Kaibigan, kaibigan, kaibigan
Kung paano kita tingnan ay di ko na alamDahil nang minsang ako'y napatingin ay biglang nag-iba ang ihip ng hangin,
Bumagal ang paligid at tila boses mo lang ang aking naririnigNakakapagtaka, bakit sayo pa?
Sinubukan kong ikumpirma ang kahibangang aking naramdamanNgunit hindi ko na alam dahil nang minsang ika'y nakita ay bigla akong nawala, nawala, nawala sa sarili kong bait ng hindi ko namamalayan
Paano na nga ba kita tingnan?
Paano kita matitingnan kung ako ay kaibigan mo lang?Tayo ay nagtatawanan, nagkukulitan at minsa'y nagkikwentohan, ako ay nagulat ng bigla mo syang nabanggit
Ipinakita ang larawan ng isang babae na mukhang intelehente at magara pa ang damit, sa isang tingin ako'y agad na nangliit
At iyong nabanggit na sya ang babaeng matagal mo nang hinihiling,
Ako ay napatingin sa iyong mga ngiti parang ang dibdib koy sasabog sa bilisAlam kong bagay kayo pero mas bagay tayo dahil ang puso koy walang ibang laman, at di man ako kasing ganda nya ako naman ang sa iyo'y umiibig ng tunay
Bagay nga kayo pero mas bagay tayo dahil ng minsang ika'y nalulugmok pangalan ko ang sinasambit
Oo, bagay kayo pero mas bagay tayo dahil alam kong ako'y gusto mo rin ngunit di mo lang maamin.