CHAPTER 4

6 0 0
                                    

Gabi na nang makauwi si Zharra. Sinadya niya talaga na umuwi ng matagal, ilang oras rin siyang nagstay sa Cafe niya para mapawi ang namamaga niyang mata kakaiyak.

Lubos talaga siyang nasaktan dahil sa gusto siyang ipagkalayo ni Cian sa kapatid nitong si Cherlyx. Lalo na yung sinabi ni Cherlyx kanina bago ito tuluyang tumalikod sa kaniya. Hindi naman niya masisisi si Cian, kung gusto man nitong protektahan ang kapatid ay gagawin niya talaga kung ano man ang gusto niyang gawin para lang sa ikabubuti ni Cherlyx. Hindi siya pwedeng magreklamo, may rason lang talaga kung bakit nangyayari ang mga ganitong sitwasyon sa kaniya.

Nang makapasok at makarating na siya sa sala ay napatingin siya sa kusina. Naroon si Cian pero ang tangi niya lang ginawa ay tinitigan ang likod nito habang may ginagawa sa kusina. Pero iba ang pagtitig niya dito, tila nawala na ang lahat ng pag-asa niya na magkakaayos pa silang dalawa. Ngunit napalitan lang ito ng pagkadismaya at pagkawalan ng gana na makipag-ayos rito.

Walang ganang umalis siya sa kinatatayuan at umakyat papuntang kwarto niya. Pagkapasok pa lang sa silid ay agad na namang namalisbis ang mga luha sa kaniyang pisngi. Napasandal siya sa nakasaradong pintuan ng kwarto niya at napaupo habang nakapikit.

"Oh, God!" Pilit niyang pinipigilan na humagulgol. "Please, help me! Pagod na ako!"

Ipinatong niya ang mga siko sa tuhod at doon isiniksik ang ulo habang humihikbi.

Paggising niya kinabukasan ay namalayan niyang nakatulog pala siya sa sahig sa tabi ng pintuan. Tumingin siya sa cellphone niya. Naisip niyang tawagin ang kaibigan, nagbabakasakaling magkaayos pa silang dalawa. Hindi niya gustong mawalan ng kaibigan.

Ilang ulit na niyang dinial ang phone number nito pero walang sumasagot, naka-off ang cellphone nito dahil nakatutot lang.

Ilang sandali siyang nagstay sa kwarto niya. Pilit niyang pinapakalma ang sarili na huwag muling mapaiyak. Mga ilang oras din ay napakalma naman niya ang sarili kaya napag-isipan niyang lumabas ng silid. Pero siyempre, inayos niya pa rin ang sarili. Ayaw niyang magusot ang sarili kahit nasa loob lang ng bahay.

"Nakalabas ka na pala. May gusto lang akong sabihin sayo bago ako umalis. Kumuha ako ng mga katulong para may mga maglilinis ng bahay. Hindi naman pwedeng iasa ko lang sayo ang lahat ng gawain dito sa bahay. Baka sabihin pa ng mga magulang ko na ginagawa na kitang katulong dito. Ayoko na maging masama ang tingin nila sa akin." Hindi siya umimik sa sinabi nito sa kaniya, nanatili lang siyang tahimik sa kinatatayuan pero alam naman niyang walang pakialam ang asawa kung anuman ang sasabihin niya rito.

"Ikaw na lang ang bahala sa kanila." Tuluyan na itong umalis na wala man lang matamis na halik kahit sa pisngi lang o wala man lang maayos na pagpapaalam na matagal niyang inaasahang hindi mangyayari sa kaniya. Tila ba hindi ito nakakaramdam ng awa sa kaniya, balewala lang siya kung ituring nito. Ni hindi nga nagbigay ng magandang rason kung bakit niya pilit na pinagkakalayo ang landas ng pagkakaibigan ni Zharra at Cherlyx. Wala ba talaga itong pakialam sa kaniya. Hindi man lang ba siya nito pagtutuunan ng pansin kahit isang beses man lang.

