Kabanata 36
Pinanood ko ang itsura niyang sumama nang sambitin ko 'yon. Napahawak na naman ako sa aking dibdib.
Grabe talaga 'tong matandang 'to. Tinatanong ko lang naman kung paano siya nakapasok dito aba at parang galit pa.
Humarap siya ng ayos sa akin at tiningnan pa ang paligid bago bumuntong hininga.
"Hindi kita kilala."
Nalaglag ang panga ko. Natulala ako sa kaniya. Hindi man lang nagbago ang itsura niya at parang inis pa rin na nakatingin sa akin.
"Wag ka ngang tokis, Lola! Ako 'to. Si Almerie." Bahagya ko pang hinampas ang likod niya.
Napasigaw ako nang kuhanin niya iyon at pilipitin. "A-Aray! Lolang matangos ang ilong, ang sakit!"
"Isa itong kapangahasan!" At mas pinilipit niya pa.
Hinawakan ko ang kamay niyang pumipilipit sa kamay ko at diniinan ang hawak doon. Siya naman ang napasigaw kaya nahila ko ng maayos ang kamay ko.
"A-Aray ko, Hija.."
Nginiwian ko siya at binitawan ang kamay. Agad na sumama ang tingin niya sa akin. Pasalamat ka at matanda ka sa akin.
"Bakit mo ginawa iyon?" Malamig ang boses na tanong niya.
Ngumuso ako. "Ikaw ang nauna."
"Ngunit hinampas mo ako sa likod."
"Mahina lang naman iyon."
Pagalit siyang umiwas ng tingin sa akin at inayos ang basket niya. Tinitigan ko naman siya habang ginagawa iyon. Hindi niya ako maloloko, siya talaga si Lolang matangos ang ilong. Sa tindig niya palang, saka sa hugis ng mukha niya na tila mahihiya ang oblong magpakita. At isa pa sa kaniyang ilong na sobrang tangos.
"Huwag mo akong titigan."
Napaiwas agad ako ng tingin matapos niya iyong sambitin.
"Ako kasi ito si Almerie, Lola." Pagod na sambit ko.
Bumuntong hininga siya at tiningnan ako. Sandali niyang sinuri ang katawan ko. "Alam ko."
Nanlaki ang mga mata ko. "Alam mo? Na ako si Almerie? Na magkakilala tayo?"
"Oo." Balewalang sagot niya na parang normal lang ang lahat.
"Eh bakit mo sinabi 'yon?! Tapos pinilipit mo pa ang kamay ko!"
"Huwag kang maingay." Tumingin siya sa paligid at inis na tumingin sa akin. "Halika sa bahay."
"A-Anong gagawin natin doon?" Napaatras ako.
Inis siyang nagbuga ng hangin. "Hindi ko masisisi ang Mahal na Prinsipe kung bakit siya naiinis sa iyo. Sobrang tigas ng ulo mo."
Napalabi ako. "Basta mo na lang ako niyaya sa bahay niyo e, baka mamaya patayin mo ako."
May sinabi siya na hindi ko naintindihan kaya lumapit ako. "Ano 'yon?"
"Wala. Halika na sa bahay at maraming nagmamasid sa atin."
Nangilabot ako sa sinabi niya samahan pa ng malamig niyang boses. Mabilis akong nakakapit sa maliit niyang braso at sumama na sa kaniya.
Tahimik kaming naglalakad papasok ng gubat. Ang dilim sa loob pero parang hindi niya naman iyon pinapansin, dire-diretso kasi ang paglalakad niya. Syempre ako na matatakutin sa ganitong madilim ay parang tukong nakadikit kay Lolang matangos ang ilong.
"Lola.."
"Ano?"
"Sino ba ang mga nagmamasid sa atin?"
BINABASA MO ANG
Almerie At Ang Mahiwagang Libro (COMPLETED)
FantasyIsang babaeng walang ginawa kung hindi ang magbasa nang magbasa. Sabi nila ang pagbabasa ay isang mabuting gawain. Pero sa sitwasyon niya, isang dalagang...hmm? Dalaga siya, hindi lang halata. Isang dalagang sobrang hilig ang pagbabasa ng love stor...