Chapter 22

99 1 2
                                    

Pagkabigay ng binili nila, hindi muna sila lumabas ng store, nilanas ni Max yung isang pendant na binili nito, hinubad yung kwintas na bigay ni Jihoo at dinagdag yung lock na pendant sa kwintas at sinibukang isuot ulit yung kwintas.

“I’ll do it” kinuha ni Jihoo yung kwintas at isinuot kay Max. “Bakit isinama mo yung pendant na yun sa kwintas na bigay ko?” tanong ni Jihoo. Inayos pa nito yung ilang hibla ng buhok ni Max na sumabit sa kwintas.

“Secret! Lika na uwi na tayo. Balik na tayo dun sa resort” hila hila ni Max si Jihoo sa kamay palabas ng jewelry store.

Habang nasa sasakyan  Kanino nya kaya yun ibibigay? Haiissst! Baka kay Liam? Wagggg! Ang mahal kaya nun. Naubos yata yung lahat ng pinasahod ko sa kanya ah. Galante naman sya masyado ha….kainis! Kung yakapin yung binili nyang kwintas eh akala mo aagawin ko. Aagawin ko talga yan pag nalaman kong kay Liam mo yan ibibigay. Ang ngiti hanggang tenga. Kakainis!

After nila mag dinner … naglakad na sila papunta sa room nila.

“Take a rest. Alam ko napagod ka, konti lang tinulog mo diba kanina?” sabi ni Jihoo kay Max.

“Ok, goodnight” humihikab na sabi ni Max kay Jihoo. Hinalikan ni Max si Jihoo sa pisnge at pumasok na sa sarili nitong kwarto.

“Goodnight” mahinang sabi ni Jihoo na nasa labas pa rin ng pintuan ni Max, hinihimas himas nito yung psnge na hinalikan ni Max, maya maya tinapik ng malakas yung sarili nyang pisnge. Wala ng ibang ibig sabihin yang halik nay an. Unlike before… nakagawian na lang yan ni Red. Tuwing umaga pag gising, pagbati ng goodmorning, halik sa pisnge, goodnight..ganun din. Kahit nga sa loob ng agency ginagawa ni Red yun. Parang nakasanayan na lang nya, kapag bagong dating sa agency or aalis ng agency na kasama yung mga crew at nagpaiwan sya dahil may kaylangan pa sya gawin. Kumbaga yung kiss sa cheek eh isang GREETINGS na wala ng ibang kahulugan sa kay Red since sinabi na nyang ititigil na nya ang kahibangan nya sa akin…Haiiissst! Baliw ka kasi Jihoo… Torpe pa isip isip ni Jihoo.

“8pm pa lang…4hrs to go Jihoo…wag ka matutulog” sabi ni Jihoo sa sarili habang nanonood ng tv. . ”Teka..may mga naka upload na kayang pictures naming sa internet?” tanong ni Jihoo sa sarili at kinuha yung cellphone nya at in-access ang internet.

*Pindot dito*

Type CHOI JIHOO latest pictures…search…

Nahiga si Jihoo sa kama at inantay kung may lalabas na mga latest pictures nya at ni Max

“Bingo! Dami dami…” lapad ng ngiti ni Jihoo. Yung mga pictures nila sa airport, pagdating nila sa jeju island, nung nag lunch sila, nung nagsusukat sila ng bonnet, sunglass at pati yung sa jewelry store. 3 stolen shots yung sinave ni Jihoo. Nung sinusuot sa kanya ni Max yung bonnet na blue, yung pareho nilang suot yung sunglass habang naglalakad sila at yung shot na sinusuot nya yung kwintas kay Max pagkatapos nito ikabit yung lock na pendant. Sa mga pictures na iyon, lahat mukha silang magboyfriend/girlfriend. May ilan ilan pang pictures na may nakalagay pang caption na “Choi Jihoo’s Girlfriend?...may isang picture sila ni Max na hawak hawak nya ang kamay ni Max habang hila hila nya ito na may caption na “Her name is MAX” nalibang si Jihoo sa pag ba browse ng mga pictures nila ni Max sa internet kaya ng mapansin nya na 12midnight na, napabalikwas sya ng bangon sa kama at tinawagan na staff ng hotel na ka kuntsaba nya.

♪♫ I, I love you like a love song, baby (3x) And I keep hittin' repeat-peat-peat-peat-peat-peat

           I, I love you like a love song, baby (3x) And I keep hittin' repeat-peat-peat-peat-peat-peat ♪♫

Lover's Lock [my red love affair]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon