Chapter 10: The Monster and The Hero

389 6 0
                                    

Donna's POV

"Jherald natatakot ako" magsimula nang pinaalis kami ni Kayle di na ako mapakali. Feeling ko may nakatingin sakin

"Baka napaparanoid ka lang. Gusto mo ihatid nalang kita sainyo?" Baka nga tama siya

"Di okay lang kaya ko naman mag-isa eh"

"Sigurado ka? Pag kailangan mo ng tulong ko tawagin mo lang ako. Ihatid na kita kahit jan lang  sa kanto hanggang makasakay ka ng taxi." Ang bait bait saakin ni Jherald. Ang swerte ni Cassie sakanya. Kung siya siguro ang una kong nakilala, baka di ako mababaliw kay kayle ng ganito. Ang kaso baka mag-away lang kami ni Cassie.

"Sige salamat. Pero mag jejeep nalang ako. May dadaanan pa ako." Nagsinungaling ako. Wala akong dadaanan. Gusto ko lang na makita ako ni Kayle at parusahan kung gusto niya. Ganyan nga siguro pag tinamaan ka na. Kailangan kong tanggapin lahat ng sakit hangga't makakaya ko. Ginusto ko to eh. Ginusto ko.

"O nandito na tayo. Ingat ka ah" kinawayan niya ako

Sasakay na sana ako sa jeep ng biglang may kotseng pumarada sa harap ko.  Binuksan nung lalaking nakashades ang bintana. Si Marcus pala. Classmate namin siya ni cassie pero di kami close.

"Cassie come in. I'll give you a ride" nagwink siya sakin.

"No thanks. Kaya ko naman umuwing mag-isa." Ayoko lang talaga. Di ako komportable pag katabi ko siya. Nakakatakot siya.

"Too bad. I don't take no for an answer. I won't let a girl like you to travel alone." Wala rin naman akong choice kundi sumakay.

"You know what? You remind me of Chezka." Chezka. Yun yung girl na pinagaagawan nila ni Lucas tsk

"Ah marcus diyan nalang ako sa tabi. Thanks for the ride pala." Naiiritaakong kasama siya. Ang ayoko sa lahat, yung kinocompare ako at itinutulad sa iba.

"Okay. Pero may kapalit" what?

"Kapalit? Anong kapalit?"  Sus di ko naman siya pinilit na ihatid ako tas may kapalit?w

"Sabay tayong maglalunch tomorrow sa school" i guess I don't have any choice tss

-----
Papunta ako ngayon sa favorite place ni kayle. Saan? Sa impyerno. Cguro...

Ewan ko kung anong klaseng lugar to eh. Dito kami laging nagkikita ni kayle. Masyadong madilim dito tsaka halos adik ang mga tao. Yung iba parte ng sindikato habang yung iba naman tambay na mahilig sa gulo. Kaya medyo sanay na ako na may naaabutang nagsusuntukan sa dinadaanan ko.

"Hoy babae anong ginagawa mo dito?" May lalaking lumapit sakin. "Donna?!!" donna? Teka bat kilala ako nito?

"Lucas? Anong ginagawa mo dito?"

"Parang binalik mo lang yung tanong ko tss. Delikado dito. Di ka dapat nandito." Sagot niya

"May kakilala ako dito kaya ayos lang naman siguro kung mauuna na ako." Nagpaalam na ako sakanya

Parang ang weird na nakita ko yung dalawang lalaking magkaribal ngayong araw na to ah.

-----
"Donna! Sabi ko na nga ba pupunta ka dito." Nginitian niya ako ng nakakatakot

"Jacob sorry..."

*pak*

"Nasira ang plano ko dahil diyan sa kadaldalan mo! Bilang kabayaran..." kumuha siya ng gunting sa lamesa. Natatakot ako sobra. Lord kayo na po ang bahala sakin. "Puputulin ko ang dila mo" nanginginig na ako sa takot habang papalapit siya sa pwesto ko napapikit ako sa takot.

My Boyfriend Is A CheaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon