Chapter 19

316 1 0
                                    

Pagpasok ni Max sa bahay, hinanap nya si Jihoo. Pero wala ito sa sala, sa kitchen, sa pool, sa kwarto. Pero ng buksan ni Max yung studio ni Jihoo… andun si Jihoo. Dahan dahang pumasok si Max sa loob at sinara yung pinto. Kumakanta si Jihoo at nag gigitara din ito. Nakita sya nito pero hindi ito tumigil sa pagkanta. Sinenyasan lang sya nito na maupo at ngumiti. Pagkatapos nito kumanta, lumabas ito ng recording booth. Pinuntahan sya nito.

“Kanina ka pa dumating?” tanong nito sa kanya

“Nagyon ngayon lang…kumain ka na ba? Sorry ginabi ako ha?” matamlay na sabi ni Max kay Jihoo.

“Kumain na ako. Ok lang, si Liam naman kasama mo eh” sagot lang nito.

“Hindi ka galit? Ok lang sa iyo?” naguguluhang tanong ni Max.

“Its true na hindi ko ganun ka gusto si Liam, but he’s your friend. I know he cares for you. After what I did to you, dapat nga si Liam pa magalit sa akin. Tsaka sawa na akong makipagbangayan sa iyo” nakangiting sabi ni Jihoo kay Max.

Dahan dahan lumapit si Max kay Jihoo. Niyakap nito si Jihoo at pilit pinipigil ang hikbi

Nagulat si Jihoo sa ginawa ni Max pero hind into tinggal ang pagkakayap sa kanya ni Max.“Uy Red! Tsansing na yan ah. Tsaka bat ka umiiyak?” sabi nit okay Max

“Masaya lang ako kasi hindi mo na ako aawayin. At least kahit hindi mo pa ako sinasagot, friends na tayo…konti na lang . . .  baka sakaling sagutin mo na ako” nakayakap pa rin it okay Jihoo pero nakatingala it okay Jihoo habang nagsasalita. Nakangiti.

“Tumigil ka nga dyan. Teka, narinig mo ba yung kanta ko kanina” tanong ni Jihoo sa kanya, habang palabas na sila ng studio.

“Oo”

“Maganda ba? Nagustuhan mo? Maganda ba yung lyrics at melody? Hindi ko pa tapos yun eh” excited na tanong ni Jihoo.

“Ah eh….. narinig ko naman na kumakanta ka pero hindi nagregister eh, sa iyo lang kasi ang focus ko eh” nakangiting sagot ni Max.

“Bat ba naman kasi ikaw ang hinihingan ko ng opinyon” kunyaring inis na sabi ni Jihoo. Naupo ito sa couch. Akala ko ba naman narinig nya at naintindihan yung kanta, kung makatitig sa akin habang kumakanta parang ninanamnam yung kanta ko at gusto nya yung lyrics…sa mukha ko naman pala naktingin. Haisst! Pero bakit medyo kinikilig ako? Ibig sabihin nun nagwagwapuhan sya sa akin? Hahahah! Ako pa rin ang numero uno sa paningin nya!

“Gusto mo ng ice cream?” tanong ni Max kay Jihoo. Pero hindi na nito hinintay yung sagot ni Jihoo at pumunta na ito sa kitchen.

“Tingnan mo itong tao na ito, magtatanong tapos hindi naman inantay yung sinabi ko, adik lang!” bulong ni Jihoo sa sarili.

Pagdating ni Max, dala nito yung buong lalagyan ng ice cream(half gallon lang naman) na double dutch flavor, chips at cube cheese.

 “Ayaw mo naman kumain ng ice cream at buong lalagyan dinala mo?” nakatawang sabi ni Jihoo. Medyo kabisado ko na rin namam si Red. Kumakain ito ng ice cream pag magulo ang isip, at ewan ko ba bakit napakahilig nito sa keso, pati tuloy ako, nagaya na. Nagpapapak na rin ako ng keso J

“Paki mo ba? Angel kuha ka naman ng water or soda, tinatamad na ako bumalik dun eh” nginuso ko yung direksyon ng kusina. Aba! Tumayo naman si Jihoo. Kumuha nga ng soda. Ayos ha, mukhang bumabait na talaga. Sana lagi na lang sya ganito para masaya.

Lover's Lock [my red love affair]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon