Kabanata 37

246 9 0
                                    

Kabanata 37

Hindi agad ako nakagalaw. Nakakatawang isipin na lagi na lang akong ginugulat ng lugar na ito. Pamula pa umpisa nang makarating ako rito hanggang ngayon na kaharap ko si Lolang matangos ang ilong na naging dahilan kung bakit ako narito.

"A-Ano?"

Bumuntong hininga siya at tumayo na. Inayos niya ang upuan at tumalikod sa akin. Napanguso ako.

Kaimbyerna talaga 'tong si Lola! Kung hindi lang siya ina ni Adam ay baka nasipa ko na talaga 'to. Nagm-moment pa ako tapos bigla akong tatalikuran?!

"Lola naman e.."

"Narinig mo ang sinabi ko."

Oo nga! Pero dapat sumagot ka na lang!

Mas lalo akong ngumuso at tumayo na. Inayos ko na ang upuan ko at ipinatong sa upuan niya. Napatingin ako sa dingding ng silid niya, kung saan may mga iba't ibang libro ang nakalagay doon. Wow, so mahilig pala talaga siya sa libro.

Napatigil ako at nilingon siya. May hawak siyang walis at nililinisan ang kisame ng isang gilid na puno ng sapot ng gagamba.

May isa akong tanong kanina pa. Hindi ko alam kung itatanong ko ba 'to o hindi.

"Lola."

"Ano 'yon?" Napatigil siya at inis na tumingin sa akin. "Puwede bang tigilan mo ang pagtawag sa akin ng Lola?"

"Ha?" Napahawak na naman ako sa dibdib. "Eh anong itatawag ko?"

"Puwede namang sa pangalan ko na lang. Nagmumukha akong matanda dahil sa iyo."

"Eh matanda ka na naman talaga." Bulong ko pero agad na nanlisik ang mga mata niya kaya sigurado akong narinig niya.

"Wala pa ako sa singkwenta, Almerie."

Literal na nanlaki ang mga mata ko. Napatakip pa ako sa bibig ko sa sobrang mangha.

"W-Weh?" Tiningnan ko ang kulubot niyang balat ganoon na rin ang mukha niya na parang sa matanda na saka medyo kuba na rin siya.

"Oo. Hindi man halata dahil mukha na nga akong matanda." Muli siyang nagtanggal ng sapot. "Dahil ito sa panggagamot ko ng pilit. Iyong tipong hindi na kaya ng kahit anong gamot, nabubuhay ko pa rin. Alam kong mali, ngunit utos lamang sa akin."

Medyo nalungkot naman ako. "Kung ganoon, ikaw ang maghihirap?"

"Ganoon na nga." Tumingin siya sa akin. "Muntik ng mamatay ang Mahal na Hari, kung hindi ko lang siya ginamot ng sobra. Kaya ilang taon din ang itinanda ko."

Nabigla ako at nalulungkot na pinagmasdan siya. Grabe, hindi pala por que nakagagamot ka ay masaya iyon sa pakiramdam. May kapalit talaga ang lahat ng bagay.

"Lahat ng may mga kapangyarihan ay tila nakikipaglaban na sa buhay nila. Dahil pag naabuso iyon, buhay nila ang kapalit." Tinitigan niya ako. "Ganoon ka rin."

"Ano ba ang nangyari sa Mahal na Hari?"

Tinigil niya ang pag-aalis ng sapot at inayos pa ang mga lumang libro na nagulo. Ipinatas niya iyon sa kulay brown na cabinet bago tumingin sa akin.

"Sampung taon na ang nakalilipas nang maganap ang unang digmaan ng dalawang kaharian. Akala ng lahat dahil iyon sa matagal ng galit ng Mahal na Hari sa kabilang kaharian dahil hindi sila ang nagkatuluyan ni Alicia, o 'di kaya'y sa pagkawala ng nag-iisang anak ng mga Crista. Ngunit nang dahil iyon sa tatlong bato."

Namilog ang mga mata ko. Agad kong kinuha ang upuan at inabutan siya ng isa. Umupo naman siya roon ganoon din ako. Mahaba-habang chikahan na naman ito.

Almerie At Ang Mahiwagang Libro (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon