CHAPTER 5

10 3 0
                                    

CHAPTER 5

ZIENEBEA'S POV

Naalipungatan ako ng mga bandang 9:15 am. Matutulog pa sana ako ng maalala kong may lakad pala kami ni Mang Kano kahit na gusto ko na lang matulog ngayon ayaw ko masayang ang araw ko na nagmumukmok lang sa bahay.

Bumangon na ako at naligo.

After 30 minutes ay natapos akong maligo at naghanap ng masusuot sa cabinet. Tinignan ko kung mag shoshort ako o magpapantalon. Ilang saglit pa ay pinili ko na lang na magpantalon. Kinuha ko ang black pants ko at tinernuhan ko ito ng plain black fitted T-shirt at pinatungan ko ng denim jacket. Nagsuot na lang din ako ng white rubber shoes. Nang makuntento ako sa pag-aayos bumaba na ako.

Naabutan ko si Nana na naglilinis sa sala. Nang mapansin niyang pababa ako sa hagdan ay tumingin ito sa direksyon ko. Nginitian ko ito ng tuluyan akong makababa.

"Ayos ba Nana?" pagmamayabang ko dito na ipinapakita ko pa sa kanya ang suot ko na nakataas ang dalawa kong kamay hanggang dibdib at itinaas ng bahagya ang aking ulo sa kaliwang direksyon.

Narinig ko ang pagtawa niya ng bahagya dahil sa ginagawa ko. Natatawa na nagingiti akong hinarap siya.

"Bilib na naman kayo sa 'kin niyan Nana 'e," biro ko rito habang naglalakad papunta sa kanya.

"Ikaw talaga," natatawa pang tugon nito sa akin.

"Nasaan na nga po pala si Mang Kano, Nana?" na sinisilip pa ang labas tinitignan kung naroon ba siya "Aalis na po kami. Gusto niyo po ba sumama Nana?" tanong ko rito ng harapin siya.

"Hindi na," nakangiting pagtanggi nito sa 'kin "nasa labas na siya at hinihintay ka na niya. Sige na, umalis na kayo at baka gabihin pa kayo sa daan," sabi pa nito at inalalayan na ako palabas ng bahay.

Napangiti ako. Bigla ay nakaramdam ako na napakaswerte ko na may isang tao na handa akong alagaan at samahan sa ano mang oras na kailangan ko siya. Napaswerte ko na may Nana akong katulad ni Nana Ena.

Napakaswerte ko Nana Ena na nakilala kita.

"Salamat Nana," sabi ko rito at niyakap siya.

Nagulat siya sa ginawa ko pero tumugon din siya sa yakap ko.

"Nako itong batang 'to. Oh siya alis na at baka gabihin pa kayo," sabi nito na tinapik-tapik pa ang aking likod.

Inalis ko ang pagkakayap sa kanya at tinignan siya.

Thank you for everything, Nana.

Ngumiti na lamang ako ng pagkalawak-lawak sa kanya at nagpaalam na.

Naabutan ko si Mang Kano na pinupunasan ang kotse. Nang makita ako ay nahinto siya sa ginagawa niya at inilapag na ang basahan na gamit niya kanina at pinagbuksan ako ng pinto.

Nagpasalamat ako rito at sumakay na. Pagkasakay ko ay sumakay na rin siya sa driver's seat.

"Saan po tayo madam?" tanong nito sa akin na nakatingin sa rear mirror.

"Sa mall po kuya," sagot ko.

Tumango-tango na lamang siya at pinaandar na ang sasakyan.

After 30 minutes ay nakarating na kami sa mall. Nakatingin lang ako sa labas buong biyahe. Nang makarating na kami ay pinagbuksan uli ako ni Mang Kano ng pinto at nagpasalamat uli ako.

Nang maglalakad na ako at mapansing hindi nakasunod sa akin si Mang Kano at nakita kong papasok uli siya sa kotse ay tinawag ko ito at sinabihang samahan ako sa loob ng mall.

DREAMWhere stories live. Discover now