CHAPTER 12

28 3 7
                                    

CHAPTER 12

Lumipas na ang higit limang minuto pero hindi parin siya kumakalas sa pagkakayakap sakin.

"C-Cl-Clley?" Nahihirapang tawag ko sa kanya.

Paano ba naman kasi? Higit limang minuto na niya akong yakap na hindi man lang umaalis sa pwesto. Hindi ba siya nahihirapan? Okay lang ba ang isang to? Sabi limang minuto lang pero wala na atang balak ang isang to na bitawan ako.

"Cl-Clley???" Pag-uulit ko nang hindi siya tumugon sa akin kanina.

"Hmmn." Ungol niya.

"A-Are you okay?" Nahihirapan paring tanong ko ng tumugon na siya sa akin ng hindi pa rin umaalis sa posisyon naming dalawa.

"Hmmn." Tugon niya muli.

Hindi na ako nakatiis at ako na mismo ang kumalas sa pagkakayakap niya. "Hanggang ungol na lang ba ang masasabi mo?" Sabi ko habang hirap na tumayo sa pwesto namin.

"Bakit ka umalis?" Imbis na sumagot ay nakanguso siyang nagtanong nang makaalis ako sa pwesto namin. "Payakap pa. Five minutes pa." Sabi niya na animoy nagmamaktol na bata sabay nang pag angat ng dalawa niyang mga kamay sa harap ko.

Hindi ko inaasahan na mapangiti ako sa itsura niya. 'Tsk! Parang bata.' Napailing ako ng mapansin kong nakangiti na pala ako.

'Ano ang nangyayari sayo Zie? Umayos ka nga.' Panenermon ko sa sarili at muli siyang hinarap.

"Sabi mo five minutes lang. Tapos na ang five minutes wag kang abusado dyan. Ano ka? Sinuswerte?" Taas kilay na sabi ko dito.

"Psh! Ang damot." Nakangusong bulong niya pero malinaw sa pandinig ko.

"Anong madamot ka dyan? Tumigil ka nga lalaki. Hindi kita boyfriend at higit sa lahat hindi kita kaano ano kaya wag kang mag inarte dyan na parang naman anytime pwede mo gawin yon. Pi-Pinagbiygan lang kita pero hindi ibig sabihin non pwede mo na gawin kahit kailan mo gusto." Dire-diretsong sabi ko dito pero hindi ko inasahan na mauutal ako.

"Pinagbigyan? Talaga ba? If hindi ako nagkakamali gusto mo din naman." Nakangising pagmamalaki nito.

"Ha! Ano ka sinuswerte? Na-naawa lang ako sayo kaya pu-pumayag ako." Napapikit ako ng mariin ng mautal-utal ako.

'Seriously Zie? Naawa ka lang? The heck!'

Hindi ko alam kung paano pa ako titingin sa kanya dahil ramdam ko ang mga titig niya at nakangising mga labi. Paniguradong tuwang tuwa ang isang to.

"Ahhh. Naawa lang pala." Tatango tangong sabi nito na akala mo naman ay napaniwala sa sinabi ko.

"O-oo! Naawa lang ako kaya wag ka mag imagine dyan."

"Ako? Nag iimagine? Baka ikaw."

"Bakit ako? Ano naman ang iimaginine ko?" Tanong ko dito na hindi parin siya matignan sa mga mata. Para kasing anytime kapag tumingin ako sa mga mata niya hihigupin ako.

"Depende kung ano ang gusto mo isipin. Pero pwede din naman ako ang isipin mo." Sabi niya na naroon pa rin ang ngisi sa labi.

"Masyado kang ambisyoso," bulyaw ko dito nang hindi siya tinitignan at tuluyang tumayo patalikod sa kanya. Ayaw ko makita ang mga mata niya. Ayaw. A-YAW.

DREAMWhere stories live. Discover now