Takot ako sa dilim pero hindi ako duwag
Kinikilabutan ako sa alulong ng aso sa gitna ng gabi pero hindi ako duwag
Napapatili ako sa horror movies pero masasabi mo ba na duwag ako?Hindi ako duwag kasi kaya kong kalabanin ang tadhana mapasakin ka lang
Hindi ako duwag dahil kaya kong tumakbo sa dilim mag-isa mapuntahan ka lang
At lalong hindi ako duwag dahil minamahal parin kita kahit matagal kanang bumitawMasasabi mo bang duwag ako kung kaya kitang ipaglaban sa lahat ng tao?
Duwag na ba ako kung hindi ko kayang mawala sakin ang mahal ko?
Sabihin mo nga, duwag ba ako kapag pinaubaya ko sa iba ang kaligayahan ko?Hindi ako duwag pero kahit anong tapang ko iniiwan padin ako
Hindi ako duwag pero hindi ko alam kung ano pang laban ang gusto mong mapanalo ko para paniwalaan mo
Hindi ako duwag pero nasasaktan ako kapag naaalala ko na naging matapang ako para sayo.Hindi ako duwag pero sa totoo lang hindi ko na maalala kung kailan ako naging matapang..
Hindi ako duwag pero tumutulo ang luha ko pag naiisip ko na wala kana sakin
Sa totoo lang, hindi naman talaga ako duwag natatakot lang ako na mawala ka.
Hindi ako duwag pero takot akong mag isa.
![](https://img.wattpad.com/cover/115349015-288-k494890.jpg)