Ang unang pagtigil ng mundo

131 3 0
                                    

Sa paglaki ko ay aking inaabangan
Kung paano ko mararamdaman ang sinasabi nilang tunay na pagmamahal

Hindi nagtagal ay bigla kong naramdaman ang unang pagtigil ng mundo kung saan biglang naghawak ang aming mga kamay,

Ang mata kong nakatingin sa sahig ay biglang napaangat at sa mga mata nya'y napatingin, napatitig at kasabay nito ang pagtigil ng mundo

Na parang bigla nalang nagsitigil ang lahat at ang dating napakahinang tibok ng puso ko lamang ang aking naririnig

At bigla nalang naging kanyang bukambibig ang salitang "mahal kita" at kanya muling inulit "hindi mo ba ako narinig? Mahal kita"

Hindi ko alam ang aking pakiramdam ngunit ang dibdib ko'y parang sasabog sa bilis

"Mahal kita" palagi nyang bukambibig at lumipas pa ang ilang taon, buwan, araw, oras, minuto, segundo

Naglalakad kami sa lugar kung saan unang tumigil ang aking mundo
Magkahawak ang aming mga kamay ngunit ilang sandali lang ay bigla siyang napatigil

Nakatingin ako sakanya ngunit sya ay nakatingin sa ibaba, dahan dahan niyang tinatanggal ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya

At pakiramdam ko'y ito na siguro ang huling pagtigil ng aking mundo,
Kasabay nito ang mga katagang "Mahal kita ngunit ayaw ko na"

Nakatambad sa harapan ko ang kanyang mukha na animo'y nagmamakaawa habang naguunahan sa pagpatak ang luha sa kanyang mga mata

Sa sandaling iyo'y wala akong magawa kundi ang panoorin ang dahan dahan niyang pagalis sa aking harapan

Kagaya ng dati ay aking naramdaman ang pagtigil ng mundo ngunit sa pagkakataong ito'y parang pinupunit ang puso ko sa sakit at walang humpay ang pagtulo ng luha ko sa sahig

At sana iyon na ang huling pagtigil ng mundo...

POETRYWhere stories live. Discover now