CHAPTER 7

9 0 0
                                    

NAPAHAWAK ng malakas sa railing ng hagdan si Zharra nang maramdaman niya ang biglang pagsakit ng kaniyang ulo at mahilo. Nang tuluyan na siyang makaakyat ay napapahawak siya sa dingding hanggang sa makarating na siya sa kaniyang silid ay kinuha niya ang gamot na iniinom niya at ininom ang dalawang tablets nito. Huminga siya ng malalim ng ilang beses bago umupo sa kama niya.

Nang medyo humupa na ang sakit ng ulo na nararamdaman niya ay nagbihis na siya. After niyang magbihis ay ilang oras muna siyang humiga. Pagkatapos ay bumaba na siya papunta sa sala. Nakita niya ang mga kasambahay na nasa kaniya-kaniyang trabaho na. Pumunta na lang siya sa kusina at binuksan ang ref. Kinuha niya ang icecream na nasa maliit na lagayan nito.

Ilang kutsarang icecream pa lang ang nasusubo niya ay nakaramdam ulit siya ng hilo. Pumunta kaagad siya ng banyo at nagduwal. Ilang minuto ang lumipas na nanatili siya sa banyo at paglabas niya ay nasa labas pala si Manang Sally. Halata sa mukha nito ang pag-aalala habang nakatingin sa kaniya.

"Ah, nandyan ka po pala Manang Sally. Kanina ka po ba diyan? Pasensya na kung natagalan ako, gagamitin niyo po yata ang banyo."

"Ayos ka lang ba? Ilang minuto kang nagduduwal sa banyo. May masakit ba sa iyo?" Ilang sandali siyang tumitig sa matanda at umiling.

"Wala naman po. Ayos lang po ako. Napagod lang po yata ako sa byahe kanina."

"Magpahinga ka muna sa kwarto mo. Tatawagin na lang kita mamaya kapag maghahapunan na." Tumango na lang siya sa matanda at umalis sa kusina. Pumunta siya sa kwarto niya at umupo sa kama. Sayang, magpapakilala pa sana siya sa mga bagong pasok na kasambahay. Mukhang mapapabukas na naman.

Ilang oras siyang nakahiga sa kama, ni hindi man lang siya nakaramdam ng antok. Narinig niyang may kumatok at marahang bumukas ang pinto ng kwarto niya kaya bumangon siya.

"Hija, oras na ng hapunan. Halika, sabayan mo sa hapag ang iyong asawa." Gulat na napatingin siya kay Manang Sally.

"Sige na, tumayo ka na dyan. Alam kong ito ang kauna-unahang araw at oras na makakasabay mo sa hapag ang iyong asawa. Huwag kang mag-alala, nandito lang ako sa tabi niyo. Ako na ang bahala." Kinakabahan man siya pero sinunod niya pa rin ang sinabi ng matanda sa kaniya.

Nang makarating siya sa kusina ay naabutan niya si Cian na nakatalikod na nakaupo na. Alam niyang kumakain na ito dahil sa tunog ng kubyertos na naghihiwa ng pagkain sa plato. Napatingin siya kay Manang Sally na nasa tapat na pala ni Cian habang nakatayo. Tumango ito sa kaniya na parang nagsasabi na lumapit na siya at saluhan sa pagkain ang asawa.

Huminga muna siya ng malalim bago nagsimulang maglakad palapit sa mesa. Umupo sa may kalapit na upuan ni Cian. Nagsimula na siyang kumuha ng ulam at kanin na nakahain sa harap nila. Tahimik lang silang kumakain, walang nag-iimikan. Ilang sandali pa ay nagsalita ang nasa harap niya.

"Nagkikita pa rin ba kayo ng kapatid ko, si Cherlyx?" Tanong nito na nagpatigil sa kaniya.

"Ahm.. H-Hindi na. Busy na din kasi kami sa mga ibang bagay kaya hindi  na kami masyadong nagkikita." Nagpatuloy na lang ulit siya sa kaniyang pagkain, pinipilit na maging kalmado. Tumigil ito sa pagkain at tumingin sa kaniya.

"May gagawin ka ba bukas?" Deritsong tanong nito sa kaniya.

Napatingin naman siya sa mga mata ng asawa. Ilang sandali siyang hindi umimik.

"W-wala." Nauutal pa niyang sagot.

"Then, come with me to the office tomorrow. I will introduce you to my co-workers. Just don't try to embarrass me infront of them." Hindi na lang siya umimik at nagpatuloy lang sa pagkain. Ilang sandali lang ay tumayo na si Cian at iniwan ang kinainan sa hapag saka umalis.

"Hija." Napatingin si Zharra kay Manang Sally.

"Pagpasensyahan mo na si Cian. Mukhang hindi pa rin talaga siya kumbinsido sa kasunduan ng mga magulang niyo kaya siya ganun. Wag kang mag-alala, kakausapin ko ulit siya. Kukumbinsihin ko ulit siya tulad nang pagkumbinsi ko sa kaniya kanina na sabayan ka sa hapunan."

"Manang Sally, hindi mo naman po iyon dapat gawin pa. Kahit na pilitin mo po siya, ganun pa rin po ang pakikitungo niya sakin. Hindi na iyon magbabago pa. Saka, tanggap ko naman po na hindi na magbabago ang pagtingin niya sakin." May awang tiningnan ni Manang Sally sa mga mata si Zharra at hinawakan ang mga kamay niya.

"Oh, siya. Pero, maayos na ba ang kalagayan mo? Wala na bang masakit sayo? Yung ulo hindi na ba sumasakit? Hindi ka na rin ba nakakaramdam ng hilo o kahit ng pagduduwal?" Sabay-sabay nitong tanong sa kaniya dahilan upang mapangiti siya habang umiiling.

"Okay na po ako Manang. Huwag mo na po akong alalahanin."

"Huwag mo kasing papagudin ang sarili mo. Magpahinga ka rin minsan kapag may bakanteng oras ka. Tulad kanina, maghapon kang wala tapos pag-uwi mo pagod ka na. Dapat bigyan mo rin ng pahinga ang sarili mo."

"Sige po Manang. Aakyat na po ako sa kwarto. Tapos na rin po akong kumain eh."

"Oh siya, ako nang bahala dito. Magpahinga ka na." Saka siya tumayo at umakyat na patungo sa kwarto niya.

Kinabukasan, naghahanda na si Zharra sa kaniyang pag-alis. Wala man lang bahid na saya at pagka-excite ang kaniyang hitsura na nakaupo sa make-up desk niya habang nakatingin sa salamin at nagsusuklay sa mahaba't curly niyang buhok. Saktong paglagay niya ng suklay sa lagayan ay siya'ng pagpasok naman ni Manang Sally sa kaniyang silid kaya't napalingon siya rito.

"Nakahanda ka na?" Tanong nito sa kaniya na masayang tumitig sa kaniya. Ngumiti lang siya rito saglit at tumango.

"Sa nakikita ko, parang malungkot ka." Yumuko lang siya at bumuntong hininga. Dahan-dahan na umupo si Manang Sally, dahil na rin sa katandaan niya kaya't kahit pag-upo ay nahihirapan na siya.

"Nalulungkot ka ba dahil ipapakilala ka niya sa mga katrabaho niya?" Tumingin na siya sa mga mata nito saka umiling.

"Gusto ko pong makilala ang kaniyang mga katrabaho at iyon po ang ikinagagalak kong ginawa niya." Saad niya habang marahan na ngumiti ngunit agad rin itong nawala.

"Hindi po iyon ang dahilan kung bakit ako malungkot ngayon." Tumingin siya sa salamin habang nakatitig sa sarili.

"Nalulungkot ako dahil hindi ito ang gusto kong mangyari." Saka siya muling lumingon sa matanda.

"Hindi man lang maganda ang pakikitungo namin sa isa't isa habang pinapakilala niya ako sa ibang tao. Ang sakit lang po isipin na.. na hindi kami okay. Na kailangan pa naming magkunwari sa harap ng ibang tao pero ang totoo ay hindi naman talaga kami okay." Hinawakan na lang siya nito sa kamay at tiningnan siya sa mga mata na puno ng pag-aalala.

"Huwag kang mag-alala. Lilipas rin ang panahon na magiging maayos din ang lahat. Magiging maayos rin kayong dalawa." Pinakalma siya nito saglit at iginiya palabas ng kaniyang silid.

***

#UnforgettableLove

Unforgettable LoveWhere stories live. Discover now