PROLOGUE

16 0 0
                                    

10 years since I've been separated from my parents for my new life. Well, hindi ko naman akalain na magiging ganito na ang buhay ko.

Hindi ko alam na nagsisimula nang mabago ang buhay ko mula nang ipagkasundo ako ng parents ko sa taong akala ko ay hangad rin ang kaligayahan tulad ko.

Akala ko kase, magiging masaya na ako sa buhay may asawa. Akala ko mamahalin rin niya ako tulad ng pagmamahal na ipinakita ko sa kanya. Akala ko magkakaroon kami ng payapa at panghabang buhay na pamilya. Pero mali. Mali pala ang buhay na pinasok ko dahil puro pasakit lang ang nararamdaman ko.

Sa sobrang pagmamahal na ibinigay ko sa kaniya, ako na pala ang kusang nasasaktan. Akala ko magiging tunay na ako, pero pinagmukha lang akong walang kwenta.

Kung alam ko lang na ganito pala ang mangyayari, sana hindi na lang ako pumayag na magpakasal sa taong hindi ko kilala at hindi rin ako mamahalin pabalik.

Naalala ko yung quotes na nabasa ko mula sa isang sikat na libro, "In life we have an unspeakable secret, an irreversible regret, an unreachable dream and an unforgettable love."

I have this life na kung saan ay may tinatago akong sekreto na hindi ko pwedeng ipaalam. May mga bagay na pinagsisihan kong gawin sa buong buhay ko na hindi na pwedeng baguhin pa. And I also have this life na kung saan ay pati ang sarili kong pangarap ay kailangan kong bitawan para sa ibang tao. And most of all, I have this life kung saan ay meron akong hindi malilimutang pag-ibig na nangyari sa buong buhay ko na alam kong hindi para sakin.

Gusto ko nang bumitaw. Gusto ko nang bumalik sa dating buhay na hindi ako masasaktan. Yung walang mananakit sa akin. Gusto ko nang bumalik sa dating ako. Gusto ko nang bumalik sa dating buhay na alam kong magpapasaya sakin at malaya akong gawin ang mga pangarap ko sa buhay na dadalhin hanggang sa pagtanda ko.

Pero paano kung hindi talaga itinadhana sakin ang magkaroon ng masayang buhay? Paano kung hindi talaga para sakin ang mga pangarap na gusto kung makamit?

Siguro hindi talaga ako itinadhana na mabuhay sa mundong ito para maranasan na maging masaya at magkaroon ng payapang buhay. Siguro pinahiram lang ang buhay ko na ito para makita at maranasan ko kung gaano talaga kasaklap ang mga nararanasan ng mga tao dito sa mundo. Siguro binuhay lang ako ngayon para maranasan lahat ng sakit at pighati para pagkatapos ay kukunin na ang kaluluwa para ibalik kung saan talaga ako nagmula.

Pero kung ganun man ang pwedeng mangyari ay mas gugustuhin ko na lang iyon na mangyari sakin, mas gugustuhin ko na lang na mawala sa mundong ito at kunin ang kaluluwa sa katawan ko para sa ganoong paraan ay mawala na ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Dahil sobrang sakit na ang pinaparanas at pinaparamdam ng tadhana sakin. Hindi ko na kaya, hindi ko na kayang mabuhay pa sa mundong ito.

~}{~~}{~~}{~~}{~~}{~~}{~~}{~~}{~~}{~

~~Disclaimer~~

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

© All Rights Reserved 2023

~}{~~}{~~}{~~}{~~}{~~}{~~}{~~}{~~}{~

Unforgettable LoveWhere stories live. Discover now