Chapter 20

268 1 2
                                    

[ a/n picture of their couple shirt  ====================>>>>>>>>>>>>>>> ]

=============================================

Masakit ang matang iminulat ni Max ang mata nya “Turn off the light” inaantok na sabi nito at nagtalukbong comforter. Binuksan kasi ni Jihoo ang lahat ng ilaw ng kwarto. Kapag alam nyang late na nakatulog si Max, hindi ito basta basta madaling gisingin, maliban na lang pag binuksan mo ang mga ilaw. Agad itong didilat.

“Wake up Red. May pupuntahan tayo” nilapitan nito si Max sa kama na nakatalukbong pa rin ng comforter, tinanggal nya iyo, pero pilit kinikuha ulit ni Max yung comforter.

“What’s your problem? Aga aga pa eh, kala ko ba wala tayong sched today? Antok pa ako” inaantok pa ring sabi ni Red, dumapa ito sa kama at inilalim ang ulo sa unan, dahil tuluyan ng kinuha ni Jihoo ang comforter.

“Sabi mo dati diba, gusto mo mamasyal sa Korea kasi hindi ka pa masyado nakakagala dito? This is your chance…kaya get up” nakaupo sa gilig ng kama si Jihoo. Si Max naman biglang bumangon ng kama at umupo ng marinig yung sinabi ni Jihoo.

“Talaga?! Ipapasyal mo ako?! Hindi ba ako nanaginip?” excited na sabi ni Max. Kinurot ni Jihoo yung magkabilang pisnge ni Max.

“Aray!”     

“Just so you know, na hindi ka nananaginip…Get up. Let’s eat” tumayo si Jihoo pero hinawakan nito ang kamay ni Max at hinila palabas ng kwarto patungong kainan.

“Wow! Ikaw nagluto lahat nito?!” manghang tanong ni Max kay Jihoo ng makita yung mga pagkain sa mesa. Tiningnan nito lahat ng nasa mesa. Tapos pinuntahan ulit si Jihoo at sinipat yung noo ni Jihoo.

“Bumalik ba lagnat mo?” sabi ni Max kay Jihoo habang nakadampi pa rin sa noo ni Jihoo yung isang palad ni Max. Pinalis nito ang kamay ni Max at bahagyang sumimangot.

“Kumain ka na nga. Ikaw na nga pinagluto, nang iinis ka pa. Timpla mo ko ng kape” naiinis na sabi ni Jihoo.

“Bakit ba ako lagi mong pinagtitimpla ng kape ha? Nasa harap mo na nga yung kape hindi pa ikaw magtimpla?” sagot ni Max kay Jihoo…pero sinimulan na rin nito ang pagtitimpla. Si Jihoo naman lihim na napangiti.

Ewan ko rin naman kasi, kung bakit simula ng unang beses ko matikman yung timpla mo ng kape, yan na ang hinahanap hanap kong timpla. Kahit pa na mamahalin na 3-in-1 coffee pa eh ayaw ko. Gusto ko lang timpla mo, hiwalay na kape, creamer, sugar. Minsan nga nagtimpla ako, pero iba naman yung lasa…Ginayuma mo yata ako Red…haiisst!

“O ayan na haring dragon ang inyong kape” nakangiting sabi ni Max sa kanya sabay abot ng kape nya.

Pero si Red, 3-in-1 lage ang iniinom…yung oldtown coffee hazelnut, pero basta oldtown type nya. hindi daw nya type yung timpla nya…. Weird di ba?

Sarap pagmasdan kumain ni Red….walang kaartehan J Hindi katulad ngibang babae kapag may kaharap na lalaki, pa demure kumain. Kahit bagong gising maganda pa rin. Haiisssttt! Jihoo…ano ba itong nangyayari sa iyo? Hindi naman maganda si Red dati ah? Ano bang gayuma ito O Lord?

“Anong oras ba tayo aalis?” tanong ni Max kay Jihoo pagkatapos kumain.

“Mga 11 pa” sagot ni Jihoo habang kinukuha yung mga plato para hugasan.

“11 pa pala eh! Aga aga mo akong ginising 7am pa lang Angel” maktol ni Max pero tinulungan din nito sa paghuhuas ng pinggan si Jihoo.

Lover's Lock [my red love affair]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon