Hit-hit, buga,
Papalitpalit, paulit-ulit,
PabalikbalikHindi pa ba sapat ang larawan sa kaha para tumigil ka,
Ano pa bang larawan ang kailangan para malinawan,
Na masama sa kalusugan ang bisyong iyong binabalikbalikanParang sigarilyo akoy nauubos ng nauubos
Paliit ng paliit hangang maipon ang mga upos
Ngunit bumabalik, akoy nabubuo ulitAlam kong nakakasama pero patuloy at tuloy-tuloy akong nasa relasyon,
Na parang sigarilyo, nauupos, nauubos,
ngunit marami pang kaha, hindi ititigil hanggat meron paNgunit paano pag wala na?
Paano kung piliin kong maging upos nalang at hindi na bumalik sa umpisa?Hit-hit, buga!
Paulit-ulit, papalit-palit,
Alam nating mali ngunit bakit kumakapit parin,
Hindi bat masakit na paulit ulit kang ubusin
At upusin sa mga kasalanang pabalik balik.Hit-hit, buga!
Itoy huli na, Nakailang kaha kana ba?
Itoy tapos na, dahil ayoko na.