TUMAWID AKO

66 0 0
                                    

Nasa isang malawak na daan ako kasama ng maraming tao
Sa daang ito maraming malalaking sasakyan ang nasa harap ko
May mga guhit na puti ang daan ngunit malabo na ito dahil sa madalas na pag ulan

Sa kabilang dulo tanaw ko ang tatlong kulay, Pula, kahel at berde
Pula, hudyat na tumigil ka...
Tumigil ka sa pagtawid dahil siguradong masasagasaan ka
Kahel, maghanda kang tumawid..
Maghanda ka dahil baka ito na ang hudyat
Berde, hudyat na tumawid ka..

Kailangan ko ba talagang tumawaid?
Pupunta ba ako sa kabilang dulo?
Bakit kailangan kong pumunta sa kabilang dulo?
Tanong ko sa sarili ko habang tinititigan ang natatanaw kung numero mula sa kabilang dulo
3,2,1 at bigla akong naiwan

Sasabay ba ako sa maraming taong yan?
Ano bang meron sa dulo diyan?
Pula ang ilaw, hudyat na tumigil ka..
Hindi ako gumalaw at nagtatakang inaaninag kung bakit ba ako pupunta sa kabilang dulong yan
Dumami ulit ang tao ngunit nandito padin ako

Mula sa kabilang dulo ay tinawag mo ang pangalan ko.
Bigla akong naging listo at naalala ko ang sinabi mo
"Kapag kaibigan dapat kaibigan lang. Walang lalampas sa guhit. Walang tatawid sa linya"

POETRYWhere stories live. Discover now