Bumalik ang ulirat ni Zharra at namalayang kanina pa pala siya nakatayo. Narinig niya ang pagtunog ng bell sa labas ng bahay na nangangahulugan na may tao sa labase ng kanilang bahay. Umalis siya sa kinatatayuan at lumabas upang tingnan kung sino ang dumating. Nang buksan niya ang gate ng kanilang bahay ay ngumiti siya upang bumati sa bagong dating. Magalang niya itong pinapasok sa kanilang bahay. May katandaan na ang bisita niya na magiging katulong nila. Pwede na rin itong manilbihan bilang kagalang-galang na kasambahay. Kung hindi siya nagkakakamali ay magkasing-edaran lang ito at si Nanny Amelia.

Naalala niya na naman bigla si Nanny Amelia. Ito lang naman kasi ang nagpapagaan sa kaniyang saloobin kapag nalulungkot siya dahil sa mga magulang niya. Ito lang ang nakakaintindi sa kaniya kapag hindi siya pinapaniwalaan minsan ng mga magulang. Ang daming dahilan kung bakit hindi nagkakalapit ang kaniyang loob sa mga magulang niya maliban na lang sa kaniyang tatlong kapatid na parati niyang kasundo sa anumang mga bagay. Lalo na yung panganay niyang kapatid na si Jhibz. Kung hindi lang sana siya pinagkasundo na ipakasal, masaya pa rin sana siya ngayon. Matutupad pa niya sana ang pangarap na gusto niyang makamit balang-araw bago makabuo ng sariling pamilya.

Naalala niya tuloy bigla ang nakaraan noong una nilang pagkikita ni Cian nang ipagkasundo sila ng mga magulang nila sa isa't isa. Labing-pitong taon pa lamang si Zharra noon at labing-walong taon naman si Cian. Mga bata pa lamang sila noong panahon na iyon.

SA BALKONAHE unang nakita ni Zharra si Cian na nag-iisa. Alam niya na hindi siya pwedeng maging masaya dahil magkakaroon siya ng kaibigan dahil hindi naman iyon ang ipinunta nito sa kanilang bahay. At hinding-hindi siya nito magiging kaibigan kailanman. Pero nung oras na iyon ay sinubukan niyang lapitan ito upang makipag-usap.

Tumayo siya sa may veranda habang pinagmamasdan ang mga tanawin sa labas. Alam niya na hindi nasisiyahan si Cian sa desisyon na gusto ng kanilang mga magulang at lalong hindi ito nasisiyahan sa paglapit niya rito. Gusto niyang mapag-isa pero heto't hindi siya binibigyan ng privacy ni Zharra. Pero, hindi siya umimik. Nanatili lang siyang nakatayo habang pinagmamasdan rin ang tanawin sa labas.

"Ang ganda ng tanawin. Dito rin ako nananatili kapag gusto kong mapag-isa. Palagi kong tinitingnan ang mga tanawin na makikita rito mula sa malayo. Kaya napapangiti na lang ako sa sarili dahil ang mga nakikita kong tanawin ay nagiging dahilan upang mawala ng pansamatala ang mga hindi magagandang saloobin ko." Pilit niyang kinukwento ang mga magagandang alaala na ginagawa niya para kahit papaano ay gumaan ang saloobin ng katabi niya ngunit taliwas iyon sa gusto niyang mangyari.

"Hindi ko hinihingi ang tulong mo para mapagaan ang saloobin na meron ako." Napawi ang ngiti niya, lumingon siya kay Cian at humarap rito. "Pasensya na, hindi mo ata nagustuhan ang kwento ko tungkol sa personal kong buhay." Tumingin ito sa kaniya ng deritso na walang kahit anumang ekspresyon ang mga mata. Hindi niya mabasa kung ano man ang nasa isip nito ngunit alam niya na hindi ito natutuwa.

"Hindi kita gusto." Nanatili siyang nakatitig sa mga mata nito na may pagkagulat dahil sa una nitong binigkas sa mismong harapan niya bago ito makalayo sa balkonahe. Tila nawala ng pansamatala ang kaniyang ulirat, ni hindi niya maigalaw ang sarili sa kinatatayuan at naroon pa rin ang gulat mula sa narinig niya sa sinabi ng binata.

***

#UnforgettableLove

Unforgettable LoveWhere stories live. Discover now