Paglaya

36 0 0
                                    


Pakiusap, palayain mo na ako
Sa mga walang tulog na gabi
Sa mga sandaling kilig
Sa mga pangarap na mali

Palayain mo na ako...
Sa panahong ikaw lang ang nais makatabi
Sa mga alaalang ikaw at ako bawat sandali
Parang awa mo na, palayain mo na ako

Palayain sa gabi gabing pag iyak
Sa mga araw na di makangiti
Sa bagay na tayo lang ang nakakaintindi
Palayain mo naman ako

Palayain sa tawanang sayo lang naranasan
Sa lahat ng kwentuhang ikaw at ako lang ang nakakaalam
Palayain mo naman ako, sa pagiging malungkot, mapagpanggap, mahina at makasarili

At patawarin mo sana ako sa mga desisyong hindi ko ginusto
Sa biglaang pagkawala na hindi naman husto
Patawad dahil gusto kong maging malaya sa lungkot
Ayaw kong ikaw ay mayamot pero kilangan kong lumayo't makalimot.

Patawarin mo ako sa kagustuhang lumaya sa pait
Dahil mahal, sobra na itong masakit
Bitawan na natin ang alaala ng isat isa
Hayaan na nating matuyo ang mga luha sa punda
Malaya kana..

POETRYWhere stories live. Discover now