Chapter 18

395 1 0
                                    

Hi there! pls keep reading, leave your comments and vote na rin if nagustuhan ninyo :) salamat

===============================================================

“Max!” agad na hinanap ni Liam si Max. Nakita ni Liam si Max na nakadapa sa kalsada. Agad na pinuntahan ito ni Liam.

“Max! Are you ok?” itinayo nito si Max.

“Ok lang Oppa. Hindi naman ako talagang nabundol. Nadaplisan lang. Nahatak ako ng nasa likuran” naluluhang kwento ni Max. Inakap ni Liam si Max. Yung mga tao nakatingin lang sa kanila, nabigla rin sa nangyari.

Nagpasalamat sila sa taong humatak kay Max at unalis na rin yung kotse.

“Ano ba Max? Mag-ingat ka naman. Muntik ka ng mamatay dun ah? Pano kung hindi ka nahatak nung lalaki ka na?” galit na sabi ni Liam. Pareho na silang basing basa sa ulan ni Max.

“Sorry na. Nagmamadali lang naman ako. Past 3pm na kasi, halika na late na ako…inaantay na ako ni Jihoo” hinatak ni Max si Liam papunta sa building.

“May gasgas yung noo mo, pati yung tuhod mo may sugat…wala na bang ibang masakit sa iyo? ” nag-aalalang tanong ni Liam.

“Yung kamay ko, nadaganan ko kasi kanina, halika ka na bilisan mo” sumakay na sila sa elevator.

Pagbukas ng elevator, inaantay na pala si Max ni Nicky. Inabot na lang ni Max yung stamp kay Nicky at ito na ang nagbigay ng stamp kay Jihoo. Sa rehearsal room na sila dumiretso.

“Max! Direct Liam! What happened? Bat basang basa kayo ng ulan?” gulat na tanoong ni Vince. “Max, bat may sugat ka” pinaupo nito agad si Max at tiningnan yung mukha ni Max.

“Muntik na yang mabundol ng kotse dyan sa harapan ng building kakamadali tumawid ng kalsada para mabigay lang yung stamp ni Jihoo. Hindi napansin yung kotse na paparating. Buti na lang hinatak sya ng lalaking nasa likuran nya. Akala ko nga talagang nabundol sya. Ng makita ko si Max nakadapa sa sahig. Buti nga sugat lang ang inabot nya.” Paliwanag ni Liam kay Vince. “Lagi bang buwis buhay yang si Max kay Jihoo?!” galit na tanong ni Liam kay Vince.

“Oppa, tama na” naluluhang awat ni Max.

“Vince bahala ka muna kay Max, mag iiwan lang ako ng message sa secretary ni Manager Lee. Pagbalik ko aalis na kami, ipapagamot ko yan” galit na umalis si Max.

Nakatalikod si Max sa pinto habang nakaupo. Pinupunasan ni Hana yung buhok ni Max ng towel para kahit papano matuyo ang buhok nito ng biglang pumasok sa pinto si Jihoo at mainit ang ulo. Nakatalikod pa rin si Max dito.

“Bakit ngayon ka lang?! Kanina pa kita inaantay! Nakakahiya dun sa Producer at director. Ako na lang ang inaantay para pirmahan ang contract. San ka ba kasi galing?!” mainit ang ulong tanong ni Jihoo kay Max. Ng humarap si Max kay Jihoo, biglang nagbago yung expression ni Jihoo. “What happened to you?” nagbago pati tono ng pananalita nito. Nakita nito na basang basa si Max, yung galos sa mukha nito at yung sugat sa tuhod. Akmang hahawakan ang mukha ni Max pero malakas na kinabig ni Max yung kamay nito. Galit ang nasa mukha ni Max.

“What happened to me?! Muntik lang naman ako masagasaan at mamatay sa kamamadali  just to give that stupid stamp of yours sa tamang oras! Ikaw pa may ganang magalit sa akin dahil late ako?! Bakit? Ako ba ang nakaiwan nyan sa bahay?! Ako ba?! Tinanong mo ba kung nasaang lumapalop ako ng tumawag ka?! Hindi mo man lang naisip kung nasa malapit lang akong lugar o malayo? Kung idadahilan mong P.A mo ako at trabaho kong sundin ang inuutos mo, para sabihin ko pa sa iyo, FRIDAY ngayon! Wala akong trabaho sa iyo sa araw na ito! Sa susunod, magpagawa ka ng isang daang stamp at ikalat mo sa sasakyan mo at sa building na ito para kapag nakalimutan mo ulit, marami kang pwedeng pagkunan!” sumisigaw na sabi ni Max habang hindi napigilan ang maiyak. Nanginginig ang buong katawan nito sa ginaw at sa galit.

Lover's Lock [my red love affair]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon