Kabanata 31
Tinitigan ko ang mukha ng unggoy na prinsipe at seryoso talaga siya sa kaniyang tanong.
May gusto ba ako kay Adam?
Hmm sa tingin ko naman ay wala. Magaan lang talaga ang loob ko sa kaniya saka ang guwapo niya e, medyo crush ko lang siya at hanggang doon na lang 'yon dahil alam ko naman kung sino ang pangalan na sinisigaw ng puso ko.
At itong hambog, pangit, maharot at unggoy na prinsipe iyon.
Sobrang bitter ko naman. Ayos lang, hindi naman ako umaasa na mac-crushback niya ako. Masyadong dyosa si Selena saka may Amelia pa.
Lintik na anong panama ko sa dalawang iyon? Baka pag nagbitaw ng sumpa itong si Amelia ay mamatay na ako.
"Ang tagal mo namang sumagot. Kay simple lang naman ng aking katanungan."
Nabalik ako sa wisyo nang marinig ang tila inis na namang boses ng prinsipe.
Umirap pa muna ako bago nagsalita.
"Wala naman akong gusto kay Adam."
Tumaas ang isang kilay niya. "Labas sa ilong ang iyong lintanya."
Ngumuso ako. Grabe talaga siya.
"Tunay nga! Wala akong gusto sa kaniya."
Lumabas ang imahe ni Adam na pinapasadahan ang may kahabaang buhok. Pinamulahan ako ng mukha. Nakagat ko ang pang-ibabang labi.
"Sandali." Napatingin ako sa prinsipe nang bumaba ng husto ang mukha niya sa akin. "Batid kong may kakaiba kang nararamdaman ngayon, namumula ang iyong mukha." Tinuro niya pa talaga iyon.
Inis ko namang hinawi ang kamay niya. Nanlaki ang mga mata niya at handa na naman akong sabihan ng mga katagang isa akong lapastangan para hawiin ang kamay niya pero naunahan ko na siya.
"Wala akong gusto sa kaniya, okay? Medyo crush ko siya kasi hindi naman maitatangii na guwapo si Adam." Tumango-tango pa ako.
Kumunot ang noo ng prinsipe at nang makitang magsasalita na naman siya ay tumalikod na ako.
As usual, humabol ang hambog. Syempre hindi niya hahayaang putulin ko ang pagsasalita niya.
"Hindi ba't sinabi ko na sa iyo na dapat na patapusin sa pagsasalita ang iyong Mahal na prinsipe?" May bahid iyon ng inis habang nakasunod siya, nagulat pa nga ako na nasa tabi ko na siya.
Umirap ako at bahagyang humikab. "Hindi ba't sinabi ko na sa 'yo na wala akong pakialam at hindi kita mahal kaya prinsipe lang ang itatawag ko!"
"Lumalayo ka na naman sa ating paksa."
Ginagaya-gaya ko siya at tinatarayan. Medyo hindi pa rin kasi ako makabawi sa mga nalaman ko ngayong gabi at isa pa gutom na rin ako.
"Sinabi ko na sa iyo na iyon ang sadyang katawagan sa akin!"
Napatigil ako sa paglalakad at nilingon siya. Ngumuso ako nang makitang nanlilisik ang mga mata niya sa akin.
"Nakilala mo lang si Adam ay naging mapagmataas ka na."
Nasamid ako. "Grabe ka naman sa mapagmataas."
"Oh bakit, hindi ba?"
"Hindi!"
"Pinagtataasan mo na naman ako ng iyong boses!"
"Ano naman? Pagod na pagod na ako sa 'yo!" Sigaw ko pabalik at akma na namang tatalikod nang hilahin niya ako pabalik. "Ano na naman ba?!"
"Ano ang iyong sinabi?" Napamaang ako nang makitang namumungay ang mga mata niya. Hindi rin mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. "Ulitin mo."
BINABASA MO ANG
Almerie At Ang Mahiwagang Libro (COMPLETED)
FantasyIsang babaeng walang ginawa kung hindi ang magbasa nang magbasa. Sabi nila ang pagbabasa ay isang mabuting gawain. Pero sa sitwasyon niya, isang dalagang...hmm? Dalaga siya, hindi lang halata. Isang dalagang sobrang hilig ang pagbabasa ng love stor...