#the encounter

18K 242 4
                                    

Nag mamadaling naglakad sa hallway si Shawn. 30 mins late na sya.

"Good morning pretties." Bati niya.

Nanghaba ang leeg ni Didi sa pagsilip sakanya. "Mam nakipag sex ka nanaman kagabi no?"

"Oh ngayon?" Sakay niya sa biro nito. "Inggit ka nanaman."

Humaba ang ilalim na nguso ni Didi. "K." Pabirong sagot nito.

Nagsalubong ang kilay niya nang makita ang sariling table.

Bukod kasi sa small box of cookie, na malamang ay galing kay Zia. May isang tangkay doon ng red rose na galing kay SL. Kinuha niya ang note na nandoon.

"Shawn,

Dinner with Tad tonight?

PS

Galing sa hindi romantic na guy ang rose.

-James

Tumikwas ang kilay niya.

"Sus, ikaw pa talaga SL?"

Sinilip niya si Zia.

Nakangiting kinalabit niya ang kaibigan. "Thanks." Winagayway pa niya ang small box of cookie. Tinanguan lang siya ng kaibigan. Nang mag trabaho ito sa department nila, pinaulanan ni Zia ng pastries ang MIS department.

"San tayo sa lunch?" Tanong ni Zia.

"Gusto ko ng kimchi." Sagot ni Didi.

"Tumigil ka nga. Lumaki na ang tummy ko sa kaka kimchi mo." Reklamo ni Shawn.

"Aba congrats, susunod na lalaki na nyan ang boobs mo mag pray ka lang." Sabay tawa ni Didi.

Tinapunan muna ng tingin ni Shawn ang sariling dib-dib. "Bastos ka ah, ilagay mo nga ang muka mo dito." Tinapik-tapik muna ni Shawn ang sariling table.

"Bakit?" Tikwas ang kilay na tanong ni Didi.

"Sampal-sampalin lang kita gaga ka."

"Kaylangan naka suporta pa ang lamesa?"

"Anu ba awat na. Naman oh." Sabat ni Zia. "Jan nalang tayo sa baba para walang away."

"Good morning girls." SL was wearing a cute smile nang pumasok ito sa office.

"Good morning sir." Halos sabay na bati nang ibang nandoon.

Tinignan niya si Shawn. He gave her a question mark look. It's like asking "ano? Payag kana."

Tumikwas ang labi ni Shawn at nag kibit balikat.

Inginuso niya si Zia na agad nag lagay ng earphones.

SL gave him a wink.

Bumalik ang atensyon ni Shawn sa cubicle at sinimulan ang trabaho.

Hinila naman ni SL ang isang upuan at naki siksik sa cubicle ni Zia. "Hi baby." Tinukod pa nito ang siko sa lamesa at sinalo ang kanang pisngi.

Napangiti si Shawn nang marinig si SL. "Go for it Cookie boy." Suporta niya.

"Ano wala ka nanaman magawa? Umalis ka dyan, busy ako." Taboy niya bago tinodo ang volume ng music player.

"Sungit mo naman, kaya mahal na mahal mo ko eh."

Sinilip sila ni Shawn. "Kawawa ka naman lover boy."

"Ok lang, pogi naman ako diba?"

Saglit na tumirik ang mata ni Shawn. "Aah...huh." Komento niya na tila nag iisip.

"Didi pogi ako diba?" Tanong niya.

"Depende sir kung sasama ka sakin sa CR." Kinikilig na sagot nito.

"Landi mo, paki tawagan nga si RCM kung na receive nila yung fax." Utos ni Shawn.

"K fine." Sagot ni Didi bago nag dial ng numero sa phone.

"Hello, hello mam good morning." Boses ni Didi. "Pinapatanong po ng boss kong maliit ang boobs kung na receive nyo daw po yung 'fuck'."

Mabuti nalang at close talaga ni Didi ang mga accounts nila at kaya nitong makipag usap ng bastusan sa mga ito.

Narinig niya ang maharot na pag tawa nito bago niya binaba ang phone at nag thumbs up sakanya.

Napa iling si SL at Shawn.

Napapakamot na nilapitan siya ni SL.

"Walang chance?"

"Sungit eh." Teary eyed na sagot ni SL.

"Buti pa libre mo nalang ako ng lunch, may chika ako sayo." Kinindatan niya si SL.

Napatango ito. "Kinda tips huh. I like that."

Nginitian pa siya ni SL bago ito pa sipul-sipol na lumabas ng department nila.

lust me not!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon