Kabanata 39
"Ayos ka lang ba? Mukhang malalim ang iniisip mo."
Gulat pa akong napalingon kay Adam na kasama ko nga pala ngayong gabi. Sinabi niya sa akin na tuwing gabi ko na lang siya bisitahin at hindi raw siya komportable na sa umaga gayong kakaiba ang itsura. Noong una hindi ako pumayag pero dahil pakiusap niya pumayag na lang din ako.
Tumalikod siya sa akin at inayos ang mga kahoy upang mapanatili ang apoy. Narito kasi kami sa gubat. Matapos ang pag-uusap namin ni Chia ay ipinatawag na siya ni Selena, ang galing nga dahil nagagawa niya ring kausapin siya gamit ang isip. Nakiusap siya sa aking h'wag na h'wag kong sasabihin kahit kanino ang hinala niya. Hahanap daw siya ng tyempo para sabihin iyon sa prinsipe kaya sumang-ayon na lang din ako.
Speaking of that jerk! Ano na na? Hindi na talaga siya uuwi? Halos apat na araw na ah? Buwisit na 'yan daig ko pa ang may asawang militar.
Napatigil ako at kinaltukan ang sarili. Ni hindi nga ako gusto ng lalaking iyon, pangangarapin ko pa talagang mag-asawa kami. Kung may puwede mang maging asawa niya, 'yon ay si Selena.
Ngunit, paano kung..si Selena si Amelia? Kaya niya bang patayin ang babae?
Napanguso ako nang maintindihan na siya ang unang pag-ibig ng prinsipe tapos siya pa ang bagong mahal ngayon sa ibang katauhan! Aba at galing galing naman talaga nilang dalawa. Edi sana lahat.
"Sa tingin ko ay ang Mahal na Prinsipe ang iniisip mo."
Nagulat akong muli nang magsalita si Adam sa tabi ko. Tiningnan ko siya at bahagyang nginitian.
"Pasensya na. May iniisip lang."
"Hindi pa bumabalik ang Mahal na Prinsipe at Mahal na Hari, hindi ba?"
"Hindi pa nga. Apat na araw na."
"Madugong pagsasanay ang kinahaharap niya ngayon lalo pa at ang Mahal na Hari ang nagsasanay sa kaniya. Tiyak na uuwi siya rito na maraming galos."
"Bakit?" Nag-alala na naman ako bigla.
"Ganoon talaga. Lalo na at nabigla ang Mahal na Hari sa ibinalita ng Mahal na Prinsipe. Muli niyang ipinatawag si ina noong gabi."
"Talaga?" Tulog na siguro ako noon kaya wala akong kamuwang-muwang sa nangyayari. "Sa tingin mo, malapit nang maganap iyon?"
Sandali siyang lumingon sa akin bago bumuntong hininga. "Sa tingin ko, bago matapos ang buwan na ito."
Ano na bang buwan ngayon? Parehas lang kaya sa amin?
"Ano bang buwan ngayon?" Nahihiyang tanong ko.
"Nobyembre ngayon, Almerie." Nangingiting tanong niya na ikinagulat ko.
Teka lang nga. Hulyo noong makapasok ako rito, tanda ko 'yon kasi syempre nakapasok pa ako sa school nang nakalabas ako rito. Sinulat ko pa ang date sa papel ko. Saka nagsisimula palang ang school year namin kaya Hulyo talaga iyon. Isang buwan na rin kasi.
Tapos Nobyembre na ngayon dito?
Ibig sabihin bermonths na? Kumakanta na yata si Jose Marie Chan sa mundo namin! Malapit na magpasko roon tapos dito, pinaghahandaan ang madugong propesiya!
Puwede bang umalis na lang ako? Ayoko nang panoorin ang mangyayari huhu. Kakatakot.
"Ayos ka lang? Tila gulat na gulat ka."
Lumingon ako kay Adam na tumayo at inayos na naman ang apoy. Napatingin ako sa bandang pang-upo niya at bigla akong natigilan.
D-Diba dalawang beses ko 'yong hinampas noong nasa anyo siya ng baboy damo?
BINABASA MO ANG
Almerie At Ang Mahiwagang Libro (COMPLETED)
FantasyIsang babaeng walang ginawa kung hindi ang magbasa nang magbasa. Sabi nila ang pagbabasa ay isang mabuting gawain. Pero sa sitwasyon niya, isang dalagang...hmm? Dalaga siya, hindi lang halata. Isang dalagang sobrang hilig ang pagbabasa ng love stor...