CHAPTER 3

5 0 0
                                    

Nakangiting inilagay ni Zharra ang juice sa tapat ng panganay na kapatid. Umupo siya sa katapat na upuan habang masayang nakangiti dito.

"Akala ko hindi ka na ulit uuwi. Ilang taon din yung lumipas nang huli tayong nag-usap. Kamusta naman yung pag stay mo dun sa Spain?" Iniligay nito sa mesa ang ininom na juice at umaktong nag-isip habang nakalagay ang daliri nito sa kaniyang baba.

"Hmm. Ayos lang naman. Maayos yung trabaho, sa totoo nga ay may sarili na rin akong negosyo dun." Taimtim niyang ininom ang juice at ibinaba rin agad nang may maalala siya. "By the way, how's your new family? Siguradong may anak na kayo ng asawa mo ngayon." Nawala ang ngiti niya nang banggitin nito ang buhay may-asawa niya. Napaiwas siya ng tingin dito at sinimulan na naman niyang laruin ang daliri na siyang kinabahala naman ng kausap.

"Why? May nasabi ba akong mali?" Sinubukan nitong tingnan ang reaksyon niya hanggang sa napagtantong may hindi magandang nangyayari sa bagong pamilya ni Zharra. "Don't tell me, nag-aaway kayo parati ng asawa mo? Palagi ka ba niyang sinasaktan?" Pagdating kay Zharra, madali siyang mag-alala. Kabisado na niya ang kinikilos nito kapag may problema ito lalo na yung paglalaro nito sa daliri.

"Hindi naman. May mga hindi lang pagkakaintindihan." Pilit siyang ngumiti para hindi siya mailang sa mga usapan nila. "Eh, ikaw? May bago ka na rin bang pamilya?" Ito naman ang napatigil sa tanung niya at tiningnan si Zharra.

"Hindi na. Nahuli na kase ako. May gusto rin sana ako sa isang babae, kaso huli na nang malaman kong ikinasal na pala siya. Kaya ayon, wala na. Nawala na rin sa isip ko na mag-asawa kasi wala na akong makikitang babae na katulad niya." Tugon niya habang nakatingin sa mga mata nito.

"Sabagay. Bakit ka pa magpapakasal kung ang taong yun ay hindi ka rin naman bibigyan ng pagmamahal? Ang stupid mo naman kung ganun ang gagawin mo." Sambit naman ni Zharra na nakaramdam ng lungkot nang biglang maalala ang sarili.

"Oh, siya. Aalis na muna ako, dumalaw lang kasi ako para kamustahin ka." Tumayo ito kaya tumayo rin siya. " Huwag mong pababayaan ang sarili mo. Hope to see you again next time." Lumapit ito sa kaniya at tinap ang ulo niya na nakangiti. Para lang bang bumalik sila sa pagkabata na tinatap nito ang kaniyang ulo kapag nagbibigay ng pangangatwiran sa kaniya.

"Salamat, Kuya Jhibz." Ngiti niya sa kapatid. Hindi siya nagkamali na naging kapatid niya ito dahil sa sobra nitong kabaitan at palagi siyang inaalala tun nga lang hindi sila magkadugo.

"Magsumbong ka lang sakin kung aawayin ka ng asawa mo. Ako ang bahala sa kaniya. Hindi ko hahayaang saktan lang niya ang pinakamamahal kong Kapatid." Ngumiti lang siya ng kaunti dito nang maalala ang buhay-asawa niya na hanggang ngayon ay wala pa ring improvement.

Huli na niyang napansin na nakatalikod na pala ito pero humarap ulit para iwagayway ang kamay bilang pamamaalam. Ngumiti ulit siya habang kumakaway rito na nakalabas na pala sa Cafe niya.

Napabuntong hininga na lang siya at lumapit sa counter. Ilang oras lang ang lumipas ay may mga nagsipasukan nang mga customer na agad naman niyang inasikaso. Nang matapos nang kumain ang mga customer niya ay umalis naman agad ang mga iyon sa Cafe niya. Sinumulan na niyang tingnan ang relo sa dingding malapit sa silid kung saan ay nagpapahinga siya.

"One... Two.... Three.... Four.... Five.... Six... Seven.... Eight... Nine... Ten..." Sakto ring bumukas ang pintuan ng Cafe niya at uniluwal doon ang palasermon na  kaibigan. Alam niyang darating ang kaibigan sa ganu'ng oras kase papasok lang ito kapag wala na siyang customer.

Umupo ito sa isa sa mga upuan at kitang-kita ang nakakunot ang noo, paniguradong wala na naman sa mood o di kaya ay may nanggugulo sa rito.

"Ouh, ano na namang nangyare sayo? Bakit salubong na salubong ang mga kilay mo na para bang gusto nang umatake ng kalaban?" Umupo siya sa katapat na upuan at ipinatong ang dalawang siko sa mesa. Mahilig silang dalawa na magkwento sa isa't isa tungkol sa mga personal na bagay kaya mapagkakamalan talaga na parang wala silang tinatago na lihim sa isa't isa.

"Eh, yan kasing magaling mong asawa... Sinabihan ba naman ako na huwag na raw kitang kausapin o lapitan! Gusto niya na layuan na kita kase nakakairita daw kapag nakikita niya akong kinakausap ka." Salubong na salubong ang mga kilay nito habang nagkukwento kay Zharra. Tiningnan lang siya ni Zharra at umalis sa kinauupuan.

"Hayaan mo na. Mas mabuti pa nga siguro na lumayo ka na lang sakin kesa yung madamay ka pa kapag umabot sa punto na hindi na kami magkaintindihan pa lalo. Saka, malay mo iniisip niya lang ang kaligtasan mo at ayaw niyang masali ka sa gulo na meron kami." Napalitan ng pag-aalala ang kaninang salubong na kilay ni Cherlyx habang tinitingnan ang likod ng kaibigan na papalapit sa counter. Tumingin si Zharra sa kaniya at ngumiti ng kaunti.

"Paano mo nakayang sabihin ang mga bagay na yan sa akin? Bakit parang tinutulak mo na rin ako papalayo sayo? Bakit? Ayaw mo na bang tulungan kita? Di ba sabi ko naman sayo, tutulunga-" Hindi na niya natapos ang pagsasalita nang magsalita si Zharra.

"Hindi mo naman kailangan na gawin yun para lang sa akin. Kami ang magde-desisyon ni Cian kung ano ang gusto naming gawin sa buhay namin dahil mag-asawa kami. Hindi mo na kailangan pang tulungan ako. Labas ka na sa mga problema naming mag-asawa. Kaya..." Tumingin si Zharra ng deritso sa mga mata ni Cherlyx.

"Hayaan mo na lang na ako ang magdesisyon sa buhay na... ngayon ko palang naranasan. Ayaw ko na pati ikaw ay madamay sa gulo namin ni Cian. Bilang kapatid mo, unawain mo na lang din si Cian dahil para rin sa ikabubuti mo iyon. Kung ano man ang sabihin niya, sundin mo na lang."  Galit itong lumapit sa kaniya at nanlikisik ang matang tiningnan siya.

"If you want me to forget, then I just will never consider you a friend. Bahala ka na sa buhay mo. But I will assure that you will regret this." Babala nito sa kaniya at padabog na umalis sa Cafe niya. Doon ay muli na namang nagkarerahan sa pag-ahos ang mga luhang kanina niya pa pinipigilang tumulo.

***

#UnforgettableLove

Unforgettable LoveWhere stories live. Discover now