Hindi ko malaman kung kailan kita nagustohan.
Nagsimula ba ito nung akoy iyong nginitian?
O nung hinawakan ko ang iyong mga kamay
Hindi ko na rin malaman kung ano bang aking nagustohan
Yung ugali mo ba na ako lang ang nakakaalam?
O yung pagkatao mong palaging ibinubunyag ng yung mga galaw?
Hanggang kailan kaya ako magiging ganto sayo?
Nakatingin sa kawalan at inaalala ang bawat sulok ng muka mo?
Kailan kaya?Sana maging mabilis lamang ang pagikot ng mundo para sa susunod na umikot ito ay ako naman ang gustohin mo
At hanggang ngayon hindi ko parin alam kung san ako mapapadpad dala dala ang damdaming ito na hindi ko maipahayag.
Oo hanggang sa ngayon, bukas, sa isang araw o mga susunod pa hindi ko alam kung kailan...
Hindi ko alam kung mangyayari pa ba
Makakalimutan pa kaya kita?
SANA MAKALIMUTAN NA KITA
