Chapter 7

196 5 3
                                    

Kanina pa tinatwagan ni Liam si Max pero hindi nito sinasagot ang cellphone. Gusto sana nya ito kamustahin.

Puntahan ko na nga lang sa bahay nya.

Pagdating nya sa lugar ni Max, may mga pulis. Pah-akyat nya sa bahay nito nabigla sya sa nakita. Basag ang bintana at sira ang main door ng bahay ni Max. Dali dali nyang kinausap ang mga pulis at nalaman kung ano ang nangyari kay Max. Nalaman din nyang ligtas na si Max at nasa ospital. Ngunit ayaw nitong sabihin kung saan ospital dahil yun daw ang bilin ng taong nagligtas kay Max.

“Max, where are you?” tanghali na. Sibukan nya ulit tawagan yung cellphoneni Max pero walng sumasagot dito. “I need to know where you are, Max” bulong ni Liam sa sarili. Nag dial ulit sya.

“I need you to find Miss Max Navarro, search every hospital in Seoul” utos nya sa kausap nya sa cellphone.

“Jihoo…gising” yugyog ni Vince kay Jihoo. Nakatulog kasi ito sa kama ni Max. Unconsious pa rin si Max pero ligtas na ito.

“Ito yung cellphone ni Max. Bnigay sa akin yan ng mga pulis kanina. Kanina pa rin yan ring ng ring, LIAM-OPPA yung name na nag aapear” sabi ni Vince kay Jihoo. Nakaupo na ito sa gilid ng kama ni Max. Kinuha lang nito ang cellphone at minasdan si ulit si Red.

“Salamat Hyung sa pagtulong sa akin” pasalamat ni Jihoo kay Vince.

“Sya yung sinasabi mong pet diba? Cute naman pala talaga ng PET mo kaya pala lagi kang nakatitig sa cellphone mo eh!” kantyaw ni Vince kay Jihoo.

“Hyung! Kaylangan lang talaga ng tulong at nagkataong ako ang pwede. Sige na umalis ka na. Alam ko pagod ka at puyat dahil sa akin. Wala naman akong sched for today eh” umalis na rin Vince.

♪♫ I, I love you like a love song, baby (3x) And I keep hittin' repeat-peat-peat-peat-peat-peat

           I, I love you like a love song, baby (3x) And I keep hittin' repeat-peat-peat-peat-peat-peat ♪♫

Nagulat si Jihoo ng may biglang kumanta. Cellphone ni Red. Tiningnan nya yung screen ng cellphone.

“Liam-Oppa?” may LOVE na, may OPPA pa? sinagot nya yung call, pero hini sya nagsalita

“Max! Thank God sumagot ka rin! Are you ok? Nasan ka? Kanina pa ako nag-aalala sa iyo. Pinuntahan kita sa bahay nyo, alam ko na nangyari sa iyo.” tuloy tuloy ang salita nito “Hello Max?” salita ulit nito ng walang marinig sa kabilang linya.

“She’s still unconscious, but she’s out of danger. Kaylangan lang nya magpahinga” sagot ni Jihoo kay Liam.

“Sino ka?” tanong ni Liam.

“I’m Jihoo. I’m the one who saved her and I’m his friend. Ako yung tinawagan nya kaninang madaling araw ng pasukin sya sa bahay nya. You can visit her but not today. She needs to rest, ipinagbawal muna ng doctor ang bisita maliban sa akin. I’ll text you what hospital and room #. Just make sure walang ibang makakaalam” mahabang sagot ni Jihoo.

“I understand. Thank you sa pagtulong sa kanya” in-end na nya yung call. Thank God at ok si Max. Nag-alala talaga ako. Jihoo? Sino kaya yun. May natanggap syang text message mula sa cellphone ni Max. Hospital address at room #. Nag text din sya sa taong inutasan nya na humanap kay Max na itigil na pag hahanap sa babae.

Gabi na ng magisng si Max. Pagdilat ng mata nya, nakita nya agad si Jihoo na nanonood ng tv.

“Angel” tawag nya dito. Narinig naman sya ni Jihoo at pinuntahan sya agad sa kama.

“Kahit ganyan na kalagayan mo, lakas mo pa ring mambuwisit no? Angel pa rin tawag mo sa akin?” nakasimangot na sabi ni Jihoo sa kanya.

“Di na magbabago yun kahit pilipitin mo leeg ko. Salamat nga pala sa tulong mo ha? How did you know that I’m in danger?” tanong ni Max, nakahiga pa rin ito sa kama.

“How did I know? Tumawag ka kaya sa akin. Can’t remember?” sagot nito. Kumuha ito ng apple sa basket na nasa side ng kama at kinain.

“So number mo pala yung napindot ko. Hindi ko na kasi alam sino yung natawagan ko, basta pinindot ko na lang yung cellphone ko. I was so afraid that time. Salamat ulit” sabi ulit ni Max.

“Pasalamat ka may pinuntahan ako malapit sa lugar mo kung hindi baka kung ano na nangyari sa iyo” palusot pa ni Jihoo. Ngumiti na lang si Max.

“Bakit ba ang lapit mo sa disgrasya? Or mas tama na ang lapit mo sa maniac. Grabe, hindi ka naman kagandahan pero lagi ka napapag tripan at hindi ka naman sexy” nang-aasar na sabi ni Jihoo kay Max.

“Ang sama mo! Bakit nakita mo na katawan ko para sabihan mo ako ng hindi sexy?!” sabay binato nya ng unan si Jihoo. Nakaiwas naman ito at tawa lang ng tawa.

“Baka nakakalimutan mo na halos hubad ka na ng iligtas kita sa maniac na yun so alam ko sinasabi ko, ok?” nakakaloko yung tawa ni Jihoo. Lalo pa ito nagkandatawa ng takpan ni Max ng kanyang mga kamay ang dibdib nito at nanlalaki ang mga mata.

“Siraulo ka talaga!” sigaw ni Max pero natawa na rin ito ng makita kung paano nasamid si Jihoo sa katatawa dahil sa apple na nasa bibig nito

Pagkatapos ng ilang minuto nag salita si Jihoo.

“I won’t allow you to go back to that house. Lalo na ganyan ka kalapit sa disgrasya. You will stay in my house” pahayag nito.

“Ok” mabilis na sagot ni Max

“Ok lang? Hindi ka man lang nagpakipot at nag pretend na tumanggi? At nagtanong bat yun ang gusto ko?” na aamaze na tanong Jihoo.

“Bakit pa? Hindi ka naman papayag diba? Tska baka nakakalimutan mo na sinabi ko sa iyo na maiinlove ka rin sa akin. Pabor sa akin itong ginagawa mo. Siguro may gusto ka na sa akin no?” nang-iinis na tanong ni Max.

“Don’t be too happy Red. You’ll be my P.A. A-la-lay. You’ll do anything I want, kahit san ako magpunta kasama kita, sa taping, shooting, practice ko. So wag ka magsaya tsyak mahihirapan ka. Yan yung kapalit ng pagtulong ko sa iyo” sabi ni Jihoo kay Max.

Lover's Lock [my red love affair]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon