Chapter 16

224 4 0
                                    

dedicated sa mga readers ko :) salamat! again votes and comments naman dyan :)

mahaba ang update na ito....so matagal tagal pa bago ako mag update ulit..... job hunting muna ako.... tama na ang pahinga..goodluck sa akin!

sana lang dumami ang readers ko at votes and comments :)

===========================================================

Inayos muna ni Max yung buhok at damit nya bago kumatok sa pinto ni Manager Lee at pumasok.  Pagpasok ni Max sa loob, naroon sina Jihoo, Lee-shin, Manager Lee, yung isa pang director at si Liam.

Ahnnyonghaseyo! bati ni Max sa lahat.

“Sit down Max” sabi ni Manager Lee.

Kinakabahang umupo si Max sa katabing upuan ni Jihoo. Binulungan ng mahina ni Max si Jihoo.

“Para ba san ito?” tanong ni Max kay Jihoo, pero hindi ito sumagot.

Inikot ni Max ang mata sa paligid. Bakit ba andito itong bruhildang ito? At bakit si Liam-oppa andito rin? Nginitian lang ni Liam si Max ng magtama ang mga mata nila.

“Max, I want you to see this video” panimula ni Manager Lee. Pagkatapos nag dim na yung mga lights room. Bakit ko ba kaylangan panoorin yun? Biglang nanlaki yung mga mata ni Max. Wahhhhhh!!! Bakit ako yung nasa video? Tska hindi naman yan yung video na kumakanta ako ah. Yan yung….nag away kami ni Angel ko. Ang tanda ko, nagpunta ako ng garden. Pero hind iko alam na may camera…. Teka . . . bakit may camera dun? May stalker ba ako dito. Nakakahiya..para naman akong tanga dyan, nakikita nila kung paano ako umiyak…tapos… tapos kinakausap ko yung mga halaman! Para talaga akong tanga! At pati ba naman yung pag-ikot ikot ko nakuha pa? Shame!!! San ba nagtago yang camera na yan at hindi ko nakita? Unti unti dumudulas sa upuan si Max, kulang na lang magtago sa ilalim ng mesa. Napaayos lang ito ng upon g biglang magliwanag ulit ang room at natapos yung video. Lahat ng tao sa room, sa kanya nakatingin. Si Jihoo, nakangiti lang, si Liam, ganun din, halos lahat pwera si Lee-shin na kulang na lang mamatay sya sa masamang titig nito.

 Tumayo si Max at nagyukod ng ulo, “Manager Lee…hindi ko naman po alam na may camera dun sa garden. Sorry po. May nasira po ba akong shooting dun? Pasensya na po hindi ko po sinasadya na magawi doon” hinging paumanhin ni Max.

“Max, sit down. You did nothing wrong. In fact…mukhang makakatulong ka pa nga sa amin” nakangiting sagot ni Manager Lee kay Max.

“Yes. Max. You heard it right” sabi ni Direct San.

Direct San pala ang pangalan nung isa…sya pala yun. Kilala ko lang kasi sya sa pangalan, sabi nila Nicky at Hana, halos lahat ng Music Video ni Jihoo ito ang nag-didirect. Pero bukod kay Jihoo may malalaki pang artist na katrabaho ito isip isip ni Max.

“We also heard from Jihoo and Direct Liam that you did a photoshoot for CC Salon as their new image model” dagdag pa ni Direct San, si Max naman napa tango lang.

“Alam mo ba na kilalang kilala sa Korea ang CC Salon?” si Manager Lee, nakangiti ito kay Max.

“Sabi nga po ni Liam-Oppa at nila Hana” nahihiyang sagot ni Max. Ano ba talaga gusto nila sa akin? Kanina yung video, ngayon naman yung sa CC Salon?

“We showed you that video because we want you to know that this management/agency is interested in you. As you know very well, as Jihoo’s friend, we are preparing for his new album and upcoming concert. We are also planning on having a new MV for the first single that we’re gonna release under that album. We are looking for a new face. Fresh face na pwede naming ilagay as Jihoo’s leading lady for that MV. Yung hindi pa nakikilala ng mga tao. The new girl na pwedeng pag-usapan ng mga tao” mahabang paliwanag ni Manager Lee.

Lover's Lock [my red love affair]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon