CHAPTER 6

4 0 0
                                    

NAPANGITI si Zharra nang makita ang kapatid niyang si Jhibz. Hindi niya akalain na pumupunta rin pala ito sa kumbento.

"Mahilig ka rin pala sa mga bata. Palagi ka bang pumupunta dito?" Tanong nito sa kaniya.

"Hm, kapag may vacant time pumupunta ako dito."

"Pasensya na, naisturbo namin yata kayo. Papapasukin muna namin ang mga bata sa loob upang makapag-usap kayong dalawa ng masinsinan." Ani ni Sister Mel samin.

"Sandali, dalhin niyo na rin po ang mga groceries na pinamili ko na nasa kotse." Pumunta naman si Zharra sa kotse niya para kunin ang mga groceries na pinamili niya.

"Tulungan na kita." Sabi naman ni Jhibz saka siya nito tinulungan. Ibinigay nila sa mga Madre ang groceries at nagpaiwan sa labas.

"Nandito ka rin ba para dalawin ang mga bata?" Tanong niya kay Jhibz.

"Yes. Ang totoo niyan ay malapit rin ako sa mga bata. Kaya bago ako bumalik ulit sa Spain ay pumunta muna ako dito para bisitahin ang mga bata. Ilang taon na rin kasi ang lumipas noong huli akong bumisita dito bago ako pumunta sa Spain dati."

"Babalik ka ulit ng Spain?" Napatanong siya kaagad dito nang may bahid ng gulat sa mukha.

"Kailangan kasi eh. Kailangan ako dun sa negosyo na pinatayo ko. Sa susunod na buwan pa sana ako babalik dun kung hindi lang tumawag ang co-worker ko na may importanteng meet daw kami sa bagong kleyente namin. Alam mo naman, napakaimportante ng negosyo naming iyon."

"I understand you, Kuya."

"Basta, mag-iingat ka lang palagi dito ah. Huwag mong pababayaan ang sarili mo. Huwag kang mag-alala, pag natapos na ang mga dapat kong ayusin sa negosyo ko sa Spain ay uuwi na ulit ako dito."

"Sus, wag mo na akong alalahanin Kuya Jhibz. Ang alalahanin mo ay kung paano mapapalago ang negosyo mo. Hindi mo naman na ako kailangan na intindihin pa lalo pa't may sarili na akong pamilya. Kaya ko naman ang sarili ko. Basta, mag-iingat ka lang din dun sa Spain." Sabi niya naman dito.

"Basta, kahit na may sarili ka nang pamilya ay iintindihin pa rin kita. Bakit, ang lalaking iyon lang ba ang pamilya mo? Kasal lang naman kayo eh, at kuya mo naman ako. Kapatid kita. Kaya may sariling pamilya ka man, may karapatan pa rin akong intindihin ka bilang kapatid ko. Do you understand?" Ginulo na naman nito ang buhok niya.

"Kuya naman eh."

"Saka, ilang taon ka na. Ilang taon na rin kayong kasal. Ni hindi niyo pa rin sinubukang magsiping kahit isa o dalawang gabi man lang para mabiyayaan na kayo ng sariling anak?" Hinampas naman niya ito sa balikat pero hindi malakas.

"Kuya naman, nasa kumbento tayo eh. Tapos sinasabi mo ang mga bagay na iyan. Baka marinig tayo nila sister." Mahina pero may diin niyang sabi dito.

"Ano ka ba, tayong dalawa lang naman dito. Saka, nagsasabi lang naman ako ng totoo. Ano, tatanda ka lang bang walang anak?" Ilang saglit siyang hindi nakasagot.

"Okay lang. Pumupunta naman ako dito sa kumbento eh. Kapag nakikita ko ang mga bata dito, masaya na ako. Parang mga anak na rin ang turing ko sa kanila."

"Anak? Eh, paano kung ampunin ang isa o ilan sa kanila? Saka, madalas ka lang naman pumupunta dito para sa kanila eh. Hindi pa rin yun sapat para sa inang tulad mo. Alam mo, ang pagkakaroon ng sariling anak ay ang pinakamasayang nangyari sa isang ina. Kasi, mula sa pagsilang mo ng sanggol na iyan ay yakap mo siya, ramdam mong iyong-iyo siya at hindi galing sa ibang ina. Hanggang sa paglaki niya, kasama mo siya. Kahit sa pagtanda mo, nandyan siya para sa iyo at hindi ka iiwan. Dahil Ina ka, at anak mo siya, kadugo mo siya at sa iyo siya nanggagaling. Ganun dapat ang maging ina na magkaroon ng isang tunay na anak, Zharra." Mahaba nitong payo sa kaniya.

"Aba, wag mo lang talagang tangkain na mag-ampon ng ibang bata. Mahirap iyan, baka pagsisihan mo pa sa huli."

"Kuya naman, ang OA mo." Nakabusangot niya namang tugon dito dahil sa wala siyang masabi.

"Nga pala, kumusta kayo ni Cherlyx? Diba magkaibigan kayo nun? Nasan na siya? Ang alam ko, palagi kayong magkadikit nun. Ni hindi nga kayo nagkakahiwalay eh. Himala naman na hindi kayo magkasama ngayon?" Bigla nitong tanong.

"Maloko ka pa rin talaga, noh? Hindi naman pwedeng magkasama kami palagi noh. May mga sarili na kaming pamumuhay. Kaya, siguro... Hindi muna kami magkasama ngayon."
Pagsisinungaling niya dito.

"Sure ka, yun lang ba? Magkaayos pa rin kayong dalawa? Hindi magkaaway?"

"Oo nga. Yun lang." Napabuntong hininga naman ito.

"Sige. Pero kung may problema ka, wag kang mahiyang sabihan ako. Kapatid mo pa rin ako, dapat may karapatan pa rin akong malaman ang mga nangyayari sayo dito."

"Sus, mga 'karapatan' mo talagang iyan, hindi nawawala eh noh?"

"Seryoso ako Zharra. Sabihin mo sa akin ang mga problema mo." Nakikita naman niya sa mga mata nito na seryoso talaga ito.

"Oo na."

"Sa next week na ang flight ko. Ayusin mo ang pamumuhay mo dito ah?" Tumango na lang siya dito.

Ilang oras din silang nanatili sa kumbento habang nakikipagsaya sa mga bata. Lumipas ang ilang oras ay unang nagpaalam si Jhibz na aalis na daw ito. Habang si Zharra ay nanatili muna, nagkwento pa siya sa mga bata. Ilang sandali lang din ay nagpasya na siyang magpaalam sa mga bata at sisters sa kumbento para umuwi. Linggo naman kaya sarado ang Cafe niya. Kaya malaya siyang nakadalaw sa kumbento.

Nang makauwi na siya sa bahay nila ay nagulat siya nang may tatlong kasambahay na ang nag-aasikaso sa kusina. Hindi lang tatlo, kundi walong kasambahay. Ang dalawang kasambahay ay nasa salas, ang tatlo pang iba ay may ibang inaasikaso sa labas. Natigil lang ang mga ginagawa nila at nagsitayuan ng tuwid habang nakalinya.

"Magandang hapon po, Ma'am." Sabay nilang bati sa kaniya nang makalapit na siya sa mga ito. Ngumiti siya sa mga ito kahit na hindi nila nakikita ang ngiti niya dahil nakayuko sila.

"Magandang hapon din. Masaya akong makita kayo dito. Pasensya na kayo kung hindi ko kayo naabutan kanina. May pinuntahan pa kasi ako eh." Malaki ang ngiti na bati niya sa mga ito.

"Mamaya ko na kayo kikilalanin pagbaba ko, okay?" Tumango naman ang mga ito sa kaniya habang nakayuko.

Umalis na siya sa harap ng mga kasambahay at naglakad paakyat sa hagdanan.

***

#UnforgettableLove

Unforgettable LoveWhere stories live. Discover now