"Sige na please..." nagmakaawa na ang bestfriend kong anghel.
"Okay okay. Sige na nga!" Alam ko naman kasing di siya titigil hangga't di ako papayag eh -_-
"Cassie di mo naman kailangang pumayag kung di mo gusto eh." Kayle
"Okay lang. Gusto ko namn eh." Nginitian ko siya.
"Sige cassie uuwi na ako." Rald
"Wait! Uuwi ka na nga? Di ka ba sasabay kumain?" Hinabol ko siya.
"Di na cassie" bakit ganun siya? Umalis na siya.
"Kayle satingin ko kailangan ko nang umuwi. Si Jherald ang lagi kong kasamang umuuwi eh. Nasanay na ako."
"Wag!" Nabigla ako sa aigaw niya
"I mean upo ka muna. Nakapagorder nako eh. Tsaka may gusto sana akong sabihin sayo." Wala akong nagawa kundi umupo. Pinagtinginan kasi siya ng mga tao sa sigaw niya eh.
"Anong sasabihin mo?"
"Cassie, pwede bang maging tayo ulit?" Nabigla ako sa sinabi niya. Si kayle at ako magbabalikan? Oo dati gusto ko pero ngayon parang di ako sigurado.
Nung oras na nagusap kami ulit ni kayle sa beach, agad ko siyang pinatawad. Ibig sabihin ba nun mahal ko parin siya? O kaibigan parin ang turing ko sakanya?
Di ko na alam. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko.
"Cassie?" Natauhan ako nung tinawag niya ako
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is A Cheater
Teen Fiction~~~~~~~~~ Ang storyang ito ay para sa mga taong iniwan, nang-iwan, naloko, manloloko, nasaktan, at para sa mga taong na in-love