TILA walang nag-eexist sa loob ng sasakyan dahil sa matinding katahimikan. Ayaw namang magsalita ni Zharra dahil wala naman siyang sasabihin sa asawa. Nasanay na siyang hindi ito kausapin dahil kung kakausapin niya naman ito ay baka punahin na naman siya nito. Kaya mas pinili na lamang niya na tumahimik at hindi pansinin ang presensya ng asawa.
"Are you hungry? Or do you want to eat first before we go to my office?" Si Cian na ang bumasag sa katahimikan dahilan upang mapalingon si Zharra. Napatitig siya sa asawa dahil hindi naman ito ganun makipag-usap sa kaniya kapag magkasama sila. Ni minsan ay hindi siya tinatanong sa ganitong bagay at nasanay na siya dun.
Pero iwinaksi niya lahat ng iniisip saka umiling. Hindi niya dapat iniisip ang mga ganitong bagay na alam naman niyang imposible. Ayaw na niyang umasa pa dahil balewala rin naman siya sa asawa niya.
"Ayos lang, hindi ako nagugutom." Walang gana niyang sabi saka iniwas muli ang tingin sa asawa. Ayaw niya munang mag-isip ng kung ano dahil baka mas lalo pa siyang ma-stressed. Yun ang dapat niyang unahin, ang kaniyang kalusugan.
Nang makarating na sila sa kompanya ay si Cian na ang nagbukas ng pinto ng kotse sa kaniya. Tinitigan niya saglit si Cian bago bumaba.
"Let's go." Sabi nito. Nagulat pa siya dahil hinawakan nito ang kaniyang kamay kaya napatingin siya kay Cian.
"Don't expect too much, ginagawa ko lang ito dahil kaharap natin ang mga katrabaho ko." Saad nito na agad niya na lamang tinanguan saka na sila naglakad papasok sa kompanya. Tulad nga ng inaasahan niya ay mas lalo niyang nakumbinsi ang sarili na hindi na siya dapat umasa pa sa asawang walang pake sa kaniya o sa nararamdaman niya.
Hindi siya sanay na pinagtitinginan ng mga tao sa loob ng kompanya kaya yumuko siya ng kaunti. Alam niya na siya ang pinagbubulungan ng mga tao sa loob at ramdam niya ang mga matang sumusunod sa kanila.
Sino ba naman ang hindi sundan ng mga mata't pagbulungan kung ang boss nila ay nagdala ng babae sa kompanya at nakahawak pa ang kamay, lingid sa kaalaman nila na asawa nito ang kasama.
Sa tagpong iyon ay walang kaalam-alam si Zharra na walang pinagsabihan si Cian na may asawa siya. Kaya ganun na lamang ang bulungan at titig ng mga tao kay Cian at Zharra sa pag-aakalang walang nobya o nililigawan ang kanilang amo lalo na ang mga babaeng empleyado na lubos na humahanga at umaasang mapagtutuunan sila ng pansin ng amo na ngayo'y nadismaya dahil sa tagpong natuklasan sa araw na iyon.
Nang makapasok sila sa office ay sinalubong sila, este si Cian ng isa sa kaniyang katrabaho. Masaya itong binati ng mga katrabaho niya.
"Oh, you must be Mrs. Collins. I'm Bernard Brennan, your husband's oh-so-handsome bestfriend and also his right hand." Inabot nito ang kaniyang kamay kaya nakipagkamay rin siya.
"You know, Mrs. Collins. Kung hindi ka lang kasal dito sa bestfriend ko, I can be yours instead. Well, I know it's rude for me to say this but to be honest.. I find you as gorgeous and hot." Napangiti si Zharra dahil sa sinabi nito.
"Thank you."
"Ah, what's your name again?" He asked. Naiilang si Zharra sa titig nito sa kaniya kung kaya ay minabuti niyang hindi ito tingnan sa mga mata. Ayaw niya sanang sabihin ang ngalan niya rito pero nahihiya siyang tumanggi lalo pa na katrabaho at matalik daw itong kaibigan ng kaniyang asawa.
"I'm Zharra."
"You also has a pretty name like you. You know buddy, I like your wife. Can I keep her?" Pagbibiro nitong saad na tumingin kay Cian na naabutan pa ni Zharra na nakatitig sa kanila na kaagad namang umiwas.
"Mr. Brennan. We are here to introduce my wife, not for you to flirt her." Seryosong saad naman ni Cian rito at lumapit kay Zharra.
"Ikaw naman, napakadefensive. Nagbibiro lang naman ako eh. Hey guys, we have a guest here!" Sigaw nito sa mga kasama na agad namang napalingon sa kanila kaya ipinakilala na ni Cian si Zharra sa mga katrabaho niya.
Naging madali naman ang lahat kay Zharra sa loob ng kompanya dahil naging malapit kaagad sa kaniya ang mga katrabaho at ibang empleyado ni Cian lalo na yung mga babae. Naging malapit kaagad siya sa mga ito, nagsimula na rin siyang makipagkuwentuhan sa mga taong naging malapit sa kaniya sa kompanya ng asawa. Yung alahanin na baka mainip sa kompanya ng asawa at walang makausap ay napalitan ng pagkagalak sapagkat sa isang iglap lamang ay nagkaroon siya ng magiging bagong kaibigan at kakwentuhan.
Samantala, lingid sa kaalaman ni Zharra ay may isang mata ang lihim na nakatitig sa kaniya habang masayang nakikipagkwentuhan sa mga bagong kakilala.
Hindi malaman ni Cian kung bakit nakakasilaw para sa kaniya ang mga ngiting hatid ng babaeng kailanman ay hindi niya pinangarap pakisamahan. Ito ang naging dahilan kung bakit hindi niya mapakasalan ang babaeng mas una niyang minahal at pinangakuan na pakasalan. Ito rin ang naging dahilan upang hindi siya tanggapin ng magulang ng kaniyang kasintahan sapagkat ikinasal na siya.
Sa ngayon ay hinihintay na lamang niya ang pagkakataon kung kailan niya nais mag divorce sa asawa at upang mapakasalan na ang babaeng kay tagal niyang inaasam na makasama sa isang bubong at bumuo ng totoong pamilya. Ngunit ang lahat nang inaasam niya para sa kasintahan ay saglit na naglaho nang masilayan niya ang matamis at masayang ngiti ng asawa.
Hindi niya malaman kung bakit biglang bumalik ang kabog ng puso niya sa tuwing kasama ang kasintahan dati, kung paano nito napapabilis ang tibok ng puso niya sa tuwing ngumingiti ito at kahit sa munting tawa ay iba ang hatid nito sa kaniya ngunit hindi niya maintindihan kung bakit sa iba na niya iyon nararamdaman.
"Akala ko ba si Michonne? Eh bakit iba na ang nasa loob niyan?" Nabalik niya ang sariling huwisyo nang magsalita ang kilalang boses sa gilid niya na noo'y nakaupo na sa tabi niya.
"Si Michonne pa rin ba? O nag-iba na ang laman niyan?" Saka nito itinuro ang hintuturo sa kaniyang dibdib kung kaya ay inalis niya ito sa dibdib niya.
"I'm planning to divorce her so that Michonne and I will be together for the rest of our lives. So stop making another issues cause no matter what, you're wrong." Tugon niya sabay tungab ng alak sa baso niya na noo'y nangangahalati na lang.
"And I'm not making any issues here. I'm just stating a fact from what I saw on how you look at her. So, go to hell bro. I'm not stupid like what you've expected." Nilagok rin nito ang nangangalahating alak sa baso na sa isang iglap lang ay ubos kaagad.
Hindi naman nakaimik si Cian dahil sa titig niya sa asawa na natuklasan ng matalik na kaibigan. Siya mismo ay hindi rin mawari kung bakit bigla niyang naramdaman iyon kay Zharra na hindi naman niya binibigyang pansin kailanman. Iniisip niya na siguro namimiss niya lamang ang kaniyang kasintahan kung kaya nakikita niya ito sa ibang tao. Ang mas masaklap pa ay sa mismong asawa niya ito nakikita na kinaiinisan niya dati.
***
#UnforgettableLove
YOU ARE READING
Unforgettable Love
Любовные романыGusto lang naman niyang maging perpekto para lang sa buhay na kailanman ay hindi na siya makakawala. Nang pumasok siya sa buhay may asawa ay akala niya magiging masaya na siya, pero ang akala niya ay isa rin palang malaking kalokohan. Nalaman na lan...