Kabanata 32
Bumuntong hininga ako nang makita ang iba't-ibang uri ng armas sa harapan ko. Tumingin ako sa prinsipe at wala na namang emosyon na mababakas doon.
Ano ba 'yan! Ito na naman ako sa pakikipagsapalaran!
"Gamit ang mga iyan ay susubukan mong talunin si Sprite." Sambit ng prinsipe.
Napatingin ako kay Sprite at nakatingin din siya sa akin. Guwapo rin ang isang 'to e. Dahan-dahan ko pang nilipat ang tingin kay Honey na wala ring emosyon ang mukha.
Paano ba nila nagagawa 'yon?! Gusto ko rin na wala akong emosyon!
Maaga akong ginising ng prinsipe kanina upang sabihin na may pagsasanay na naman kami. Kahit ilang beses na akong naligo rito sa mundo nila ay hindi pa rin ako masanay sa lamig noon. Noong una sobrang init pero bakit ngayon ay sobrang lamig?! Sinasadya na yata ni Chia eh!
Tumakas din ako kanina para mabisitang muli si Adam. Nakita ko siya sa may likod ng puno at nagmamasid lang. Mamayang gabi ay pupuntahan ko ulit siya rito. Nalulungkot ako na nasa gubat lang talaga siya. Nakaramdam na naman ako ng awa sa kaniya. Hindi niya dapat ito pinagdadaanan. Kung totoong buhay nga si Amelia ay hihilingin ko na sana'y bawiin niya na ang sumpa kay Adam.
Tutal magkakaibigan naman sila.
Umayos ako ng tayo nang makita ang mariin na titig sa akin ng prinsipe. Kung makatitig siya sa akin ngayon ay parang hindi siya naging malambing sa akin noong nakaraang gabi.
Dalawang araw na ang lumilipas mula noong sinabi niya sa akin ang medyo seloso at mapag angkin niyang linyahan.
Nanatili kaming magkatitigan. Walang nagbibitaw sa aming dalawa. Nasamid ako nang ikiling niya ang ulo at mas tinitigan ako sa ganoong paraan.
"Hindi ba, sinabi ko 'yon sa iyo?" Malumanay pa ang pagkakasambit niya iyon habang titig na titig sa akin.
Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam bakit parang hindi ko maibuka ang bibig ko. Sa sobrang daldal ko ay tila nalimutan ko ang mga alphabet letters dahil sa taong nakatitig sa akin.
Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng buong mukha ko. Hinigpitan ko ang hawak sa upuan niya at baka lumagapak na ako sa malinis na sahig ng kaniyang silid.
"Naputol na ba ang dila mo?" Ibinulong niya iyon sa akin. Marahan niya pang inilabas ang dila para dilaan ang pang-ibabang labi.
Whoa. Kalma. Almerie, wag na wag mong ipapahiya ang sarili mo!
"L-Lumayo ka nga ng kaunti." Bulong ko rin.
Bahagya ko pang iniaatras ang silya ngunit nanlaki ang mga mata ko nang hawakan niya iyon at hilahin palapit sa kaniya.
"Shit!" Napahawak ako sa magkabilang balikat niya at namimilog ang mga matang tiningnan siya. "B-Bakit mo hinila?!"
Ngumiti ang prinsipe. "Lumalayo ka sa akin."
A-Ano bang nakain nito kanina at naging ganito na?! Paasa ka! Buwisit!
H-Hindi kaya..nagayuma ito? The last time I checked, gandang-ganda ito kay Selena. Sobrang saya pa na madadalaw ang babae niya saka excited siya na makalabas ito sa selda sa makalawa.
Umiwas ako ng tingin nang mapansin na tinititigan niya pala ako. Ano kaya ang dahilan at bakit naging ganito ito sa akin? Imposible na may gusto siya sa akin.
Nang walang makuhang sagot sa sariling utak ay matapang ko siyang nilingon. Tumaas ang kilay niya at pawang tuwang-tuwa sa ginawa ko.
"Ano na naman 'tong trip mo sa buhay?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Bored na bored ka na ba sa pagiging prinsipe?"
BINABASA MO ANG
Almerie At Ang Mahiwagang Libro (COMPLETED)
FantasíaIsang babaeng walang ginawa kung hindi ang magbasa nang magbasa. Sabi nila ang pagbabasa ay isang mabuting gawain. Pero sa sitwasyon niya, isang dalagang...hmm? Dalaga siya, hindi lang halata. Isang dalagang sobrang hilig ang pagbabasa ng love stor...