#Epilogue

14.1K 179 36
                                    

AFTER 2 YEARS

Malakas ang buhos ng ulan. Napa mura si Shawn nang maramdaman ang pag bigay ng gulong ng sasakyan niya. Naisipan niyang dumaan sa hindi ma taong lugar para narin makaiwas sa traffic. Napa iling siya. Hindi naman siya marunong mag palit ng gulong kahit na may reserba siya. Nag dial nalang siya ng numero at nag pasyang ipa tow nalang ang kotse. Matapos masabi ang kalye na kinaroroonan niya ay ibinaba na niya ang cellphone.

Inikot niya ang paningin sa daan. Madilim na rin noon kaya walang masyadong tao. Naka kita siya ng isang coffee shop, matapos ang ilang minuto ay nag desisyon siya na bumaba. Patakbong tinawid niya ang daan patungo sa shop at pumasok.

Malamig ang buong shop at walang customer. Ang style ng shop ay parang mga tipikal na kapihan sa France, but the place was dull, parang napaka lungkot. Marketing wise, ay parang mali ang pinili ng my ari ng lugar para pag puwestuhan ng isang coffee shop.

Lumapit siya sa counter at nag simulang pumili ng ma oorder.

"Ah, excuse me?" tawag niya sa lalaking kanina pa nag pupunas ng kung anu-ano sa may coffee brewer. Hinarap siya ng lalaki.

"Good evening." Anito sa malamig na tinig. Hindi man lang ito ngumiti.

"Can I have a Latte and a slice of moose cake please?"

"Ok, paki hintay nalang."

"Sungit."

Naupo siya at nag hintay. Maya-maya pa ay dumating ang lalaki bitbit ang order niya. "Thank you."

Kasunod na nilapag ng lalaki ang isang puting hand towel. "You're wet." Pinasadahan pa siya nito ng tingin. "Dry yourself."

"T-thanks." Inabot niya ang towel at sinimulang punasan ang saili.

Ang lalaki naman ay bumalik sa counter at muli nanamang nag kuskos.

"Excuse me." Muling tawag niya sa lalaki sa kalagitnaan ng pag kain niya.

"Yes?" mabilis naman na nilapitan siya ng lalaki.

"Can I talk to your chef okaya sa may ari ng shop?"

Nagsalubong ang kilay ng lalaki. "Bakit po?"

"The coffee and the cake is good, I'll just asked her a couple of question?"

Saglit na nag isip ang crew. "For a while." Malamig parin ang boses ng lalaki.

Pagkatapos ng ilang segundo ay bumalik ang crew na may bitbit na isang tasa ng kape. Hinila nito ang isang silya at naupo sa harap niya.

Parang tinambol ang puso niya nang titigan siya ng lalaki. Ni hindi siya nakapag salita.

Nilahad ng lalaki ang kaliwang kamay . "Chef Yohan."




****

Sino si Chef YOHAN? Ehem, siya yung bida dun sa one shot na ginawa ko yung bitter cake, if you want to meet him, paki basa nalang maikli lang naman po yun, one page?. Anyways dito na po mag sisimula ang book 3 ng make me yours (heart's pleasure) na pangalawang book naman sa kwento ni SHAWN. Kapit lang guys. Muli, maraming salamat po -alexis

lust me not!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon