Chapter 21

102 2 0
                                    

[a/n] sorry if now lang ako nag update sabi ko sa isang reader ko mag update last last april 6, pero hindi ako nakapag update . . . sorry J

Happy moments muna para sa chapter na ito . . .

“Oy teka lang…..!” hahabulin sana ni Jihoo si Max baka kasi may kung anong gawin si Max eh, pero nung makita nyang nakangiti itong nakikipag usap sa mga fans nya, hindi na nya ito sinundan pa. Habang naglalakad pabalik sa upuan nila si Max, kasunod nito ang mga fans nya.

“Red, what are you planning to do with them?” naguguluhang tanong ni Jihoo kay Max, tiningnan din nito ang mga fans nya.

“Nakakapagod na kasing ngumiti at nasisilaw na ako sa kislap ng camera, kaya sabi ko sa mga fans mo..sila naman ang kukunan ko ng pictures kasama ka!” nakatawang sabi ni Max, nakapameyang pa ito. Wala ng nagawa si Jihoo ng isa isang magpakuha ng picture yung mga fans nya kasama sya, minsan group pictures pa. Si Max ang tumayong photographer nila. Tuwang tuwa yung mga fans kay Jihoo pati kay Max kasi hindi daw ipinagdamot ni Max si Jihoo sa kanila. Pati kay Max nagpapicture din ang mga ito. Yung isang fan ni Jihoo na babae, hinubad pa nito yung na bracelet at pilit isinuot sa kamay ni Max. Kahit anong tanggi ni Max, hindi pumayag yung babae na ibalik sa kanya yung bracelet. Natigil lang sa pagpipicture ang mga ito ng boarding time na. Kumaway pa sila ni Jihoo sa mga fans na tuwang tuwa sa kanila. Sumisigaw din yung iba ng “Saranghae Jihoo! Saranghae Max!”

Ng makaupo sila ni Jihoo sa loob ng eroplano, buti na lang nasa business class sila. Wala ng mga fans na gusto magpapicture maliban sa mga F.A na hindi makatiis.

“I can’t believe on what you did Red” nakangiting sabi ni Jihoo kay Max. “Grabe..napagod ako dun ah…nangawit yung pisnge ko kakangiti”

“Nakakaawa naman kasi sila. Alam ko gusto nila mag papicture kasama ka. Kaya ayun. Sorry ha?” hinging paumanhin ni Max kay Jihoo.

“Don’t say that. I like what you did. Napansin mo ba pati yung mga fans ko gustong gusto kanila? Binigyan ka pa ng bracelet, tapos ako wala? Hahaha!”

“Nakakahiya nga dun sa babae eh…ayaw namannya tanggapin ng binabalik sa kanya” sabi ni Max habang pinagmamasdan yung bracelet na may palawit na mga aso…

“It means gusto ka ng mga tao, mas lalo tuloy akong nakumbinsi na hindi ka mahihirapang sumikat pag officially artista ka na”

“Naku! Napapansin ako kasi ikaw ang kasama ko. Isa kang dakilang Hallyu Star. Kaya ganun. Mamaya laman tiyak tayo ng news at internet..bahala ka magpaliwanag ha? Maganda ka yang mga pictures ko? Wala man lang akong ka make up make up, ni walang ayos ang buhok ko….wahhh! baka magmukha akong katulong sa mga pictures!” hindi mapakali si Max, kausap si Jihoo.

“Adik ka talaga no? Maganda ka naman kahit walang make up.. Mamaya check natin pag nasa jeju na tayo, malamang naka upload na yun sa net.”

Sabi nya maganda ako?! Hay! Jihoo! Ulitin mo nga…pls….  isip isip ni Max habang nakatingin kay Jihoo na pumikit at balak yatang matulog.

“Liam anak, wala ka bang pasok ngayon at binisita mo ako dito sa bahay?” malambing na sabi ng ina ni Liam. Nalaman kasi nito mula sa mga katulong na dumating ito pero sa sarili nitong kwarto dumiretso.

“Sorry Ma, hindi ko kayo agad ang pinuntahan ko. Masama lang po kasi ang pakiramdam ko” nakahiga si Liam sa kama, ang ina naman nito ay umupo sa kama nya.

“Ipapakuha kita ng gamot sandali…” tumayo ito at lumabas ng kwarto ni Liam, pagbalik may dalai tong gamot at tea. “Here, inumin mo” sabi nito at matamang pinagmasdan ang anak.

Lover's Lock [my red love affair]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon