Chapter 5:Basketball

980 19 1
                                    

After 3 months...

May 18, 2014

After 3 months naging masaya ako. Natapos ang S.Y 2013-2014 ko ng masaya although may nangyaring di maganda. Pinasaya niya kasi ako eh. Sino pa ba? Edi si Jherald lang naman.

Pakiramdam ko buo ang araw ko pag kasama ko siya. Nalungkot nga ako nung malapit ng matapos ang shool year. Kasi di ko na siya makikita.

Yun ang akala ko.

Buong bakasyon ata kami magkasama.

Arcade duon. Hiking dito. Food trip at marami pa. Ngayon lang ako di nabored sa bakasyon.

At ito pa. Excited na akong pumasok sa school DAHIL SAKANYA.

Top 5 nga ako sa classroom dahil sakanya eh.

Ayaw niya kasing pabayaan ko raw ang pag-aaral ko.

Sumali na rin ako sa mga school clubs tulad ng girl scout and cheerdance.

Habang siya naman boy scout, choir, theater club and varsity player siya ng basketball.

Mas marami yung sakanya syempre di mo naman ako mabibigla since di naman talaga ako sumasali sa mga chena chenang yan.

Nga pala, OVER ALL TOP 2 siya sa school. Di na ako magtataka since matalino talaga siya. Sabi pa ng teachers good influence daw siya kasi tinulungan niya akong umayos sa school.

Tama naman sila.

Pati nga papa ko boto sakanya eh. Compare daw kay kayle, angel daw si rald since alam na ni papa yung nangyari samin ni kayle.

Sinabi ko na rin kay Jherald yung secret relationship namin ni kayle kasi alam kong mapagkakatiwalaan ko siya.

May laban ang basketball team namin ngayon versus ibang school.

Red jaguar ang team namin habang Green raptors naman ang kalaban.

Syempre manonood ako. Stage bestfriend kaya ako ni MVP Jherald haha. Yes siya yung MVP nung intrams. Galing diba?

Magiistart na ang laban. Tapos na rin kami mag yell and cheer. Diba cheerdancer ako?

Di ko alam kung ano ang nararamdaman ko habang nanonood. Ayaw ko naman sabihing bored ako kasi nakakaguilty naman ata yun.

Sabihin nalang natin di ko hilig manood ng basketball.

Lamang ang team namin. Halos si rald ang nakakashoot. What do you expect? MVP nga diba?

2nd quarter palang nababagot na ako. Sigurado naman akong mananalo ang team namin kaya lumabas ako saglit.

Kumain, uminom, namasyal magisa. Yan ang ginawa ko.

Pagtingin ko sa oras

Sh*t! Oras na!

Bumalik ako sa court. Last quarter na. Pagtingin ko sa scoreboard, (⊙o⊙) tambak kami!!! 1 min. 48 sec. nalang matatapos na ang game at matatalo kami. Di ako makapaniwala. Magaling ang team namin kaya imposible na matatalo sila.

Tumingin ako kay jherald. Pagod na pagod na siya. Ang daming pawis ang tumutulo sa buong katawan niya.

Ayan na magshoshoot na siya pero sablay. Anyare? Humingi ng time out ang coach namin.

Nakita kong pinapagalitan si jherald. Siguro dahil sablay ang shoot niya. Posible kaya na kanina pa siya ganyan? Kaya tambak sila?

Pumunta ako sa pwesto ng mga cheerdancers. Nakita kong nawawalan na sila ng pag-asa.

My Boyfriend Is A CheaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon