TAHIMIK na nilagay ni Zharra ang isang baso ng tubig sa cabinet na katabi niya nang matapos siyang uminom ng gamot. Napatingin siya sa doktor na nakatayo sa harapan niya habang may chinicheck sa papel na hawak nito.
"Sa nakikita ko dito maayos naman ang vital records mo. Nawalan ka lang ng malay dahil sa kulang sa pahinga at stress. So, wala na kayong dapat na ikabahala pa. All you have to do Mrs. Collins, is to get a rest and don't get too much thinking that have caused you so much stressed."
Zharra took a deep sigh. Hindi niya lubos na akalain na dito pa siya kikitain ng doktor na lihim niyang pinupuntahan. Ayaw niyang malaman ng iba ang lihim niya. Hindi pa ngayon. Napalunok siya sa sariling laway at tumingin sa doktor na seryosong nakatingin sa kaniya.
Napalingon naman siya kay Manang Sally na hinawakan ang kamay niya at halata ang pag-aalala sa mukha nito. Nakaupo ito sa gilid ng kama niya at nakaharap sa kaniya.
"Hija, maayos na ba ang kalagayan mo? May masakit pa ba sayo? Magsabi ka lang kung ano yung masakit sayo ah."
"Okay na po ako Manang Sally. Wag na po kayong mag-alala sakin."
"Huwag ka na munang tumayo at baka mabinat ka pa. Tulad nga ng sabi sayo ng doktor, kailangan mong magpahinga. Sabi ko naman sayo wag mong pagudin ang sarili mo."
"Pasensya na po kung nag-alala pa kayo sakin. Ah, Manang Sally sino po pala yung nagbuhat sakin dito sa kama?"
"Tinulungan kang buhatin ng mga kasambahay. Nakita kitang nakahandusay sa sahig dito sa kwarto mo at walang malay kaya tumawag kaagad ako ng tulong."
Napatungo na lang si Zharra nang mapakinggan ang sagot ni Manang Sally. So, hindi pala si Cian ang nagbuhat sa kaniya. Umaasa lang pala siya.
"Si Cian po, alam niya po ba ang nangyari? Nasan po siya?" Sa kabila ng napakinggan niyang naging sagot ng matanda ay umaasa pa rin siya na nandun ang asawa niya, kahit pa hindi ito ang nagbuhat sa kaniya.
"Hindi niya alam ang tungkol dito. Nung nawalan ka ng malay pinatawag ko sa isang kasambahay si Cian sa kwarto niya pero tulog na daw siya at hindi nagising kasi lasing. Kaya nagpatulong na lang ako sa mga kasambahay na buhatin ka dito sa kama. Hay naku, yung batang yun talaga."
"Ganun po ba?" Wala pala talaga itong alam tungkol sa nangyari sa kaniya.
"Buti na lang dumating kaagad yung doktor kagabi para icheck yung kalagayan mo. Kanina pang umaga nakaalis si Cian papunta sa kompanya niya kaya hindi niya pa rin alam ang tungkol dito."
Speaking of which, hindi pa niya nalalaman kung bakit napunta ang doktor sa kanila. Lumingon siya sa doktor na hindi pa rin umaalis at nanatili pa ring nakatayo sa harap nila ni Manang Sally.
"Manang Sally, pwede niyo po ba kaming iwan ni Doc? May pag-uusapan lang po kami."
"Oh siya, magluluto lang ako ng kakainin mo para magkalaman yang t'yan mo."
"Sige po, salamat." Saka na ito tumayo at umalis sa silid.
Hindi kaagad siya nakapagsalita nang inunahan siya nitong magsalita.
"Kung itatanong mo kung bakit ako nakapunta dito ay dahil may tumawag sakin gamit ang phone number mo. Akala ko ikaw pero narinig ko ang boses ng matanda at sinabi yung nangyari sayo. Kaya kaagad akong pumunta dito kagabi. Bumalik lang din ako kaagad kanina para icheck yung vital records mo."
"Gusto ko lang itanong, bakit hindi mo sinabi yung totoo kanina?" Tiningnan ko siya na seryosong nakatitig sakin.
"Bakit, gusto mo bang sabihin ko ang totoo sa harap niya?" Nanatili lang itong nakatitig sa kaniya ng seryoso at hinihintay ang isasagot niya.
Inalis niya ang tingin niya rito at tumingin sa ibang direksyon.
"Hindi naman sa ganun. Nagtataka lang ako kung bakit hindi mo sinabi yung totoo. Hindi ko naman sinabi sayo na itago mo ang tungkol dito pero—" Naputol ang sinabi niya nang magsalita ulit ito.
"Hindi ko sinabi yung totoo kasi alam kong ayaw mong ipaalam." Muli siyang lumingon dito at nakita niya sa mga mata nito na nag-aalala rin ito.
"Nakikita ko kanina sa mga mata mo ang pag-aalala nang makita mo ako. Dun ko napagtanto na ayaw mong ipaalam ang totoo."
Muli na naman niyang inalis ang tingin dito. Nagpapasalamat siya dahil may tumulong din sa kaniya na itago ang lihim niya.
"Salamat, Doc Salvador."
"No worries. But Zharra, don't call me with that name. Ilang ulit ko na bang sinabi sayo? Hindi na ako iba sa iyo at matagal na tayong magkilala. Isa pa kaibigan naman ako ng Kuya Jhibz mo. Parang kapatid na rin ang turing ko sayo kaya wag mo na akong tawagin sa name na iyan."
"Pasensya na, nasanay na kasi ako na tawagin kang ganun. Bilang respeto na rin kaya kita tinatawag sa name na iyon."
"Hayys.. Bilang respeto na rin sakin Zharra, tawagin mo na lang ako sa tunay kong pangalan. Ayokong tinatawag ako sa ibang pangalan ng isang kaibigan."
Napatawa na lang ng mahina si Zharra dahil sa asta nitong bata sa harap niya.
"Oo na. Tatawagin na kita sa tunay mong pangalan, Ruzell." Diniin pa niya yung last word na totoo nitong pangalan.
"Ahh, nga pala Zharra. May isa pa akong importanteng sasabihin sayo."
"Ano yun?" Pumunta ito sa tapat ng pintuan at sinarado ito saka humarap sa kaniya. Lumapit ito sa kaniya pero ilang dangkal lang ang pagitan.
Nag-isip muna ito ng ilang sandali kung sasabihin ba nito o hindi ang isang importanteng bagay. Hawak nito ang papel na naglalaman ng records ukol sa kalagayan ni Zharra.
Gulat na napatitig si Zharra sa kawalan. Alam niyang darating din ang panahon na malalaman niya ang tungkol dito pero hindi niya inaasahan na magugulat pa rin siya kapag nalaman niya ang tungkol dito. At ito na nga, dumating na nga yung matagal na niyang kinatatakutan.
Kinabukasan ay bumalik ulit si Ruzell. At tulad kahapon ay chineck niya ulit ang vital records ni Zharra.
"You must be tired. You should rest for now and you're discharge tomorrow."
"Thanks. Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong niya rito nang nakatayo pa rin ito habang tinitingnan ang records niya sa papel na hawak nito.
"Later. Wala naman akong shift ngayon since day off ko. So, I can check you today everytime I need to examine you."
Napasandal na lang si Zharra sa sariling unan na hinihigaan.
"So, mukhang wala talagang pakialam sayo yung long time husband mo. Everytime na pumupunta ako dito eh hindi ko siya nakikita."
"Maaga siyang pumapasok sa trabaho." Kibit-balikat naman niyang tugon dito. Sanay naman na siyang wala palagi ang asawa sa bahay. Kaya hindi na siya nagugulat sa mga ganung tanung ng iilan sa kaniya.
***
#UnforgettableLove
YOU ARE READING
Unforgettable Love
RomanceGusto lang naman niyang maging perpekto para lang sa buhay na kailanman ay hindi na siya makakawala. Nang pumasok siya sa buhay may asawa ay akala niya magiging masaya na siya, pero ang akala niya ay isa rin palang malaking kalokohan. Nalaman na lan...