CHAPTER 5

3 0 0
                                    

Nanatiling nakatitig si Zharra sa cellphone niya na nakabukas lang at makikita rito ang missed calls niya kay Cherlyx. Ilang missed calls na yata yung ginawa niya.

Hindi niya napansin ang pagpasok ng bagong kasambahay nila. Mga ilang oras lang yung lumipas simula nang dumating ang kasambahay sa kanila kanina.

"May malalim ka yatang problema.." Napalingon siya bigla sa kasambahay na nagsalita kaya agad niyang pinatay ang cellphone niya.

"Ah, pasensya na kung naisturbo kita. Hindi ko intensyon na maisturbo ka kaya... Aalis na lang muna ako." Lalabas na sana ito pero agad niya namang napigilan.

"Ay, hindi po. Ayos lang po Ma-.. S-sorry, di ko pa po kasi alam ang pangalan niyo. Hindi ko rin alam kung dapat po ba kitang tawagan na Manang o-"

"Ah, nakalimutan ko palang magpakilala. Pasensya na, medyo may katandaan na rin kasi ako kaya may mga bagay rin akong nakakalimutan minsan. Ah, tawagin mo na lang akong Manang Sally, kahit medyo malayo sa totoo kong pangalan." Tumawa ito ng mahina kaya napangiti na lang siya dito.

"Hindi mo naitatanong, matagal ko nang inaalagaan si Cian. At nasa bahay nila ako namamasukan. Kinausap ko siya kung kailangan niya ba ng katulong dito para sayo. Noong una hindi siya pumayag pero napapayag naman kaagad... nang dahil sa kapatid niyang si Cherlyx." Gulat siyang tumingin dito.

"Si Cherlyx po?!" Tumango ang matanda bilang sagot.

"Oo nga pala, naikwento ka rin ni Cherlyx sakin. Naalala ko pa noong nagsabi siya sakin tungkol sayo. Parati pa siyang nagsusunod-sunuran sa akin kahit saan ako magpunta sa loob ng kanilang bahay para lamang maikwento ka niya sa akin. Hindi ko lang alam kung bakit hindi na siya nagsasabi sakin tungkol sayo ngayon. Ilang araw na ang nakalipas."

Hindi naman na nakaimik si Zharra at umupo sa kama.

"Matanong ko lang, may problema ba kayo ni Cherlyx?" Tanong nito ngunit tanging tingin lang rito ang ginawa ni Zharra. Hindi siya sumagot at ayaw niyang sabihin ang katotohanan kung ano nga ba ang problema niya.

"Wala po, Manang.. Siguro dahil may kaniya-kaniya na kaming trabaho ni Cherlyx kaya hindi na kami masyadong nagkakausap."

"Eh, kamusta naman ang iyong pagsasama ng aking alaga? Masaya ba kayo? Wala ba kayong problema?" Tanging tango lang din ang sinagot niya rito at pilit na ngumiti.

"A-ayos naman po.. M-masaya." Pilit niyang pinapakalma ang sarili para walang masabi na kakaiba tungkol kay Cian. Tumabi sa kaniya ang mayordoma at hinawakan ang kaniyang kamay.

"Hija, alam kong hindi ka sasaktan ni Cian. Kilala ko siya, hinding-hindi niya kayang manakit ng kapwa lalong-lalo na sa babae." Ngayong nalaman niya ang katauhan ng asawa ay nawalan na siya ng pag-asang sabihin sa matanda ang nangyayari sa bahay na ito tungkol sa kanilang mag-asawa.

'Kung alam mo lang po, kung alam mo lang.'

"Alam kong hindi madali ito para sayo lalo na't pinagkasundo lang kayong dalawa ng inyong mga magulang. Pero mag-asawa pa rin kayo. Kahit sa papel lang yung kasal, mag-asawa pa rin kayo. Dapat pinag-uusapan niyo pa rin ang mga bagay-bagay. Nagkakausap ba kayo?" Nahihiya pero umiling siya sa tanong nito.

"Diyos ko, ilang taon na ang nakakapilas." Nakayuko lang si Zharra na para bang pinapagalitan siya.

"Di bale, may marami pang taon ang lilipas. Magkakaayos rin kayong mag-asawa." Tumayo na ito at nagsimulang humakbang palabas ng silid.

"Oh siya, tutungo muna ako sa kusina. Magluluto na ako ng inyong hapunan at upang makakain ka na rin."

Napahawak siya sa kaniyang dibdib dahil bigla na naman siyang nakaramdam ng kakaiba. Mas matindi ngayon kesa dati.

NAPAHAWAK sa dibdib si Zharra nang may magsalita sa kaniyang likod. Naghuhugas kasi siya ng pinggan niya at ganun na lang pagkagulat niya nang magsalita si Manang Sally sa likod niya na kakarating lang sa kusina.

"Naku, dapat hinayaan mo na lang yan diyan hija. Ako na ang bahala dito, magpahinga ka na lang dun sa sala."

"Pasensya na po kayo Manang. Sanay na po kasi ako sa mga ganitong gawain, kaya hindi ko ring maiwasan." Napangiti ito sa sinabi niya.

"Tunay ka ngang mabait tulad ng sinasabi ng iba. Kaya nga, ang gaan-gaan ng loob ko sayo. Maswerte si Cian dahil nagkaroon siya ng asawang tulad mo na mabait at mapagmahal." Ngumiti lang din si Zharra sa matanda.

"Punta na po ako sa kwarto ko."

"Oh siya, at ako na ang bahala rito."

Nang makarating siya sa kwarto niya ay narinig niya ang vibration ng kaniyang cellphone sa desktop niya. Napangiti siya nang makita kung sino yung tumawag at agad itong sinagot.

"Manang Amelia, napatawag po kayo?" Tanong niya rito sa kabilang linya.

"Gusto ko lang kamustahin ang alaga ko.."

"Salamat po sa pagkamusta sakin, Manang."

"Pasensya ka na kung ngayon lang kita natawagan ulit. Ang dami ko kasing inaasikaso dito sa mansyon. Alam mo naman, kukunti na lang ang mga katulong dito sa mansyon niyo."

"Gusto niyo po bang umuwi ako dyan? Para naman po matulungan ko kayo."

"Naku, wag mo na kaming isipin dito, hija. Isipin mo ang iyong sarili diyan ngayon. Teka, ayos ka lang ba dyan? Hindi ka ba nahihirapan? Sabihin mo lang sakin kung may problema ka, huh? Hindi maganda na sinasarili mo lang iyang mga problema mo." Ngumiti siya ng kunti bago ulit nagsalita rito.

"Ayos lang naman po ako dito. Wag niyo po akong alalahanin."

"Nga pala, umuwi dito si Kuya Jhibz mo. Nandito siya kanina pero umalis naman agad. May pupuntahan daw siya pero sabi naman niya uuwi siya agad. Gusto mo ba siyang kausapin? Para masabihan ko siya mamaya pag-uwi niya."

"Okay lang po kahit hindi na. Nakapag-usap naman na kaming dalawa kahapon. Pinuntahan niya kasi ako sa Cafe ko kahapon."

"Oh siya, ibababa ko na muna itong tawag natin. May mga gagawin pa kasi ako. Mag-ingat ka diyan, hija. Huwag mong pababayaan ang iyong sarili."

"Opo, Manang. Salamat po." Ibinaba na niya ang cellphone.

Kinabukasan ay maagang umalis si Zharra. Pupunta siya sa kumbento. Mahilig siya sa mga bata, close na rin niya ang mga bata sa kumbento. Bumibisita siya dala yung mga groceries at mga bagay na gusto niyang ibigay sa mga bata sa kumbento.

Nang makarating siya sa kumbento ay kaagad siyang sinalubong ng mga bata, tuwang-tuwa pa ang mga ito.

"Zharra?" Napatingin siya sa taong tumawag sa kaniyang pangalan. Halata sa kaniya ang pagkagulat. Hindi niya akalain na makikita niya ang taong ito sa kumbento.

***

#UnforgettableLove

Unforgettable LoveWhere stories live. Discover now