CHAPTER 2

20 3 0
                                    

CHAPTER 2

Nagising ako sa alarm na nasa side table ng kama ko. Sa pagmulat ko ay napansin ko agad na may luhang kumawala dito.

Am I crying? What happened? Did I just dream? Or did it really happen?

Inalala ko kung ano bang nangyari pero hindi ko magawang maalala ng lubusan ang mga nangyari. Pero sa huli naiiling iling na lang akong tumayo sa kinahihigaan ko.

"It's just a dream Zienebea," kumbinsi ko sa sarili.

Pinalis ko ang luhang kumawala sa aking mga mata then I stretched my arms and looked on the time.

"7:30 am?! Oh shit! Malelate na ako!" napatili ako sa gulat ng makita ko ang oras.

Dali dali akong pumunta sa banyo at naligo.

Wala man lang 20 minutes ang pagligo ko ng matapos ako. Kinuha ko ang mga gamit ko sa school at bumaba agad.

Naabutan ko si Nana Ena na naghahanda ng almusal. Dumiretso ako dito at binati siya at kumuha na lamang ng bread at ininom agad ang milo na inihanda niya para sa akin.

Dali dali akong nagpaalam sa kanya at tinawag ang driver namin na si Mang Kano.

"Kuya, tara na. Late na ako," sabi ko sa kanya at pumasok na sa back seat ng kotse ng hindi na siya hinintay pang pagbuksan ako ng pinto.

Nagulat man ay nagmadali na ring sumakay sa driver seat si Mang Kano.

"Kuya pwedeng paki-bilisan nalang natin dahil late kasi talaga ako," sabi ko na natataranta na.

"Yes madam," nakangiti nitong tugom na sumaludo pa sa akin.

Nagsimula na mag-drive si Mang Kano at inayos ko na lamang ang sarili ko habang nasa biyahe.

Hindi ko ugaling malate sa school. At sa pagkakataong ito, ito ang kauna-unahan kong malelate ng ganito.

Minsan na nga lang malate malala pa! Napaka talaga!

Lumipas ang ilang minuto at nakarating na kami sa school. Hindi ko na hinintay pa na pagbuksan ako ni Mang Kano ng pinto ay dali-dali na akong lumabas at nagpaalam sa kanya.

Nasa hallway na ako at lakad-takbo na ang ginagawa ko dahil sa pagmamadali.

8:05 am

"Oh shit!" napamura ako de oras ng makita ko ang oras.

Late na talaga ako. 8:00 am ang start ng first subject at malas-malasang sa pinaka-paborito ko pang professor.

Handa na sana akong tumakbo ng may biglang sumulpot na tao sa harapan ko at sa gulat ay nabangga ko pa ang mokong na 'to.

Takte napaka naman ng araw na 'to.

Nasapo ko ang aking ulo ng malaglag ang mga gamit na dala-dala ko. Agad ko itong pinulot isa-isa at napansin kong tinulungan ako ng nabangga ko.

Hindi ko na nagawa pang magsorry sa kanya. At wala sa vocabularyo ko ang sabihin 'yon.

Napulot ko na ang ilan sa mga gamit ko at iniabot niya naman sa 'kin ang napulot niya. Hindi na ako nag-abala pang tignan siya.

Tinanguan ko na lamang siya at didiretso na sana ako ng lakad ng bigla siyang magsalita.

"Wala man lang thank you?" his voice is so angelic pero hindi nito magawang makuha ang interes ko para bigyan siya ng tingin.

"Edi, thank you." Sabi ko na ginaya pa kung paano niya ito sinabi ng hindi pa rin humaharap sa kanya at dumiretso na ako sa paglakad.

DREAMWhere stories live. Discover now