Chapter 24

78 2 0
                                    

Nagpunta sila Jihoo sa lugar kung saan maraming Cherry Blossoms. Nataon din naming yung arwa ng birthday ni Max ginanap yung Jeju Cherry Blossoms Festival. Tuwang tuwa si Max kasi ngayon lang sya na experience ng ganun. Pakiramdam nya umuulan ng mga bulaklak.

“Angel salamat dinala mo ako dito. Ang saya..nakakatuwa yung mga cherry blossoms..pakiramdam ko nakikicelebrate sila ng birthday ko. Tingnan mo oh…parang umuulan lang ng mga petals…… ang saya saya” sambit ni Max habang naglalakad lakad sila sa ilalim ng mga puno na may malaking ngiti sa mukha.

“Yan naman talaga ang goal ko eh. Ang mag enjoy ka. I’m happy kasi kita ko naman na masaya ka…dami mo na ngang pictures eh….napapagod na akong magpicture sa iyo.. Hallyu star ako, pero ginawa mo akong photographer. Tsk Tsk!” naupo sila sa bench…medyo kanina pa rin sila naglalakad eh. Nagpunta rin sila sa Teddy Bear Museum. May bukod sa Namsan Tower, may Teddy Bear Museum din kasi sa Jeju. Pinuntahan din nila ang Jeju Folk Village Museum. Kumain rin sila sa ibat ibang kainan na nakita nila. Halos lahat kasi ng delicacies dun gustong tikman ni Max. Marami rin silang binili para daw pasalubong sa mga crew. Bandang hapon na ng magpunta sila sa mga cherry blossoms tree.

“Matutuwa sila Hana at Nicky, dami nating pasalubong sa kanila” nakangiting sabi ni Max habang sinisilip silip ulit yung mga pinamili nila.

“Oo nga eh. Pumunta tau dito wala man lang taung dala pero pag uwi natin sang katerba dala natin. Hahahah!” natatawang sabi ni Jihoo.

“Angel…..are you happy? I mean simula kahapon until today?” nag aalinlangang tanong ni Max.

“Oo naman. Masayang masaya ako. Matagal tagal na rin ng maging ganito ako kasaya. Nag enjoy talaga ako sa mga pinuntahan natin, yung mga lumang village, yung teddy bear, yung mga kainan, yung pamimili ng mga pasalubong at itong cherry blossoms”

“Kung alam ko lang na mas magiging kumportable ka sa akin at mas mabait dati ko na sana itinigil yung panliligaw ko iyo” sambit ni Max habang nakatingin sa mga ulap at pinagmamasdan yung paglubog ng araw at yung mga nagliliparang petals ng cherry blossoms.

“Ahh..ehhh…. are you sure na ititigil mo na?” nakatingin si Jihoo kay Max, habang pinagmamasdan nito ang ulap.

“Oo. Diba sabi ko may nakatakda akong pakasalan sa Pinas, yun lang hindi ko mahal” umayos ng upo si Max at tiningnan si Jihoo

“Papayag ka bang pakasalan yun?” seryosong tanong ni Jihoo. Sumandal si Max sa bech at inihilig ang ulo sa balikat ni Jihoo.

“Hindi. Hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko mahal. Pero kung darating yung time na magkakilala kami tapos booom! Magic….natutuhan ko syang mahalin…or maiinlove kami sa isa’t isa…..siguro papakasalan ko sya. Siguro lang naman. Ayoko kasi magsalita ng tapos eh”

“Hindi mo na ba ako mahal?” tanong nito kay Max at tiningnan si Max habang nakahilig ang ulo nito sa balikat nya.

“Ikaw? Mahal pa rin kita. Pero hindi ko na ipipilit yun sa iyo. Mas masaya ako ngayon na ganito tayo”

“Ano bang dahilan bat minahal mo ako sa kabila ng mga ginawa ko sa iyo?”

“Hindi ko nga alam bakit minahal kita eh. Para ka namang bipolar. Pabago bago ka ng mood, minsan mabait, minsan masungit. Ikaw na rin nagsabi diba? Sa kabila ng mga ginawa mo sa akin, mahal pa rin kita. Siguro kasi para sa akin, wala dapat dahilan kung bakit ka nagmamahal. Kasi pag marami kang dahilan kung bakit ka nagmamahal ng isang tao, marami ring dahilan para hindi mo ito mahalin.”

Lover's Lock [my red love affair]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon