#insider

20K 245 5
                                    

Sa loob ng halos 4 na oras na magkasama sila, naging maingay ang mundo ni Tad.

Nahawakan niya ang sentido habang nag d-drive pauwi.

Sinulyapan niya si Shawn.

Kanina lang halos pilipitin nito ang leeg niya habang pinapanood ang laban ng San Mig coffee mixers vs Petron Blaze.

"Hindi ka pa ba napagod sa kaka salita?" Yamot na sita niya.

"Sus, ang arte mo, ikaw nga kulang nalang tumili ka doon sa big dome."

Tad rolled his eyes.

"Tsaka halerr? Hindi ako komportableng manahimik kasama ka, baka mamaya reypin mo ko dito." Umayos si Shawn mula sa pagkaka-upo.

"Bat naman kita ire-rape?"

"Dahil manyak ka."

"Dahil maganda ako."

"Kung yun lang ang dahilan edi sana madami nakong ni rape. Madaming babae jan na mas maganda pa sayo."

"Whatever." Yun nalang ang nasabi niya.

A minute of silence.

Narinig niya ang pag tikhim ni Tad. "Shawn."

Napa kislot siya ng tawagin siya nito sa pangalan niya. "Y-yeah?"

Tad smirked. "Are you scared of me?"

"I don't know.. Yes? Maybe." Binaling niya ang tingin sa daan. "Ang totoo.. Nahihiya ako sayo."

"You don't have to, wala ka naman non." Pabirong sabi niya.

Tinignan siya ni Shawn. They both smiled.

"Are you kidding me?" Tanong ni Shawn.

"Yes."

"Well hindi ka marunong."

"I know." May ngiti parin sa mga labi ni Tad. "I'm that serious right?"

"Uhuh. Suplado."

"I know. I never been this close to a woman." Pag amin niya.

"Dahil may utang ako?" Joke niya.

"No. You're different." Nag tama ang mata nila. "You simply attract me. Effortlessly."

Parang nag fill in the blank ang pag hinga ni Shawn.

"Don't talk to me like that." Umiwas siya ng tingin.

"Why?"

"Why-wayin ko kaya muka mo? Landi mo."

Shawn was taken by surprised nang  bigla itong bumunghalit ng tawa.

Natawa rin siya the way she deliver those words.

"I'm sorry. Batang kalye kasi ako."

"Woah! Can't remember kung kelan ako huling tumawa ng ganun."

Nagkatinginan ulit sila.

Shawn feel comfortable now. At sa loob ng halos isang oras na byahe, nag laugh trip lang sila. As in tumawa at nan-trip ng kung anu-anong mga bagay na nakikita sa daan.

•••

"Happy birthday virgin, happy birthday virgin...."  Patuloy ang pag kanta ni Shawn habang hawak ang isang cake.

Napangiti si Zia. Niluwangan niya ang pinto para papasukin ito sa kwarto.

"Happy birthday virgin... Make a wish."

Pinunasan muna niya ang mga luha bago binlow ang cake. "Thank you."

Nilapag niya ang cake bago niyakap ang kaibigan. "Tahan na, ano kaba naman.. Walang poreber te. Birthday na birthday mo sarado yang mata mo."

Mugto ang mga mata ng kaibigan dahil sa stokwa nitong boyfriend na si Kane.

"Kasi naman eh.." Zia stomp her feet.

"Tumigil kana, sampalin ko spinal chord mo. Mag bihis kana. Gigimik tayo "

Tumango si Zia. "Ok." Kumalas siya sa pagkakayakap sa kaibigan at dumirecho sa CR. "30 mins." Pahabol pa nito.

"Gawin mo na kayang isang oras?"

"Che!"

•••


"Buti pa sumama ka nalang sakin sa trabaho." Suhestyon ni Shawn.

Tuloy-tuloy na inistraw ni Zia ang margarita. "Ayaw ko."

Napakamot siya. "Ewan ko ba naman sayo, pati si mudang mo day nag aalala sa pag kulong-kulong mo na yan."

Zia release a deep sigh.

"Sige na, kesa sa nag kukulong ka sa kwarto mo." Pilit niya.

"Dun nalang ako sa shop ni mama."

"Anu yon? Tapos mag b-bake ka nanaman ng dulok na cheese cake mo? Dahil ang utak mo ay nasa entrance ng shop? Hay tigilan mo ko. Walang poreber." Kanda high blood na sabi ni Shawn.

"Ou na!" Pag suko ni Zia.

"Susmaria. Edi pumayag ka din." Nakaramdam siya ng relief.

•••

lust me not!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon