BULA

36 0 0
                                    

Alaala ng yung mukha ang sa pang araw araw koy tumatambad
Sana pag gising ko bukas ikaw dito ay mapadpad

Ang hirap bumalik sa dating saya
Kaya mas pinili ko nalang maging mag isa
Malayo sayo, malayo sa mundo mo
Naisip ko kasi na baka pag mas malayo ako sayo mas maging masaya tayo

Kaya parang bula bigla akong naglaho
Walang pasabi, walang paalam, walang kahit ano
Masakit din palang mang iwan ng walang paalam
Masakit din palang makasakit ng taong dati mong pinahahalagahan

Kahit gusto kong siguraduhin na magiging masaya ka, hindi na kita pwedeng balikan pa
Wala na akong karapatang magparamdam dahil ako ang nang iwan

Patas ang pag ibig...
Hindi lang lahat ng naiiwan ang nasasaktan
Hindi lang lahat ng naiwan ang umiiyak
Hindi lang lahat ng nang iwan ang naging gago

Pare-pareho lang lahat ng nagmamahal
Nakasakit ka man o ikaw ang sinaktan

POETRYWhere stories live. Discover now