Kabanata 1

958 18 0
                                    

"Wooooy! Gumising ka na!!"

Umikot ako at nagtalukbong ng kumot.

" Wuhoooo! Gising na riyan! May pasok ka pa!!!"

Tinakpan ko ang tainga ko at nagpatuloy sa pagtulog.

" Isa! Pag ito nakaabot sa lima! Humanda ka sa'kin!" Sigaw na naman ng kung sino.

Istorbo naman! Pucha!

"Isa!!!"

Kahit magbilang ka riyan!

"Dalawa!!!"

Sige lang, ituloy mo lang.

"Tatlo!!!"

" Ano ba! Bumangon ka na riyan! Hindi ako makapasok diyan sa loob at nakalock ito!"

Sinabi ko bang pumasok ka?

"Apat! Pag ito talaga umabot sa lima! Makakatikim ka sa'kin!" Ramdam ko ang pangigigil niya.

Hmm, ng ano? Cake?

"Anong problema?" Panibagong boses ang narinig ko.

"Ginigising ko 'yang pamangkin mo! Susmaryosep! Ang hirap gisingin! Kanina pa ako rito!'

"Ayaw magising?" Sandaling tumahimik.
"Buksan mo kaya 'yang pinto?"

"Nakalock nga! Hindi makaintindi?"

Natawa ako ngunit nanatiling nakahiga.

"Ano ba namang bata 'yan!"

"Dali na! At baka malate iyon."

Dahan-dahan akong tumayo. Nakakainis naman. Sinipat ko ang oras sa'king cellphone na de keypad pa.

Jusme! Napaglumaan ng panahon ang Lola niyo!

7:12AM..

Aga-aga pa pala. Kung makagising itong mga 'to. Grabe! Napailing na lang ako at mabilis na niligpit ang hinigaan. Lumapit ako sa may pintuan.

"Isa.." rinig kong bulong nila.

Nagbibilang na naman?

"Dalawa..."

Ano bang ginagawa nila?

"Tatlo!!!" Napailing na lang ako at agad na pinihit ang doorknob. Nanlaki ang aking mga mata nang saktong pagbukas ko ay siyang pagsalubong sa'kin ng dalawang tao.

Punyeta! Takboooo!

"Aray!" Reklamo ng isa.

Huli naaaa! Huhuhuhu!

Tinangka lang naman nilang buksan ang pinto ng kuwarto ko sa pamamagitan ng kanilang katawan. Kaya naman pagbukas ko ay s'yang salubong nila sa'kin. Ending-- ayan pare-parehas kaming nakahalik sa sahig.

"Anong? Ang sakit ng puwet ko! Tumayo nga kayo!"

Dahan dahan pa silang tumayo dala ng sakit na ininda. Tamad akong nahiga dahil sa likod kong tumama lang naman sa kanto ng lamesa. Hindi masakit!

" Oh ano pang ginagawa mo?" Tanong ni Tita Altheena.

"Tumayo ka na riyan--aray!" Sigaw ni Tito Jerry nang hawakan niya ang balakang.

"Tumayo ka na riyan!" Utos ni Tita.

Tamad akong tumayo habang hawak hawak ang likod ko. Agad akong inakbayan ni Tito kaya napangiwi ako.

"Anyare sa mukha mo?" Natatawang tanong niya.

"Akbayan ko kaya 'yang balakang mo, Tito?" Inis kong tanong. Natawa siya.

Almerie At Ang Mahiwagang Libro (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon