Hi guys. Ito ay year 2019 ko pa sinulat. In-unpublished ko lang dahil medyo nablangko ako rito mwehehe. So ngayon ay under revision na rin siya at ipagpapatuloy ko na. May mga scenes na nadagdag. Thank you!
ALMERIE'S POV
"Late ka na." paunang sambit ng guro naming si Sir Labsuck.
Astig ng apelyido!
Napangiti ako. "Alam ko na bago niyo pa malaman, Sir."
Sumama ang tingin niya sa'kin saka huminga ng malalim. "And why are you late, Ms. Junggo?"
Umalingawngaw ang tawanan ng buong klase pagkabanggit ni Sir ng surname ko. Napangiwi na lang ako.
"Hinarangan po kasi kami ng grupo nila Hannah."
Tumaas ang kilay niya sa sagot ko.
"Do you think, I will believe your stupid reason?"
"Sir, maniwala ka man o hindi. 'Yon po ang totoo." Balewalang sambit ko.
Inilapag niya ang kanyang hawak na pen at tumitig sa'kin.
Hayan na.
"May nakakita ba sa inyo?"
"Bakit po?"
"Kung may nakakita sa inyo. Iharap mo siya sa'kin ngayon para paniwalaan kita."
"Eh Si--"
Napalingon ang lahat sa may pintuan nang biglang pumasok ang balahura kong kaibigan. Si Lucia.
Sa kanya nabaling ang atensyon ni Sir Labsuck. "You. Why are you, late Ms. Javier?" Mariing tanong ni Sir.
Tumingin pa muna sa'kin si Lucia. "Sir, gaya nga ho ng sinabi ni Almerie hinarangan po kami ng grupo nila Hannah."
"Is that true?"
"Oho naman Sir! Alangan naman magsinungaling kami?" Matama siyang tiningnan ni Sir.
"Hindi na bago sa'kin 'yon, Lucia."
"Sir naman."
"Sige. Kindly tell us."
" 'Yong nangyari, Sir?" Takang tanong ni Lucia. Napasampal na lang ako sa noo.
Ay baka hindi.
"Of course!" Galit na sigaw ni Sir kay Lucia.
"Sorry naman, Sir. Eto na nga po." Sabi niya at huminga ng malalim. Lumapit pa siya kay Sir kaya naman lumayo ako.
Mabuti na 'yong handa!
" 'Yon nga po. Papunta na po kami rito ng biglang harangin po kami ng grupo nila Hannah. Sari-sari po ang mga sinabi samin. Eh syempre, hindi kami magpapatalo kaya ayon! Nakipagsagutan din ho kami. Then biglang dumating sila Lance po. Sye--"
"Enough! Enough!" Tarantang sigaw ni Sir habang nakataas ang kamay.
Napatigil naman sa pagsasalita at pag action si Lucia at nagtatakang tiningnan si Sir na halos hindi na makahinga.
Nilibot ko ang tingin sa buong klase. Nagsipag atrasan sila habang mga nakahawak sa ilong.
Hanep! Kumalat na ang virus ni Lucia!
"Tama na! Ayos na!" Sigaw na naman ni Sir.
Natawa ako. Sa sobrang lapit ba naman ni Lucia kay Sir at ang laki laki pa ng pagkakabukas ng kanyang bibig sa bawat magsasalita siya. Talagang kawawa ang aming guro.
BINABASA MO ANG
Almerie At Ang Mahiwagang Libro (COMPLETED)
FantasyIsang babaeng walang ginawa kung hindi ang magbasa nang magbasa. Sabi nila ang pagbabasa ay isang mabuting gawain. Pero sa sitwasyon niya, isang dalagang...hmm? Dalaga siya, hindi lang halata. Isang dalagang sobrang hilig ang pagbabasa ng love stor...