CHAPTER 1

13 0 0
                                    

"Ito na ang order mo." Inilagay ni Zharra ang juice at isang slice ng cake sa mesa ng kaniyang kaibigan na si Cherlyx.

"Zhar, hanggang kailan ka ba susuko? Hanggang kailan ka magpapakatanga sa buhay na pinasok mo, huh?" Zharra rolled her eyes.

"Yan lang ba ang ipinunta mo dito sa Café ko? Ang pagsabihan ako ng ganyan? Alam mo, naiinis na talaga ako sa araw-araw mong pagpunta tapos mga ganyan lang ang sasabihin mo sakin. Hindi ka ba napapagod sa pagsesermon mo sakin?" Umiiling lang ito.

"Hindi ako mapapagod na sermonan ka hanggang sa ma-realize mo na hindi ka nararapat na magkaroon ng ganiyang buhay. Kaya kita sinisermonan dahil ayaw ko lang na masaktan ka."

She just rolled her eyes saka umupo sa silya na katapat lang kay Cherlyx.

"Alam kong nag-aalala ka sakin, pero hindi mo naman kailangan na pumunta dito para lang dyan. Hindi mo na kailangan pang sabihan ako. Lahat ng mga sinasabi mo sakin ay napapasok rin sa isipan ko."

"Yun naman pala eh. Bakit hindi mo pa pag-isipan ng maigi para malaman mo kung anong klaseng tao talaga yang kinakasama mo, huh?" Napahugot na lang siya ng malalim na hininga dahil sa kadaldalan ng nasa harapan niya.

"Hindi ka talaga supportive sa kapatid mo noh?"

"Of course.. At hindi siya karapat-dapat para sa iyo. Mula pa noon, alam na alam ko na mga pinaggagagawa niya. At maniwala ka sakin, hinding-hindi siya magbabago."

"Naku, pasalamat ka ngayon kase walang masyadong pumupunta dito sa Café ko kaya nakakausap mo ako. Dahil kung hindi, siguradong mapapaalis talaga kita."

"Duhh! As if naman na mapapaalis mo ako dito. Pasalamat ka nga dahil may kasama ka ngayon para may kausap ka, hindi yung mag-isa ka lang." Nag-smirk lang siya sa kaharap.

Well, Oo nga't kapatid nga ito ng kaniyang asawa ngayon pero hindi rin niya lubos na maisip kung bakit ayaw nito sa asawa niya. Dahil lang ba ito sa kaniya na ayaw nitong masaktan sa piling ng kapatid, o dahil marami rin itong alam tungkol sa kapatid na mas lalo nitong kinaiinisan.

"By the way, bakit inis na inis ka sa kapatid mo, huh? Mind to share it?" Bigla niyang tanong. Hindi naman mahirap sagutin ang tanong niya pero dahil dun ay napatitig sa kaniya ang kaibigan. Saka lang nito narealize na kailangan na pala niyang sagutin ang tanong mula sa naghihintay na si Zharra. Tumikhim muna siya bago lingunin ulit si Zharra.

"Gusto mo ba talagang malaman? Kapag sasabihin ko ba ang dahilan eh magbabago na ang desisyon mo? Makikipaghiwalay ka na sa kaniya?" Napapikit na lang siya at tumango. Pero hindi ibig sabihin nun ay pumapayag na talaga siya dito na makipaghiwalay sa asawa niya.

"Huh!! Really?! Sabi mo yan huh?!"

"Sagutin mo na lang kase ang tanong ko bago pa ako maging busy ulit sa mga customer ko."

Sumandal ito sa silya na inuupuan at nag-cross arm habang nakatingin kay Zharra na mukhang naghihintay talaga ng isasagot niya.

"Lasenggo siya." Napataas na lang ang isa niyang kilay sa sagot nito.

"Alam ko. Ilang beses ko na siyang nakikitang umiinom. Walang malisya dun."

"Palaging naninigarilyo."

"Normal lang sa lalaki ang manigarilyo." Napa-scroll na lang ng eyeballs si Cheryl dahil parang hindi siya natitinag sa mga sinasabi nito.

"Hindi siya babaero pero mahilig siyang makipaglaro sa mga babae."

She just shrugged."Wala akong pakialam." Nagkibit-balikat na lang siya na animoy walang pakialam.

"Sa pagkakaalam ko, may nililigawan siyang babae before you get married."

"Ahhh.. Hindi ko yun alam. But, I don't care."

"Hindi ka niya...mahal?" Napatigil siya sa patanong nitong sagot at napatitig sa kaharap.

Alam niya naman kase na mula pa noong ikasal siya ay walang nakikita sa kaniya na pagsinta ang lalaking pinagpalang ikasal sa kaniya dahil hindi naman sila magkakilala mula pa  noon.

"Ouh, natulala ka diyan? Feel mo na ba ang masaktan, huh?"

Napaiwas siya ng tingin dito at tumayo saka naglakad papunta sa encounter.

"Cherlyx, hindi naman sa lahat ng ikinasal ay pwedeng magmahalan. Alam mo naman na fixed marriage lang ito at hindi rin kami magkakilala ng lubos ng kapatid mo." Napabuntong hininga siya at tumingin sa kaibigan na nakatingin pa rin sa kaniya.

"Well, wala rin naman akong nararamdaman na minahal ko siya. Siguro, tatanggapin ko na lang na ituring siyang kaibigan kahit na magkasama kami sa iisang bubong. Hindi ko rin naman mababago ang isip niya kase kahit na pilitin ko siyang mahalin ay hindi rin naman niya ako mamahalin pabalik. Useless lang ang pagmamahal na ipapakita ko sa kaniya."

"Kaya nga makipaghiwalay ka na lang sa kaniya kung ganiyan rin naman ang pakikitungo na ipapakita niyo sa isa't isa! Hala, sumama ka sakin at ipapaayos natin ang annulment ng divorce paper niyo. Maraming paraan, Zharra. Para naman maging maligaya ka sa malayang buhay at makita mo ang totoong lalaki na magmamahal sayo ng tapat." Sabi nito na tumayo na saka lumapit sa kaniya at hinawakan ang kamay niya.

"Hindi pwede, Cherlyx. Mga magulang ko ang nagdesisyon nito at ayaw kong edisappoint sila pati na rin ang nga magulang mo. Ayaw kong maging malungkot ang mga magulang ko, kaligayahan lang nila ang gusto ko para maging matatag ako."

Unti-unti nitong binitawan ang kamay niya at humarap sa kaniya.

"Paano ka naman? Paano naman ang kaligayahan mo? Iisipin mo na lang ba ang kaligayahan nila? Bakit hindi mo isipin ang sarili mong kaligayahan? Zharra, alam kong mahal mo sila, pero hindi rin naman pwedeng pati kaligayahan mo ay isasalba mo para sa kanila. It's so unfair!"

Siya naman ang humawak sa kamay nito.

"Ano ka ba. Okay lang ako, masyado ka namang OA dyan. Kaya ko na ang sarili ko."

Napabuntong hininga na lang ang kaibigan na bumalik sa kinauupuan niya.

"Kung nalaman ko lang kaagad na ikaw pala ang itinakdang ipakasal sa kapatid ko, dapat talaga umuwi na ako ng mas maaga. Hindi ka sana nakapasok sa buhay ng lalaking yun."

Hindi na lang siya kumibo at nagsimulang mag-total. Sanay na siya sa kadaldalan ng kaibigan at ang parati nitong pagsermon sa kaniya.

"Alright.. Wala na rin naman akong makukuhang sagot sa iyo.. Aalis na lang ako." Kinuha niya ang maliit na shoulder bag.

"Libre mo na yung kinain ko." Inunahan pa ako, yun sana tatanungin ko kung magbabayad ba siya.

Napailing na lang siya habang tinitingnan ang likod ng kaibigang papalayo sa Café niya, saka nagpatuloy ulit sa pagtu-total.

***

#UnforgettableLove

Unforgettable LoveWhere stories live. Discover now