Chapter 8.5: Confession Part 2

662 17 0
                                    

Cassie's POV

"Jherald? May problema ba?" nabigla ako kasi biglang hinawakan ng mahigpit ni rald ang balikat ko

"Jherald masakit."

"totoo ba?! Nagkabalikan kayo ni Kayle?!" bakit kailangan niyang sumigaw?

"Oo Jherald..." yumuko ako. Binitawan narin niya ang balikat ko.

"B-bakit?" nanginginig ang boses niya kaya tinignan ko siya.

Umiiyak si Jherald?

Pangalawang beses ko nang nakitang umiiyak si Jherald. Pero bakit?

"Bakit ka pumayag na maging kayo ulit?" tinignan niya ako mata sa mata habang may tumutulong luha sa mukha niya.

 "Jherald may problema ba?" hinawakan ko ang mukha niya at pinunasan ang mga luha niya

"Cassie..." hinawakan niya ang mga kamay ko.

"MAHAL KITA..." napahawak ako sa bibig ko dahil sa pagkabigla.

"rald..."

"Cassie di mo ba nahahalata? Magsimula elementary tayo ikaw na yung gusto ko. Nalungkot ako nung nalaman kong naging kayo ni Kayle. Nagalit ako sakanya nung nalaman kong sinaktan ka niya. Kaya nilapitan kita nung mag-isa ka. Ayokong nakikitang malungkot ka..." 

"rald di ko alam..."

"Kaya nga sinasabi ko na to sayo ngayon. Cassie pumayag akong maging kaibigan mo para mapalapit ako sayo. Masaya ako nung tayong dalawa lang ang magkasama. Kaso nung dumating si Kayle binaliwala mo na ako."

"Di yan totoo rald.."

"Naalala mo ba nung inimbitahan mo akong mag boracay? Ang saya ko nun. sobrang saya. Aaminin ko na dapat yung nararamdaman ko sayo nung sinabi kong magkita tayo?" inalala ko ang oras na yun

flashback...

"Cassie?" Si jherald

"O?" Ako

"Pwede ka bang makausap mamayang before lunch? May sasabihin ako sayo." Sasabihin? Ano kaya sasabihin niya?

"Sige. Sure. Saan?"

"Nakikita mo yung mga gumagawa ng sand art dun?"

"Oo."

"Dun ha. Tara swimming?"

"Ayoko inaantok pa ako eh. Sunod nalang ako iidlip lang ako sandali."

"Ocge"

end of flashback...

naalala ko na...

"Pinapapunta kita dun sa may sand art kasi may pinagawa ako dun. I LOVE YOU pa nga yung pinagawa ko nun eh. Kaso nung papunta na ako dun nakita kita. Nakita kita na kasama si KAYLE." 

"Rald sorry di ko alam..."

"Naaalala mo pa ba nung nag basketball kami?"

flashback...

Bumalik ako sa court. Last quarter na. Pagtingin ko sa scoreboard, (⊙o⊙) tambak kami!!! 1 min. 48 sec. nalang matatapos na ang game at matatalo kami. Di ako makapaniwala. Magaling ang team namin kaya imposible na matatalo sila.

Tumingin ako kay jherald. Pagod na pagod na siya. Ang daming pawis ang tumutulo sa buong katawan niya.

Ayan na magshoshoot na siya pero sablay. Anyare? Humingi ng time out ang coach namin.

My Boyfriend Is A CheaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon