Wakas

671 22 3
                                    

"Nagustuhan niyo ba mga bata?" Tanong ko sa kanila nang matapos ako sa pagkukuwento.

Alam kong biglang-bigla sila sa mga sinabi ko, hindi ko kasi palaging natutuloy ang kuwento ko at laging kapos sa oras. Ngayon na lamang ulit.

Tahimik ang lahat. Napangiti ako nang makitang sumisinghot ang iba.

"Bakit kayo malungkot? Sad ba 'yong ending?" Pagkausap ko sa kanila. Walang sumagot at busy sa pagpupunas ng mga luha.

Lumingon ako kay Ate Anna na ngayon ay pinatatahan ang ibang bata. Napailing ako at pinatahan na rin ang iba. Napagdesisyunan namin na pagmeriendahin muna sila para malimutan iyong mga kinuwento ko, nandito ako sa isang bahay ampunan. Nakagawian ko na ang tumulong sa mga bata rito, pakiramdam ko kasi ay naiintindihan ko sila.

Hapon na nang magpaalam ako sa mga bata. Marami pa ang nagtanong kung kailan ako babalik kaya nangako ako na dadalaw ulit.

Naglalakad na ako sa hallway nang may humabol sa akin. Taka kong tiningnan ang babaing mahaba ang buhok habang diretso ang tingin sa akin. Isa siya sa mga bata kanina.

"Hmm? Bakit?" Bahagya akong lumuhod para magpantay kami.

Ngumuso siya. "H-Hindi na po sila nagkita?"

Nangunot pa ang noo ko noong una ngunit nang maunawaan ay malungkot akong ngumiti. Inaayos ko ang buhok niya.

"Hindi na. Anim na taon na ang nakalipas, hindi na sila muling nagkita."

Muling nanumbalik sa akin kung paano ko pinagpatuloy ang buhay sa loob ng anim na taon na parang walang nangyari sa akin, sabihin ko man o hindi sa mga taong malalapit sa akin, alam kong walang maniniwala.

"Ano bang nangyayari riyan sa pamangkin mo?" Dinig kong bulong ni Tita kay Tito.

Hindi ko sila pinapansin kahit nakasilip sila sa kuwarto ko. Abala ako sa paglilinis ng buong kuwarto. Inayos ko lahat. Inipod ko ang malaking cabinet na wala namang laman at doon nilagay ang mga nagkalat kong libro. Magulo ang buhok ko at amoy pawis na rin ako. Ganito ang ginagawa ko noong sumapit ang bakasyon namin. Inayos ko ang buong kuwarto ko at pinapintahan ng mas maayos na pintura, naglagay din ako ng mga stickers at designs. Pinatas ko ang mga libro kong kung noon ay pakalat-kalat. Natutuhan ko na ring iligpit ang mga damit ko at ilagay sa cabinet. Sobrang ganda ng kuwarto ko kaya palaging nakikitulog si Jaymin sa tabi ko.

Muli kong naalala ang libro na iyon kung saan nagsimula ang lahat. Hindi ko na alam kung nasaan na iyon. Bigla na lang iyong nawala noong pagbalik ko noong araw na iyon sa kuwarto ko. Sinubukan kong hanapin at nagtanong pa ako kina Tita at baka sinunog niya pero wala na. Hindi ko na nahanap.

Kaya naman para malimutan ang lahat maya't maya akong naglilinis ng buong bahay ganoon na rin sa aking kuwarto. Winawaglit ko sa iba ang isipan ko para hindi ko na muling maalala.

Palagi akong nagwawalis sa may likod namin at nagsisiga ng mga tuyong dahon, sinisigurado ko talaga na walang sinampay si Tita.

Ako na rin ang naglalaba ng mga damit nila pero palagi akong napapagalitan ni Tita. Aniya'y hindi ko naman daw kailangang gawin iyon. Sa tuwing naabutan niya akong maagang nagluluto ay palagi siyang napapa-sign of the cross.

"Naengkanto ka ba, Almerie?!" Iyon ang bungad niya nang mag-igib ako ng tubig sa may malayong poso kahit may tubig sa amin.

Ngumuso ako. "Nag-igib lang, Tita e."

"May tubig tayo! Sobrang dami! Meron pa sa mga timba sa banyo! Bakit ka nag-igib?!" Halos lumabas ang mga ugat niya sa leeg. "Ano ba talagang nangyayari sa iyo? Noong nakaraang taon ay panay ang iyak mo sa iyong kuwarto! Takang-taka pa ako na humaba ang buhok mo at kakaiba ang ganda mo-" napatigil siya nang ngumiwi ako. "A-Ano..maganda ka naman, kaso kakaiba ang ganda mo noon at parang wala ka sa sarili!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Almerie At Ang Mahiwagang Libro (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon