Nang minsang nakita ko ang isang dating kakilala ay nagkunwari akong walang naaalala
Nagsimula sa kamustahan na para bang walang natatandaan sa nakaraan pero parang ako lang yata ang nakaalala ng nakaraan
Yung nakaraan na isinusulat ko pa sa isang intermediate pad ang buong pangalan niya kasunod ang hugis ng puso gamit ang tintang pula
Ako lang yata ang nakakatanda na minsa'y ako'y nagaalangang dumaan sa harap ng silid nila para sya'y makita bago tumunog ang bell na hudyat na ang klase ay magsisimula na
Mukhang ako nga lang ang nakakatanda na minsan ay nagkasabay kami sa paglalakad sa maliit na kalye papuntang iskwelahan
Sa hindi inaasahang araw ay muli kaming nagtagpo at inilahad nya sakin lahat ng kanyang nararamdaman para sakin na ngayo'y bago lamang sakanyang paningin
Ngunit ilang beses ko ding pinagisipan, ako nga ba ay may nararamdaman sa dating kababatang ako'y di na natatandaan?
Kung naging matapang lang sana ako na sabihin sakanya ang nakaraang ako lang ang nakakaalam hindi siguro ako mahihirapan na bumitaw
Binitawan ko na pala lahat ng aking nararamdaman sa nakaraan, ngayon ko lang nalaman na ako pala ang unang nakalimot sa nakaraan
Walang kinahinatnan ang kanyang pagmamahal sa isang babaeng nabubuhay sa kaligayahan ng nakaraan
Kung may mga bagay ako na gustong kalimutan yun ay ang NAKARAAN, baka sakaling piliin ko sya kung wala din akong alam sa aming nakaraan