Nagdadabog akong bumaba papunta sa dining room para mag almusal.
"Ate bat parang depressed ka ata?" tanong ni molly. Ang kaisa isa kong kapatid.
"Correction, di ako depressed galit ako. Galit ako sa mga demonyo." sagot ko
"Eh ano bang kaibahan nun ate?" tanong nanaman niya.
"Ang depressed Nagpapakamatay. Ang galit pumapatay. Pero kahit galit ako, di ako papatay dahil magiging demonyo lang ako katulad niya." sinubukan kong maging mahinahon sa pagsagot ng tanong niya.
"Nag LQ ata kayo ni kuya kayle?" pangatlong tanong niya.
"Di lang LQ. Naghiwalay na kami." lalo lang uminit ang ulo ko. Uminom ako ng tubig at di ko napigilang itapon ito sa sahig kaya nabasag.
"Last nalang to ate. Third party ba?" napaisip ako sa tanong niya. Third party nga ba?
"Siguro." yan nalang nasagot ko. Di rin kasi ako sigurado eh.
"Wag ka muna kayang pumasok ate. Satingin ko kailangan mong magpahinga." napangiti ako bigla.
Buti nalang may kapatid ako na may pakealam sa kalagayan ko. Ang galing talaga ni Lord. Kahit may malaking problema ako, may inihanda parin siyang instrumento para makinig sa problema ko.
Pero parang may kulang parin eh. Di dapat si molly ang napagsasabihan ko. Masyado pa siyang bata. 10 years old. Kaya satingin ko kailangan ko pa ng kaibigan.
Lord help me find a friend please.
------------
Sa huli napagdesisyunan kong pumasok sa eskwelahan. Ano naman kasing gagawin ko sa bahay? Eh may pasok si molly tas wala ang parents ko. Si daddy may trabaho. Si mommy nasa heaven na. Pati ang bestfriend kong si arianna kasama na si mama.
Lunch time namin ngayon. Pinilit kong maging okay sa harap ng maraming tao pero di ko kaya kaya pumunta nalang ako sa rooftop para mapag-isa.
"Cassie di ka ba kakain?" lumingon ako para makita kung sini ang nagsasalita. Si jherald pala.
"Wala kasi ako sa mood eh." huminahon ako.
"May problema ka no?" umupo siya sa tabi ko. "Alam mo mas maganda kung may pagsasabihan ka niyan para mabawasan ang bigat na nararamdaman mo." dagdag niya.
Ngumiti ako bigla. Pakiramdam ko may kaibigan ako. Wait. Siya siguro ang kaibigan na ibinigay ni Lord saakin.
Bigla nalang akong humagulgol sa iyak at niyakap ko si Jherald. Niyakap din niya ako.
"Shh tama na. Magiging OK din ang lahat." tumango ako
Pinunasan ni Jherald ang mga luha ko.
"Salamat rald ah" pagpapasalamat ko.
"Rald? Ang pangit naman pakinggan. Pero dahil ikaw ang tumawag sakin niyan okay na lang." sabay kaming tumawa. Ang bulok nga ng rald. Haha
"Alam mo dapat kumain ka. Ako nga bestfriend ko ang foods eh. Buti pa kasi sila laging nandyan. Buti pa ang foods di ka iiwan. Magiging healthy ka pa. Kaya kumain ka. Sabay tayo game?"
"Gusto lang palang kumain ang dami pang sinatsat." bulong ko
"Oy narinig ko yon!" tumawa nanaman kami.
Pumunta kami sa canteen para bumili ng pagkain.
"Pwede mo bang sabihin ang problema mo sakin?" tanong niya.
Napaisip ako.
Si Jherald kaklase ko since Grade 3 hanggang ngayon. Pero ngayon lang kami nag-usap ng ganito. Kaya parang masyado pang maaga para pagkatiwalaan ko siya sa secret relationship namin ni ano--
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is A Cheater
Dla nastolatków~~~~~~~~~ Ang storyang ito ay para sa mga taong iniwan, nang-iwan, naloko, manloloko, nasaktan, at para sa mga taong na in-love