#Di na virgin

11.2K 191 8
                                    

Naging magulo ang isip ni Shawn pagkatapos ng pag uusap nila ni Iza, Kaya imbes na umuwi ay dinala siya ng mga paa niya sa isang walking street. Gusto niyang mag isip-isip. Naguguluhan siya. Ramdam niya ang pag silip ng mga luha sa mata niya. At hindi niya alam kung para saan ang mga luhang iyon.

"Shawn!" tawag mula sa kung saan.

Napa kislot siya nang marinig ang pamilyar na tinig. Pumihit siya para tignan ito. It's Tad. Ilang hakbang ang layo nito mula sa kanya.

He smiled at him. Parang natunaw ang puso niya.

She bit her lower lip. That moment she admit to herself that she's really inlove with the man. And she's in pain right now. Seeing him.

Muling pumasok sa isip niya si Alyssa. Napa iling si Shawn bago tumalikod kay Tad at mabilis na lumakad palayo.

Narinig niya ang pag tawag ng lalaki pero hindi na niya nilingon pa ito. Kaylangan niyang iwasan ito. That's the right thing to do.

***

Naging tulala siya sa office. Nagawa niyang iwasan si Tad hanggang sa araw ng flight nito palipad ng Amsterdam. Aminado siya na ilang linggo din itong mawawala kaya medyo naka hinga siya ng maluwag. Naisip niyang mag resign, pero nanliliit siya everytime na ma aalala ang utang niya sa lalaki.

Nasabunutan niya ang sarili.

"Is you OK?" pa bobang tanong ni Didi nang mapansin siya.

"Oo." Sagot niya.

"Whe?"

"Pautang naman ng five million Did's. Bigay ko sayo virginity ko." Pabiro niya.

"Che! Wala kong datung te. Tsaka kahit meron di ko bet ang virginity mo. Hindi ito tatayo sayo oi."

"Alam ko, kaya nga sayo ko binibigay, alam ko naman na yang buhok mo lang sa baba ang tatayo pag nag bold ako sa harap mo."

"Yiii!!" Napa tili si Didi bago natigilan. "Ay? Virgin ka pa te?"

Tumango si Shawn.

"Yak! Bente siete na virgin pa? san ka galing te?" singhal ni Didi.

"Che! Kumpara naman sayo dalawang taon ka palang nakikipag sex kana!"

Inirapan siya ni Didi. "Isang taon kaya." Ismid ni Didi bago bumalik sa sariling cubicle.

***

Mabilis na lumipas ang mga linggo, hanggang sa naging mga buwan. Walang Tad na bumalik mula sa Amsterdam. She missed him, badly.

Hindi na rin siya kinontact pa ni Alyssa from the last time na nag usap sila. "Baka nagka balikan na sila." Hindi niya maiwasang maisaisip ang bagay na iyon.

Napa buntong hininga siya. Napa kislot siya nang biglang mag ring ang cellphone. Si Zia.

"Hello?"

"Hello? Don't forget this week end." Pa alala ni Zia.

"Yeah." Walang ganang sagot niya. May inihanda sila ni SL na maliit na engagement party sa isang resort sa north. Simpleng party lang iyon dahil nag decide ang dalawa na sa civil muna sila ikakasal.

"OK. I'll see you then, I miss you."

"I miss you too mars." Sagot niya bago putulin ang pag uusap nila ng kaibigan.

Maya-maya pa ay bigla ulit sumulpot si Didi. "Heto na po yung mga files na hinihingi ninyo madam." Maharot na litanya ni Didi.

"Salamat Edilberto." Tumayo siya at kinuha ang mga folder.

"Yiii!!" narinig niyang protesta ni Didi bago siya nag lakad papunta sa office ni Tad.

Pumasok siya sa pribadong opisina ng lalaki. Naiwan parin ang amoy ng pabango ni Tad sa office, bahagya niyang sinamyo iyon. Lumapit siya sa table nito at nilapag ang mga files.

"You're trying to avoid me right?"

"Ay kabayo!-" muntik na niyang mahagis ang mga folder.

Tinawid ni Tad ang pagitan nila.

Nanlaki ang mga mata ni Shawn. "Y-you're here??"

"Bakit mo ko' iniiwasan Shawn?" tanong ni Tad.

Nag baba siya ng tingin. Hindi siya maka hinga sa sobrang lapit ni Tad sakanya. Halos mag dikit na ang mga mukha nila. "I-I'm not." Kanda utal na sagot niya.

"Liar."

Umiwas siya para mag lakad palayo sa lalaki pero naharang siya ni Tad nang mahawakan na niya ang door knob.

Pinihit siya ng lalaki paharap. Ngayon wala na siyang kawala lalo pa nang itukod ni Tad ang dalawang kamay sa dahon ng pintuan.

"L-let me go." Nagsimulang maging erotiko ang tibok ng puso niya.

Alam niyang tinitignan siya ni Tad. Nanatili siyang naka yuko. Hindi niya kayang salubungin ang tingin nito.

"I missed you."

Lumundag ang puso niya sa sinabing iyon ng lalaki pero hindi siya kumibo.

"I said I Miss you, na miss mo ba ko'?" May pagka masungit a tanong nito.

Nanatili siyang walang kibo, pero ilang saglit pa ay marahan na napa tango siya. "Shet."

Kahit bahagya siyang naka yuko nagawang abutin ni Tad ang mga labi niya. Ilang saglit pa ay sakop na ng lalaki ang mga labi niya.

Nagsimulang mag tubig ang mga mata niya. She missed him so bad. Namalayan nalang ni Shawn ang sarili na tumutugon sa mga halik nito. Nagawa siyang hapitin ni Tad pero naputol ang halik nila nang tumunog ang cellphone ng lalaki.

"Sh*t!" bulalas ni Tad. Wala siyang nagawa kundi sagutin ang tawag nang itulak siya palayo ni Shawn.

Mabilis na pumihit si Shawn palayo. Nanginginig na lumakad siya papunta sa powder room.

"You're on big trouble Shawn..."

lust me not!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon