Chapter 25

94 2 2
                                    

“Goodmorning!!!!!!!!!” bati agad ni Max pag pasok na pagpasok ni Max sa rehearsal room ng crew ni Jihoo. Bitbit nya ang mga pasalubong nila.

“Goodmorning Max! Belated happy birthday!” sabay na bati ng crew.

Ok ka na ba? Bati na ba talaga kayo ng Dragon?” tanong ni Vince.

“Oo naman, nakita mo ba yung mga pictures nila sa internet? Mukha ba silang magka-away? Ang sweet sweet nga nila eh!” sabi ni Hana kay Vince.

“Unni, kayo ha? Pa jeju jeju island pa kayong nalalaman!” si Nicky.

“Ano .. wala na yun bati lang kami, bumawi lang yun kasi nga diba nag away na naman kami. E to may pasalaubong kami ng Angel ko sa inyo” masayang sabi ni Max sabay bigay ng pasalubong. Nagkagulo naman ang mga ito.

“Unni, salamat!” si Nicky

“I have something to tell you guys…” singit ni Max.

“Sinagot ka na ng Dragon?! Kayo na?!” tanong ni Vince, nag hiyawan din ang buong crew.

“Kuya Vince naman eh! Hindi yun!”

“So…what it is then?” tanong ni Vince.    

“I decided to accept the offer of Manager Lee para sa next MV ng Angel ko pati na rin maging talent nya” medyo nahihiyang sabi ni Max.

“Wow! Great!” halos chorus na sabi ng buong team ni Jihoo.

“Sana walang magbago sa atin ha?” sabi ni Max habang tinitingnan yung buong crew.

“Max…walang magbabago…we will support you, kami ang no 1 fan ng love team nyo!” sigaw ni Hana.

“Ano bang love team pinagsasabi mo dyan Hana?”

“Max, malay mo kasi diba, kasi interested ang tao sa iyo, sa inyo ni Jihoo. Nakita mo naman, hindi ka pang official na artista eh, nagkalat na sa internet yung mga pictures mo eh. Lalo na pag lumabas ka sa tv at makit nila ang talent mo. Hindi ka pa tunay na Koreana nyan ha…isa kang purong Pinay na mukhang Koreana. Hahahaha! Ang weird nga eh, mukha ka talagang koreana” natutuwang sambit ni Hana.

“I’m happy guys na happy kayo for me. It means a lot to me” nakangiting tugon ni Max. Hindi nya muna sinabi na itinigil na nya yung panliligaw kay Jihoo. “Liam, anak. Kanina ka pa ba dumating?” tanong ni Blessilda sa anak pagpasok Liam sa opisina ng ina.

“Just now lang Mama. Kamusta?” umupo ito tapat ng table ng ina. “Kailan po ang meeting para dun sa offer natin kay Max as new model ng company?”

“Tomorrow. If you could bring Max over the meeting para makita nila in person, mas maganda yun. San ka nga pala galing?”

“I went to Jeju Ma” and then he smiled.

“Jeju? What did you do there? Wala naman akong alam na meeting dun diba?” 

“It was Max’s birthday yesterday, so… wala naman akong sched, kaya pinuntahan ko sya sa Jeju”

Really?! You must really like her. Dun ba sya nag celebrate ng birthday nya? Dun nag party?” tanong ng ina.

“Jihoo brought Max there as a surprise for her. Nawala na kasi sa isip ni Max na birthday nya pala. So 3 lang kami kahapon.  Hulaan nyo Ma, how old is Max?”

“Let me guess…hhmmm 23?” hula ng ina

“Would you believe if I’ll tell you that she turned 29 yesterday?”

“What? She’s 29? Hindi halata, mukha syang bata. Wait Liam, is she half Korean? Mukha kasi syang koreana eh”

“As fas as I know based sa record nya sa HR natin, shes pure Pinay”

“Its just weird that she looks like korean”

“Alam mo Ma, medyo hawig nga kayo ni Max eh, hindi lang masyado halata kasi she has red hair now. Pero yung medyo black pa ang hair, may hawig kayo. Pwede nga kayo mag-ina eh” natatawang sabi ni Liam.

“Really? E di ibig sabihin maganda talaga ako? Ganda kaya ni Max. She has a very charismatic face. The first time pa lang na nakita at nakausap ko sya, magaan na talaga loob ko sa kanya”

“Kaya nga siguro bagay talaga sya mag-artista na. Ma, alis na ako. May gagawin pa ako. I’ll fetch you here, sabay tayo umuwi” tumayo na si Liam at humalik sa pisnge ng ina at lumabas ng opisina ng anak.

“Max is 29, same age as my lost baby. My baby Laime. Pati birthday nila pareho. Makikita ko pa kaya ang anak ko? Hanggang ngayon hindi ako nawawalan ng pag-asa na makikita ko sya. Miss na miss ko na ang baby ko. Kung hindi dumating si Liam sa buhay naming mag-asawa, malamang nasiraan na ako ng bait dahil sa nawala kong anak. Sana buhay sya at nasa magandang kalagayan. Siguro ang ganda ganda ng anak ko, baka nga may sarili na rin syang pamilya ngayon” sambit ni Blessilda sa sarili habang tinitingnan ang baby picture ng anak.

Lover's Lock [my red love affair]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon