Chapter 11

180 3 0
                                    

When she woke up, wala na si Jihoo. Nang tanggalin nya yung comforter nya, napansin din nyang yung kumot na isa naka paikot sa beywang  nya. Ganito ba ako kalikot matulog? Kanda ikot sa katawan ko yung kumot? May note ulit si Jihoo na nakadikit sa cellphone nya. Pupunta daw yung mga staff ng boutique this afternoon. Patuluyin na lang daw nya at alam na raw ng mga ito ang gagawin.

“Woaahhhh! Are those the clothes I tried last night?!” gulat nyang tanong dun sa staff ng boutique, yun din kasi yung kagabi na tumulong sa kanya magsukat.

“Ye [yes] We are going to put this in the closet” sabi ng babae kay Max

Napatango na lang si Max. Mukha naming kabisado nito ang bahay ni Jihoo. Di kaya…personal stylist ito ni Jihoo?

Umalis din agad ang mga ito pagkatapos ayusin yung mga gamit. Nagpasalamat sya sa mga ito. Agad agad syang pumunta sa walk-in closet ni Jihoo.

“Wow! Grabe naman!” manghang sambit ni Max. Kasi naman ang daming nyang mga bagong damit. May pang winter din…lahat jeans, blouse, t-shirt, shorts, sapatos, bags pati accessories. At natuwa lalo sya ng ni isang kulay PINK wala syang nakita dito.

“Sarap pa lang maging mayaman no?” sabi ni Max sa sarli. Nag send din sya ng text kay Jihoo. Nagpasalamat sya at sinabing di naman nya kaylangan ng ganung karaming damit. Nag reply naman ito.

From: My angel

Ayaw ko na may kasamang P.A na panget manumit. :P

“Hindi naman ako panget namamit ha?” sabi na lang nya sa sarili nya. Hindi na sya nag reply.

Pagdating ni Jihoo sa bahay may inabot itong paper bag. Pagbukas ni Max nito…

Jumpsuits? 7 pa. Para san ito? Dami ng damit na na deliver kanina ah?” maang na sabi nya dito.

“Yan ang gamitin mo pang tulog. Gabi gabi ko na lang tinatakpan yang malaki mong tyan ng kumot. Kung matulog ka para kang bata, Lagi mo na lang nilililis yang damit mo. Buti di ka kinakabagan?” sabay pasok nito sa kwarto.

Naiwang nakaupo si Max sa couch, namumula  Weeee! Nakakahiya! Kaya pala lagi na lang akong nagigising na may nakapulupot na kumot sa tyan ko! Kakahiya! Laki laki ko na eh!

2days before Christmas, she met Vince and yung girlfriend nito na si Hana. Pareho pala itong kasama sa dance crew ni Jihoo. May binigay lang mga papers na kaylangan daw ni Jihoo para sa up coming concert nito. Sabi ni Vince, kuya na lang daw ang itawag nya ditto matanda naman daw sya sa kanya. Mag kasundo naman sila agad ni Hana. Unni ang tawag nito sa kanya. Natutuwa sya ditto kasi ang cute nito at marunong din mag tagalong. Napag-alaman nya from them na halos lahat  ng crew at staff ni Jihoo ay pinoy or halfkorean halfpinoy. Sa Christmas eve daw sa bahay silang lahat ni Jihoo. Nakagawian na raw nila yun. Halos lahat ng crew at staff nila sa bahay ni Jihoo ang sini-celebrate ang pasko Kanya kanya silang dala ng mga food. Pero miss na daw nila ang mga Filipino dishes. Kaya pala sabi ni Jihoo magluto sya ng mga fipino dishes para sa noche Buena lalo na raw yung pinoy style spaghetti. Nag offer si Hana na tulungan syang magluto at mamili ng mga kaylangan kasi may alam din itong Supermarket kung san para sa mga pinoy talaga.

Kinabukasan maaga hinatid ni Vince si Hana sa kila Max, sila kasi ang mag peprepare ng mga ilang pagkain. May dance rehearsal pa kasi yung iba, si Jihoo naman may meeting kasama ang manager nito na si Mr. Lee. Aware na rin si Mr. Lee sa set-up nila ni Jihoo. Wala naman itong sinabi.

Maraming nakwento si Hana kay Max. Malapit daw talaga si Jihoo sa mga crew nito. Parang pamilya na nga raw kung ituring sila ni Jihoo. Pero talaga daw kung minsa may attitude si Jihoo. Pero sanay na daw sila dun. Pag daw may topak yun, wala na raw kumakausap dun. Tsaka marami daw nagkakagusto kay Jihoo kahit na mga celebrity. Pero lagi daw binabara ni Jihoo ang mga ito lalo na kung sobra na yung ginagawang pagpapansin dito. Ayaw na ayaw daw ni Jihoo yung ganong babae. Isa lang daw ang alam nilang naging girlfriend nito na seryoso at talagang minahal si . . .  Lee-Chin. Pero namatay si Chin ng maaksidente ang sinasakyang kotse nila ni Jihoo 7 yrs ago ng pauwi sila galing sa isang guesting. After nun, wala pang naging seryong relasyon ito. Tska si Chin lang daw ang nakakapag pa tame kay Jihoo lalo na pag tinopak.

Lover's Lock [my red love affair]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon